Twelve: Sakit

590 16 0
                                    

"Sir, sa tingin mo po ba may pag-asa po talaga tayo kay Mr. Benetiz?" Team Leader Jon, nag-aalala ang lahat dahil sa narinig nilang utos ni Zeus.

"Yes, but we need him to impress." Kitang kita sa kanyang mga mata na determinado talaga siyang makuha ang gusto niya.

"Maganda ang takbo ng kompanya pero ilang taon niya na tayong tinatanggihan." Halatang hindi papayag si TL Jon sa plano ni Zeus.

"So do your best, San Manuel Corp be in the top rank in this month." Narinig na naman namin ang mga bulung- bulungan at muli na sanang magsasalita si TL Jon.

"Pero..." Itinigil ito agad ni Zeus.

"Wala nang pero pero, do what I say." Halatang mas malaki pa rin ang authority ni Zeus.

"Meeting adjourned."Nagsipag-alisan naman ang lahat.

"Agatha?" Tawag nito sa akin.

"Sir?" Lumapit naman agad ako sa kanya.

"Check them and tell me what's going on." Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos sa akin.

"Yes, Sir." Lumabas na ako at nakita ko na magkakasama sila sa isang gilid ng opisina.

"Nababaliw na ba si Sir? Alam niyang mortal na kaaway ng ama niya si Mr. Benetiz." Sabi ni Joshua na matagal na rin sa kompanya.

"Let's do what he asked for." TL Jon, hindi parin maialis ang pangamba sa mga tao sa kompanya na ngayon ay halatang stress na stress na sa kanilang gagawin.

Ilang linggo na busy ang opisina at nang matapos nila ang magazine na ipupublish ngayong buwan, buong empleyado ng kompanya ay nakatutuok kung anong mangyayari sa kanilang pinaghirapan pagkatapos ng isang linggo dahil malalaman kung pang-ilang rank ang magazine na aming ginawa. Nagsiya ang lahat ng makitang nasa top 3 ang Start Up Magazine. Lahat ng pagod at walang tulog ay mababawi na rin ng bawat isa.

"Agatha, ready for tomorrow meeting. Isa at kalahating araw tayo, kaya magready ka ng mga susuutin mo. We will meet, Mr. Benetiz!" Kahit ayaw kong pumayag anong magagawa ko boss ko siya. 

"Yes, Sir!"

Inayos ko na ang mga gamit ko dahil kailangan namin umalis ng maaga. Hindi maganda ang pakiramdam ko paggising ko dahil na rin sa ilang araw na walang tulog at maayos na pagkain dahil sa hinabol ng lahat nang nasa opisina ang project. Maging si Zeus ay wala ring tulog dahil binabantayan niya ang bawat galaw ng grupo. 

Buong biyahe tahimik kaming dalawa at kung mag-uusap man kami ay puro business matters lang. Nakaidlip ako ng 30 minuto hanggang makarating kami sa lugar. Feeling ko ay sapat na ang aking tulog para maibsan ang sakit ng aking ulo. Hindi ganun kaganda ang panahon sa Ilocos at muntik na rin icancel and flight namin ng papunta kami buti nalang ay hindi natuloy. Pero pagbaba namin sa eroplano halatang di maganda ang panahon doon. Gusto ko sanang bumisita sa resort kahit saglit lang pero dahil sa di maganda ang panahon, di ko alam kung matutuloy pa ako.

Dumating kami sa meeting place, na isang resort na kung saan malapit ang resort namin noon. Isa si Mr. Benetiz sa matalik na kaibigan noon ni Papa pero hindi ko siya lubos na ganun kakilala dahil humawak lang ako ng business ni Papa nung panahon na gusto niya ako ipakasal kay Railey. Kaya alam kong hindi rin ako kilala ni Mr. Benetiz.

"Good morning, Ma'am Sir. How may I help you?" Nakangiting bati sa amin ng frontdesk.

"Good morning, I had reserved two rooms yesterday. Two suite rooms." pagbibigay ko ng impromasyon sa kanya.

"What is your name Ma'am?" Chineck niya naman ang computer niya kung meron ba.

"I am sorry Ma'am but we don't have your name on the list." 

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon