I receive a text from Zeus asking me where I am. 8 hours after I went to his condo unit. I feel at ease because I knew he is in good condition now.Pero hindi ko na siya nireplyan at nireject ko rin ang mga tawag niya dahil ayaw ko pang mapalapit pa sa kanya.
Pagkatapos nang araw na yun ay halos dalawang linggo siyang di nagparamdam kahit pagpasok sa trabaho ay di ko na ginawa at tumutulong muna sa coffee shop ni Michelle para kumita kahit papano.
Bandang tanghali nang may kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko iyon ng walang pag-aalala pero nang makita ko ang taong nag-aantay dun ay agad akong napatanong sa aking sarili.
"Anong ginagawa niya rito?"
"Good afternoon Miss Agatha!"
"Napadaan po kayo Atty. Zamora?"
"Maari bang tumuloy?" Magalang nitong tanong.
"Opo." Binuksan ko nang may kalakihan ang pintuan para makapasok siya.
Dumiretso kami sa maliit na sala. Nagtimpla ako ng inumin para sa kanya at tahimik niya namang pinagmamasdan ang bahay.
Dinala ko agad sa harapan niya ng matapos kong timplahin ang juice at doon nagsimula na siyang magsalita.
"I know how surprise you are to see me here." I nag my head.
"My client, Mr. Zeus wants you to sign some documents." Binuksan niya ang kanyang case at nilabas ang ilang pirasong papel.
Nagsimula na siyang magpaliwanag tungkol sa child custody. Hanggang sa pinakita niya sa akin ang mga kondisyon ni Zeus para kay Sync.
"Hindi maari yan." Tanggi ko agad nang matapos siyang magpaliwanag.
"Lahat nang nakasulat dito Miss Agatha kahit na tanungin mo pa sa ibang abugado ay karapatan ng sinong ama." Pagpapaliwanag niya.
"Magsasampa ako ng petition." Lakas kong sagot sa kanya.
"Kung 'yun ang gusto niyo pero mahihirapan din kayo dahil sa sitwasyon niyo ngayon. Di niyo kayang magbayad pa ng abugado at bandang huli ito parin ang isasagot ng korte sa inyo." Natahimik ako sa sinabi niya.
Tama siya, anong laban ko kay Zeus at sa pera niya kahit pagkain palang ay hirap na ako sa ngayon, paano pa kung kalalabanin ko siya.
"Maiwan na kita Miss Agatha, basahin mo nalang ang mga dokumento at tawagan mo nalang ako sa number na ito kapag nakapagdesisyon ka na." Hindi ko na siya nahatid pa palabas ng bahay dahil wala akong lakas para gawin yun.
Gusto ko nang kalimutan si Zeus pero bakit paulit ulit parin niyang pinagsisikan ang sarili niya sa anak ko?
Binasa ko ang mga nakasulat roon, hindi naman ganun kahirap ang gusto niya. Makita ang bata isang beses, isang linggo. Dalawin ang bata dito sa bahay. Gusto niya rin magbigay ng sustento buwanan na mas mataas pa sa sinusweldo ko sa kanya at iba na pwedeng gawin ng isang ama para sa kanyang anak pero pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka isang araw kunin niya nalang sa akin si Sync at mawala sa piling ko ang anak ko.
Sinundo ko na si Sync sa eskwelahan ng alas tres ng hapon. Buong oras na magkasama kami ay kwenikwento niya ang nangyari sa kanya sa eskwelahan.
Pumunta rin kami sa playground na malapit doon. Hindi ganun katirik ang araw dahil taglamig na rin, Ber months na. Pinaupo ko siya swing at marahan kong tinutulak ito na nagpapasaya sa kanya.
"Mommy, thank you!" Pilit siyang lumilingon para makita ako.
"For what naman baby?"
"Because you are here with me. You have time for me again." Hininto ko ang swing at binuhat ko siya. Umupo kami sa swing habang nakaupo siya sa aking mga hita.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
RomancePaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...