Chapter 39: Situations

808 28 0
                                    

[ YUNHYEONG's P.O.V. ]

Matapos ang bagyo ng ilang araw ay hindi na kami nagpapaligoy pa at diretso agad kami sa pier. Nung nakaraang araw pa handa ang aming mga gamit kaya ganon.

Nandito na kami sa yacht na ipinareserve ni CEO samin sa pier 3. Marunong naman na ang mga hyungs sa pagdrive ng yacht kaya no worries na kami.

Kanya-kanya naman kami ng business. Wala na akong pake sa kanila basta ako nandito lang sa may gilid, tanaw-tanaw ang magagandang view ng dagat. But at the same time, I was thinking of Yuril. Obvious naman na gusto ko na siya, oh no, nung nakaraan nayun. Ngayon, mahal ko na siya. Who would have thought na hindi masyadong maayos ang pagkaencounter namin? Yet all the while ay nahuhulog na pala ang loob namin sa mga girls nayun.

Inamin na naming mga boys ang naramdaman namin sa mga girls ang isa't-isa. Si Donghyuk nga inamin na na nililigawan na niya si Mich. Si Jinhwan na nagconfess na pala kay Seoane pero hanggang ngayon wala pa man lang reply, eh malamang sa malamang na shipwreck sila eh. Si Bobby namamanhid parin ni Zany. Si Junhoe hindi magawang magtapat kasi ang hirap paamuhin ng lalabs Taezel niya. Si B.I nasa uhm..ewan, pero minsan makita ko sila ni Lena na nagsisweetan sa isa't-isa, palagay ko M.U. na sila niyan. Si Chanwoo ay friend zoned pa. Eh ako kayang mahal ko na siya pero hindi ko pa masabi sa kanya kasi natoTORPE ako! Tsk!

I just groaned with the thought. Mukhang mababaliw ako sa kakaisip nitong love problem ko ah? Bakit parang sa kanila ang dali lang pero sakin parang gusto kong magback-out pag kaharap ko si Yul?

Rejected? Siguro, takot akong marejected kasi parang yung effort ko at pagmamahal ko sa kanya masasayang lang kapag nireject niya ako. Pero may ginawa pa ba akong effort sa kanya? Mukhang siya nga lang ang may ganang mag-effort sakin eh. Nililibre niya ako ta's siya magbayad sa pamasahe namin, siya pa ang nagdala ng jacket at bottled water ko nung umalis na kami sa Underground Building para bumalik sa Ent. para sa comeback namin eh, nabigla ako nang tumakbo siya sakin bitbit ang mga gamit ko kaya.....nakakahiya! Someday....ako naman ang gagawa ng effort para sa kanya. I just need a little help from her members. Pero mamaya ko na yun isipin. Nasa adventure pa kami at hahanapin pa namin sila. I'm eager to know kung okay na ba sila. Hindi namin sila magawang icontact eh kaya obviously ay wala kaming balita sa kanila.

Naramdaman ko nalang na may nagtap sa balikat ko. Napatingin ako sa katabi ko at si Junhoe lang pala.

"Anong iniisip mo?" biglang tanong niya. Himala at mukhang seryoso nato ah? Ayoko kasing magloloko yan palagi, mahawa ako eh. Tss..

"Eh ikaw? Anong iniisip mo?" pagbalik ko ng tanong sa kanya. Pero syempre joke ko lang ito sa kanya, ayaw na ayaw niya kasi yung magtanong siya tapos tanong din ang sagot niya kaya...haha, binibiro ko lang siya, I was about to answer anyway pero bigla nalang siyang nagsalita.

"Hindi 'ano' Hyeong kundi 'sino'. I've  never felt this way before. Parang kailan lang ay nagkita kami sa library, na sinungitan niya ako, but now I ended up loving her. Alam mo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko diba Hyeong?" sabi niya with full of seriousness. Alam niyo naman siguro na kaming dalawa ni Junhoe ang mga palabiro at kung may saltik sa grupo, pero, ngayon lang namin nagawang magseryoso.

"Tsk! Oo alam ko. Tsaka, alam mo din naman siguro na hindi rin 'ano' sakin kundi 'sino'. Also, alam mo rin naman siguro kung sino ang tinutukoy ko diba?"

"Ghaad......bakit ba ang stubborn nila masyado. Lalong lalo na yung liit nayun. Aisssh! Magkita lang kami sesermonan ko talaga yun. Tsk!" sabi niya kaya napangiti naman ako.

Tumingin ulit ako sa dagat. When I see Yul? What's the first thing that I should do?

~~~~~~~~~~~~~

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon