"Zeus, wag ka naman nagbibiro ng ganyan!" Pinilit kong tumayo at nilakasan ko ang loob ko na hawakan siya para makumpirma kung hindi ba to isang panaginip lang.
Walang patid ang aking luha sa di ko maintindihang pangyayari. "Zeus, tumayo ka na dyan! Sabi ko naman sayo ayaw na kita makita diba pero magpapakita ka talaga sa ganito pang sitwasyon."
Akala ko nabubuhay na siya ng tahimik pero bakit ganito?
"Pinapatawad na kita basta tumayo ka lang dyan!" Mahigpit ang hawak ko sa mga kamay niya at dahil dun ipinamukha sa akin ng katotohanan na hindi lang to isang panaginip.
"Bakit ka naman ganyan?" Nag-aantay ako ng sagot sa kanya pero kahit isang salita lang ay walang lumalabas sa kanyang bibig.
Unti unti ng pumasok sa utak ko lahat ng nangyayari at kahit masakit ay natanggap ko na ang masakit na katotohanan ang lahat. Naging kalmado ako pagkatapos ng isang oras ay pinagmamasdan ko lang siya mahimbing na natutulog.
Alam kong gigising siya at lalaban siya. "Inaantay ka ni Sync, alam mo ba yun? Kahit di niya sabihin sa akin na namimiss ka niya alam mo bang hanggang ngayon nasa kanya parin yung picture niyong dalawa sa park? Si Suzanne naman ay lumalaking magandang bata pero itong mga nakaraang araw ay hindi ko siya maalagaan ng maayos dahil sa sitwasyon ko at alam kong naiintindihan niya yun. Gusto mo ba siyang makita? Huh?" Nilabas ko ang picture namin ni Suzanne ng binyag niya at pinakita sa kanya.
"Mataba siya, singkit at maputing bata. Alam mo ba pilya to at nagmana siya sayo. Sa tingin ko matutuwa siya kapag nakita ka niya. Kaya lakasan mo ang loob mo ah kailangan mo pang makita si Sync at si Suzanne." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Ikwenento ko lahat ng masasayang nangyari sa akin habang wala siya sa tabi ko. Sa pamamagitan nun alam kong naririnig niya parin ako.
Natapos ang tatlong oras hanggang sa nakatulog ako na nakaupo habang nakapatong ang ulo sa kama niya, hawak hawak ko parin ang kamay niya. Nagising na ako ng madaling araw na ng tumunog ang alarm ko dahil kailangan ko ng uminom ng gamot.
Nagulat naman ako ng makita ko si Railey na nasa tabi ko na at inabot sa akin ang gamot at tubig. Nakakumot na rin ako na alam kong siya ang naglagay nun. Kinuha ko naman yun at ininom.
"Umuwi muna tayo." Pag-aya niya sa akin.
"Pero paano si Zeus?"
"Darating na mamaya sila Mom at Dad para magbantay." Naintindihan ko naman agad yun.
"Zeus, babalik ako okay? Antayin mo ako." Pagpapaalam ko rito.
Umalis na kami sa kwarto niya na sakto naman ang pagdating ng mga magulang niya ng magkita kami sa hallway ng ospital. Nag-aya ang mga magulang ni Railey na mag-almusal muna bago umalis.
Si Railey ang bumili ng makakain at naiwan kami ng Mom at Dad niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko kaya hindi ako nagsasalita.
"Agatha, how are you?" Pag-uumpisa ng usapan ng Daddy ni Zeus at Railey.
"Okay naman po ako." Nakangiti kong sagot rito na nagpatango nalang sa kanya.
"Kamusta naman ang mga apo namin?" Awkward na tanong ng Mommy nila Zeus at Railey.
Mukhang naikwento na ni Railey ang lahat sa kanila at sa tingin ko nakita na nila na darating din ang araw n magkakaharap kami.
"Okay naman po sila." Muli kong sagot.
"Agatha?" Kinuha ni Tita ang atensyon.
Nang tingnan ko siya ay nakatingin siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung awa ba ang nakikita ko sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
Lãng mạnPaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...