Epilogue

1.7K 29 2
                                    

{ 3RD PERSON's P.O.V. }

Matapos ang paghanda ng iKON ay 9:30 na sila nagbabyahe patungong Southville Bridge. Malapit lapit lang naman ito sa subdivision nila kaya hindi sila nahihirapang pumunta sa venue.

Habang papalapit na sila sa venue, ay siya namang bilis ng tibok ng puso nila sa...kaba. Ngayon lang nila ito naranasan maliban nung una nilang paglalaban.

Pagdating na nila sa Southville Bridge ay kanya kanya silang nagsibabaan sa van. Naglalakad na papasok sa bridge at kitang may naghihintay nga sa kanila sa loob ng bridge.

"Okay! Hindi na natin ito patatagalin pa!" sigaw ni Junhoe at pumosisyon na sa Gang na nasa harap nila.

Wala silang nakuhang sagot mula sa kanila dahil nanatili lang itong nakatitig sa kanila at balot na balot ang kanilang mga mukha, nakaponytail, nakasuot lahat ng itim at parehong matatangkad, hindi lang kasing tangkad ng mga boys, iyong sakto lang.

"Siguraduhin niyo lang na makukuha namin ang ipinusta ninyo kung sakaling mananalo kami kundi lagot kayo samin!" singit naman ni Yunhyeong na tumabi kay Junhoe.

Tumawa naman ang mga babae. Nagulat ang mga lalaki sa reaksyon ng mga babae. Hindi nila inaasahang ganito sila kacreepy.

"Huwag na nating patagalin pa ito, kayo ang humamon samin ng away, at gang fight ang sadya natin dito hindi makipagtawanan." matalim na tingin ang ipinakita ni B.I sa kanila.

Matalim din na tingin ang kanilang iginanti bago sumugod sa mga boys. Sakto namang pito lang ang mga girls kaya by partner ang away nila.

Malalakas ang kanilang kalaban. At mukhang anytime ay matatalo na sila.

Ngunit hindi nila iyon iniisip at ginawa ang lahat ng makakaya para manalo.

"Shit! Ang lalakas nila." mungkahi ni Bobby nang nagtitipon ang pito sa isang sulok na pilit hinahabol ang hininga.

"H-hindi ko na ata kaya." sabi ni Donghyuk habang hawak hawak ang tagiliran nito, pilit na iniinda ang sakit.

Ramdam naman nilang lumapit ang Anonymous Gang sa pwesto nila. Napaatras rin naman ang iKON. Ngayon ay natatakot na sila sa aura ng mga ito. Hindi nila inasahan na ganito kalakas ang makakalaban nila at mga babae pa. Medyo nakakaoffend sa part nila.

"Guys, hindi naman siguro tayo mamamatay. Nasa rules iyon ng gangsters right?" bulong na sabi ni Donghyuk sa anim habang papaatras sila. Nagsitanguan naman ang anim.

"Ang lalakas ng loob niyo kanina tapos ngayon ay natatakot na kayo? So hilarious!" salita nung matangkad pa sa kanila. Ang lalim ng boses nito.

"Naknang!--marunong ka palang magsalita? Bwahahaha!" singit ni Yunhyeong sabay halakhak, kaya yung atmosphere nila kanina ay napalitan ng medyo...erh funny, medyo lang naman.

Napatawa rin naman ng mahina ang iKON. Di nila akalaing hanggang dito ay uubra din ang pagbabara ni Yunhyeong.

"Mm...marunong ka palang tumawa?" bara nung isa sa kanila.

Imbis na matakot sa kanila ng husto ay napahagalpak tuloy sila ng tawa, nakisali narin ang ibang kasama nung bumara kay Yunhyeong at si Yunhyeong naman ay galit na halong hiya na nakatitig sa bumara sa kanya at yung bumara naman sa kanya ay nakipagtitigan din sa kanya.

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon