Twenty Five: New House

377 13 0
                                    

Two weeks later.....

Pumayag na rin ako sa gusto ni Zeus na lumipat na kami ng bahay.

Nag-aayos na ako ng mga gamit dahil sa dami parin naming dinala ni Mama na gamit pa namin sa Ilocos noon.

Tinutulungan ko si Mama sa pagtutupi at pagsasalansa ng mga damit habang sila Zeus at Sync ay busy sa pagluluto.

"Masyadong malaki ang bahay na to para sa atin." Komento ni Mama.

"Opo nga po pero matigas ang ulo ni Zeus. Matagal niya tong inooffer sa akin Ma pero ngayon ko lang po tinanggap."

"Hindi kaya malaman ng pamilya ni Zeus ang bahay na to? Baka magalit lalo sayo iyon anak?" Alam kong nag-alala siya lalo na pagkatapos ng nangyari sa amin ng Mommy ni Zeus.

"Hindi ko alam Ma, pero sana unti unti rin niya kaming matanggap."

Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko. "Basta anak, isipin mo ang sarili mo bukod sa amin ni Sync, pwede ba yun?"

"Opo Ma kaya nga sinagot ko na si Zeus dahil gusto ko rin maging makasarili kung minsan." Napangiti naman si Mama sa naging sagot ko.

"Basta sabihin mo sa akin kung may di magandang nangyayari dahil andito lang ako sa tabi mo."

"Opo Ma. Sayang lang at di pa nakilala ni Papa si Zeus."

"Siguradong matutuwa yun na makilala niya ang ama ni Sync." Paninigurado nito sa akin.

"Miss na miss ko na si Papa Ma." Naluluha kong pagtatapat sa kanya.

Niyakap ako ni Mama. "Ako rin anak pero kailangan parin natin maging masaya."

"Masaya na kaya siya ngayon?" Tumango naman siya

"Oo naman basta nakikita niya tayong masaya." May kumatok na sa pinto at sila Zeus at si Sync.

Naghiwalay naman kami ni Mama sa pagkakayakap at pinunasan namin ang mga luha namin.

Bahagya nilang binuksan ang pinto. "Ma, Agatha kain na tayo." Aya ni Zeus.

"Oh sige susunod kami." Umalis din agad sila.

"Halika ka na Ma, mamaya na po yan."

Dumiretso na kaming dining room at kumain na.

Pagkatapos kumain ay ako ang naghugas. Habang naghuhugas nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin.

"Ano ba? Nakakagulat ka naman!" Bigla siyang tumawa at mas lalong hinigpitan ang yakap sa bewang ko.

Iniligay niya ang ulo niya sa kanang balikat ko.

"Uy, baka makita tayo nila Mama." Pananaway ko sa kanya.

"Don't worry busy sila sa panonood ng tv." Nakuntento naman ako sa sagot niya dahil medyo malayo ang sala sa amin.

Nararamdaman ko naman na parang nakangiti siya sa oras na yun.

"Uy, bakit ka dyang nakangiti para kang sira."

"I'm just happy." Napangiti naman ako sa sagot niya.

"Para tayong bagong kasal." Natawa ako sa sinabi niya.

"Grabe rin yang nasa utak mo no? Niyaya mo na ba akong magpakasal?" Dahan dahan akong humarap sa kanya.

Nakita ko naman sa mukha niya ang pag-iba ng ekspersyon niya. Sa masaya na bigla nangamba.

"Charot lang, baka isipin mo na desperada ako." Pagbibiro ko sa kanya.

Kinurot ko ang pisngi niya para di niya mapansin na nadisappoint ako sa naging reaksyon niya.

"Okay, let's get married after a year." Biglaan niyang sabi.

How to be yours? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon