Chapter 53: Bonding

805 26 0
                                    

[  LOUIE's P.O.V. ]

Days have passed at nadischarge narin si Junhoe. At 1 week have already passed after the incident sa island.

Now we're here. Safely home and peaceful at last.

Kasama ko ngayon si Noel at Jim. Si Arjohn kasi ayun mukhang may something na. Palagi ba namang bumisita kila Ash? Si Ken naman, tinapos niya ang college niya. Nagstop kasi siya nun kaya ngayon ay tinuloy niya. Lovelife niya? Ewan ko, mukhang crush pa lang ang meron siya eh hehe.

Ang mga girls...ayun kalat na sa social media ang relationship nila between iKON. Siyempre may supporters, meron ding bashers. Pero the fact na masaya sila sa kung anong meron sila ay wala itong mga pakialam. Basta mahal nila ang isa't-isa ay okay na.

Kung tinatanong niyo kung nasaan kami, eto nasa mall. Eto kasing si Jim simula nung nakauwi na kami ay may kaharutan na pala siya at heto nagpapasama samin sa mall dahil birthday ng gelpren niya at nagpatulong ito samin kung anong ireregalo namin sa gelpren niya.

Ewan ko nga eh wala naman kaming alam sa mga peborit ng gelpren niya. Wala rin kaming masyadong alam sa mga babae. Well, except kay Noel dahil may asawa na ito at mukhang may experience na. Pero the fact na kasama ako dito? Anong papel ko eh wala naman akong maitutulong sa kanya.

Tumakas nalang ako sa magkakapatid dahil wala naman akong maitutulong. Balak ko sanang pumunta sa mga arcades hehehe.

Habang naglalakad ay may napansin akong babae na parang may ka-entertain na isang customer. Mukhang nagbibigay ito ng mga flyers na ewan. Kita ko namang all about technologies and whateves ang nakatatak sa flyers niya. Well actually I am studying as an IT student at mukhang nakuha nito ang interes ko na makinig sa babae. Kaya lumapit ako dito.

"Yes maam we are always available."

Rinig kong salita nung babae. Nakinig lang ako about sa mga topic nila ng mga 2 minutes. Natapos ang pag-entertain niya at umalis narin yung ibang customers niya kaya napagpasyahan ko naring umalis dahil pupunta pa akong arcade.

Kinuha ko muna ang wallet ko at inihanda ang pera ko. Kinuha ko muna ang isang business card ko sabay halungkat ng wallet ko para kukuha ng pera.

"Oh wait maam! Heto po ang number ko in case--Ah!"

"Shit!"

Nagkabungguan kami nung babae. Eh pano ba naman hinabol niya yung mga customers niya para sana ipamigay ang number kuno niya pero eto nagkabungguan kami. Nahulog tuloy ang wallet ko.

"Hala! Oh my god! I'm so so sorry!" sabi nito at naunang tumayo at tinulungan naman nito akong tumayo. Tsk!

Pinulot ko narin ang wallet ko pati ang business card ko. Pinulot niya rin ang mga nahulog na flyers niya.

"Naku po, sorry talaga hindi ko sinasadya."

"Its okay." sabi ko at hindi na pinakinggang muli ang susunod na sasabihin niya at umalis na ng tuluyan. Nawalan ako ng ganang pumunta sa arcades, siguro babalik nalang ako kina Jim at baka hinahanap na nila ako.

"Tol! Saan ka ba galing?!" bungad sakin ni Jim. Si Noel naman ayun may katawag sa phone. Boss niya siguro.

"Ah, umihi lang tol."

"Sigurado ka? Baka namimingwit ka lang ng chiks ah?"

"Tss. Gago!"

Natapos din ang tawag ni Noel ay napag-usapan na naming umuwi. Iisang kotse lang ang gamit namin at si Noel ang nagdrive.

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon