Twenty Six: Marriage Certificate

435 13 0
                                    

Three months later.....

Hindi muna ako pumapasok ng trabaho habang si Zeus naman ay nasa Italy for one week na rin dahil raw sa business. Bukas pa siya babalik  at ako naman habang nagbabakasyon ay nag-aasikaso nalang  kao ng bahay at yung ibang naiwan niyang trabaho dito sa bahay ay ginagawa ko.

"Mommy, let's make a house." Pangungulit sa akin ni Sync.

"Okay, we will." Kinuha ko ang karton at nilabas sa may garden.

"Bes!" Napalingon ako kung saan nanggaling yung boses at di nga ako nagkakamali ng makita ko si Michelle.

"Bes! Buti nakapunta ka?" Excited akong lumapit sa kanya at iniwan si Sync sa may garden kasama niya si Mama.

Nanlaki ang mata na para akong naduduwal ng maamoy ko siya. Nagtatakbo ako papunta ng may banyo at doon sumuka.

"Hoy bes anong nangyayari sayo?" Sumunod siya sa akin at nagtataka sa naging reaksyon ko.

"Nadala mo ang amoy ng taxi bes!" Nang makapagsalita ako.

"Grabe ka, bakit ang sensitive mo na ngayon? Noong nasa iskwater naman tayo di ka ganyan. Nagtatampo na ako." Pagbibiro niya.

"Sira ka!" Natatawa ko siyang niyakap at muli naduwal na naman ako sa amoy niya.

"Bes pakiusap lang lumayo ka muna sa akin. Di ko matake ang amoy mo." Medyo lumayo naman siya at di naman siya naoffend sa pinagsasabi ko.A

Sinama ko siya sa kwarto ko at pinahiram muna ng damit.

"Ikaw ah, nagtataka na ako sayo." Pagdududa niya sa akin.

"Sorry na, ngayon lang naman to nangyayari sa akin. Medyo nagiging sensitive na ako ngayong mga nakaraang araw pero matagal na rin naman to mas lumala lang talaga ngayon." Matagal ng nangyayari to sa akin kahit wala pa nangyayari sa amin ni Zeus kaya hindi ko iisipin na buntis  ako.Lumingon lingon siya at tila may hinahanap sa loob ng bahay. "Okay lang, saan na pala si Papa Zeus?" 

"Nasa Italy, may inaasikaso lang. Ikaw bakit ngayon ka lang pumunta dito?" Bigla siyang ngumiti ng pagkalaki laki kaya medyo  naweirduhan ako sa kanya.

"May ibabalita lang ako sayo bes." Excited niyang hinawakan ang kamay ko.

"At ano naman yun?" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa mga kamay ko at bigla siyang umikot ng bahagya sa harap ko.

"Ano ba yun?" Nagtataka na ako sa inaakto niya.

"Juntis na ako, bes." May kalakasan niyang sabi sa akin.

"Weh totoo ba yan?" Hinampas niya ako sa may kamay sa inis niya.

"Gaga, pupunta ba ako dito kung prank lang to?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa balita niya at nagtatalon sa tuwa.

"Kung di ka pa mumurahin di ka pa talaga maniniwala eh." Natawa ako sa sinabi niya.

Hinimas ko ang kamay ko dahil sa sakit ng paghampas niya kanina. Nakita ko naman na nagmarka ito at tila nagpapasa na naman.

"Uy, okay ka lang ba?" Tiningnan niya ang kamay ko  na nakita niyang ininda ko.

"Grabe naman, sobrang lakas ba ng palo ko sayo kanina?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Sira, hindi. Siguro dahil di pa ako dinadatnan kaya ganyan." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig niya.

"Ikaw wag mo akong niloloko ah. Sinasaktan ka ba ni Zeus?" OA niyang pag-aalala niya sa akin.

"Gagi ngayon lang to. Mawawala rin yan. At never nga akong kinurot man lang ni Zeus kaya wag ka ng mag-alala. Alam ko ang nangyayari sa katawan ko." Pagkukumpirma ko  sa kanya na wala dapat ipag-aalala sa mga nangyayari sa akin ngayon.

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon