One month later....
Railey's POV:
Bumalik na kami sa bahay at patuloy na namuhay ng tahimik. Masaya ang mga araw na yun lalo na kaming dalawa ni Agatha ang nag-aalaga kay Suzanne, bawat araw na nasusundan ko ang mga improvement niya at paglaki niya. I'm so much amazed to see her growing up.
Matagal na akong hindi nagtatrabaho dahil tinuon ko na ang oras ko sa pamilya ni Agatha at Zeus na alam kong isang araw ay hindi na magiging sa akin o should I say na never na naging sa akin. Lahat ng stocks at investment ko ay binenta ko na para matustusan ang pang-araw araw na pamumuhay at gamutan ni Agatha.
Ilang buwan ko na rin kinokontak si Adrian, na pinagkakatiwalaan ko sa bahay para magbigay sa akin ng impormasyon kung saan na si Zeus pero wala parin siyang maibigay.
Simula ng araw na malaman kong bigla nalang nawala ng parang bula si Zeus, alam kong meron nangyaring di kaaya aya kaya lalo akong nagpursigi para tulungan si Agatha lalo na't kailangan niya ako habang wala si Zeus pero bawat araw na makikita ko siya tila dinudurog nun ang puso ko sa takot na baka isang araw ay mawala siya sa akin at ang pamilya niya.
Alam kong ang pagpapakasal sa kanya ang tanging solusyon para tumigil si Phoebe sa panggugulo niya kay Agatha. Hindi ko pa alam kung bakit nagawa ni Zeus ang bagay na yun kay Agatha pero alam kong may dahilan siya at kailangan kong malaman yun.
Pagkatapos ng kasala ay nakipagkita ako kay Phoebe para itanong sa kanya kung saan si Zeus pero hindi niya ako sinasagot at tanging sagot niya sa akin ay okay lang siya. Ayaw niya ng ipaalam kung saan siya dahil ayaw niya ng guluhin si Agatha pagkatapos ng mga ginawa niyang gulo.
Hindi ko alam kung dapat ko banag paniwalaan yun dahil knowing him, lalo na at nasa ganitong sitwasyon si Agatha ay gagawin niya ang lahat para mabuhay ito. Wala siyang pakialam kung anong maririnig niya kapag mahal niya ang tao kahit sino ay babanggain niya para lang makasama ito.
Nasa ospital kami ni Agatha para magpachemo siya.
"Kaya mo na ba?" Nakaupo na si Agatha sa wheelchair at didiretso na siya sa radiation room kung saan siya magpapachemo.
Tumango siya sa akin na nakangiti at hinawakan ang kamay ko. "Oo, wag kang mag-alala." Pinasok na siya ng nurse roon at umupo ako sa harap ng radiation room para antayin siya roon.
Malaki ang kinangayayat ni Agatha sa mga nakaraan na buwan kahit na katatapos niya lang magbuntis na kadalasan sa kapapanganak palang ay malaki na ang dinagdag sa timbang, siya ay kabiktaran nito. Buti nalang ay naging healthy si Suzanne kahit na may sakit siya habang pinagbubuntis ito. Kahit ang pagkain ay hindi na yun inabsorb ng katawan niya dahil na rin sa sakit niya na araw araw siyang pinahihirapan nito. Bawat araw ay natatakot akong bigla nalang siya mawala sa akin at sa mga bata. Mas kinakatakutan ko pa yun kesa sa pagdating ni Zeus at bawiin sila sa akin.
30 minutes na akong nag-aantay sa labas ng makaramdam ako na kailangan kong pumunta sa toilet para umihi. Isang oras ang chemo session ni Agatha kaya sumaglit muna ako sa toilet kung saan sa pinakadulo pa ng kada floor ng hospital. Nang makarating ako roon ay umihi agad ako at pabalik na sana ako kung saan si Agatha naroon.
Nang may nakasalubong akong doktor at may tumatakbong nurse sa likuran niya. Napansin ko nalang na nakasunod si Phoebe sa kanya.
"Doc, kailangan po kayo sa room 803." Natatarantang sabi ng nurse sa doctor.
Agad naman na tumakbo sila kasama si Phoebe na halatang di ako napansin.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
Roman d'amourPaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...