"Mabilis akong napatayo at binuhat si Sync palabas ng kwarto."
"Mommy, are Lola and Lolo okay?" Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Yes, they are okay." Binaling ko ang tingin kay Yaya.
"Bakit dinala mo si Sync dito?" Nakita naman agad niya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
"Kasi po gusto niyang makita ang Lolo niya."
"Alam mong ospital to at bata pa si Sync. Pano nalang kung magkasakit siya? Iuwi mo muna siya. Uuwi ako ng bahay mamaya."
"Opo Ma'am." Magalang na sagot nito sa akin kahit mas malaki ang agwat niya sa edad ko. Hindi ko matanggal ang inis sa nangyari ngayon.
"Mommy, gusto ko pong makita si Lola at Lolo." Niyakap niya ako ng mahigpit upang hindi ko siya maiabot sa yaya niya.
"No, Sync. Later Mommy will come home. Okay?" Pinigilan kong di tumulo ang aking luha dahil ayaw kong makita niya na masyado akong mahina. Hindi niya maiintindihan ang mga nangyayari.
"Please, Sync. Diba good boy ka? Gusto mo ba magalit si Mommy?" Umiling agad ito.
"Please, Mommy." Pagmamakaawa pa nito.
"No, Sync. Makinig ka kay Mommy ngayon." Binigay ko siya kay Yaya Minda at umalis na agad ito.
Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang magkapatid ngayon. Bakit ngayon pa? Kung kailan sunod sunod ang problema.
Binuksan ko ang pintuan. Nakita ko naman na nakatingin silang dalawa sa akin at gustong ipaliwanag ang lahat.
"Agatha?" Pagtawag ni Railey sa akin.
"Please Railey wag muna ngayon." Madali naman niyang naintindihan. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Mama. Nakita kong bukas na ang mga mata nito.
"Ma!" Mabilis akong lumapit dito habang siya naman ay pilit na umupo.
"Narinig ko ang boses ng apo ko? Saan siya?" Kalmado na siya di gaya ng kanina.
Lumingon ako sa dalawa na ngayon ay tinitingnan ni Mama. Alam kong gusto na nilang malaman ang lahat.
"Pinauwi ko muna sila ni Yaya Minda. Baka mahawaan ng sakit." Paliwanag ko.
"Sino sila?" Pagtukoy niya sa magkapatid.
"They are my friends and business partner of Papa" Tumango naman si Mama at alam niya na ang ibig kong sabihin.
"I need to tell you something, Agatha." Muli kong tiningnan ang dalawa at naintindihan naman ng dalawa ang gusto kong mangyari.
Lumabas ang mga ito. Nakatingin ito sa akin na alam kong hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.
"Ang papa mo." Ramdam ko na naman ang pag-umpisa ng panginginig ng kanyang boses. Kaya tumabi ako sa kanya at inakbayan siya. Gaya ng ginagawa ni Papa. This will make her feel more secured.
I never see this in my wildest dream, to see my Mom crying because of Dad.
"It's okay Ma." I try to comfort her and I try my very best to not spill out all of my tears.
"Lahat ng pagmamay-ari natin ngayon ay mapupunta sa bangko." She firmly said. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko dahil wala akong alam tungkol doon.
"Ano pong ibig mong sabihin?" Naguguluhan tanong ko rito. Hinawakan niya ang aking kamay.
"Ginamit ng Papa mo bilang collateral ang bahay at yung ibang asset natin para sa pagtataguyod ng resort dahil matagal na itong bankrupt." Nanghihina nitong sagot.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
RomancePaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...