Chapter 51: Going Home / Sweet Momentums

885 24 4
                                    

[LOUIE's P.O.V. ]

Nagbreak down nga ang island. Pero meron pa namang ibang lupa na nanatiling nakatayo. Mukha na itong kalbo dahil sa lakas ng impact ng bomba.

Nanatili kaming nakasakay sa kanya kanya naming yacht.
Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang hagulhol ni Taezel. Saka ko lang naalala.

Sht! Si Junhoe pala.

"Jim, drive na bilis! Dapat makabalik na tayo bago pa maubusan ng dugo si Junhoe." tumango naman si Jim at hindi na nag-aksaya ng oras at mabilis na pinaandar ang yacht.

Nagtaka naman ang mga magulang namin sa kabilang yacht pero hindi nalang ito tumutol.

May iba namang pang medical ang yacht namin kaya kahit papaano ay ginawa nila ang paraan para hindi masyadong lumabas ang dugo ni Junhoe. Pero ang mas masakit niyan ay yung bala ay nasa tagiliran parin niya. Tsk! Tsk! Di ko alam kung paano niya iyan nakayanan. Eh mahigit ilang oras na kaming naglalaban pero....aisshh...ewan! Ang lakas ng immune niya.

Times ten na ang pagdadrive ni Jim. Bahala na ang mga alon at talon talon naman ang yacht. Si Yuril naman ayun! Inaatake nanaman ng motion sickness niya.

Mahigit ilang oras na kaming nagbabyahe at malapit ng dumilim. Kumakalam pa ang sikmura namin dahil wala pa kaming kinakain sa umaga at hapon! 

Nakikita na namin ang pier.

"Pre! Kapit ka lang...malapit na tayo."

"M-mm..."

Aisshh...napaupo nalang ako sa pagkakatayo. Hanggang ngayon ay masakit parin ang paa ko. And take note, nandiyan parin ang bala.

Konting tiis nalang.

Ilang oras palang ay nasa pier na nga kami. Hindi ko alam kung bakit nakauwi na kami agad, siguro ang bilis talaga ng pagdrive ni Jim. At mukhang gumawa siya ng shortcut pauwi.

Nabigla nalang kami dahil may ambulansya nang nakaabang. Ahhh...tinawag siguro ni Taezel, naalala ko kasi nung hiniram niya ang phone sa kanyang Dad bago pa kami nakasakay lahat sa mga yacht, I almost forgot na may inaarian pala siyang Hospital.

Hindi na nag-aksaya ng oras ang lahat at nagsisakayan naman sina Taezel, Junhoe, B.I, Lena, at Bobby at Aizany sa ambulansya.

Nagsakay nalang din kami ng taxi at hanggang ngayon ay inalalayan parin ako ni Jim.

@ Zel Hospital

As usual maraming reporters ang nakaabang. Leche! Malapit ko naring makalimutan na mga sikat pala ang mga to. Tsk! Kaya nga ayokong mag-artista eh tsk!

Pagpasok namin sa private room ay nakita namin ang buong YG Family at ang FZ Family.

Pheww~~~ mahaba-habang explanation ito.

{THIRD PERSON's P.O.V. }

Kakatapos lang ng operation ni Junhoe at mabuti nalang ay maayos na siya. Ang paggising nalang niya ang inaantay nila. Mabuti nga at napakalakas ni Junhoe.

Nagsimulang mag-explain ni CEO T at tinutulungan naman siya ni Duo mag explain, maski ang mga GA narin at iKON. Nanatili nalang na tahimik ang ibang grupo ng YG kasi labas na sila dun. At saka, mga gangsters din naman ang iba sa kanila, kakaalam lang nila na kasali sa Gang World ang group mate nilang iKON nung una kaya mananahimik nalang sila at baka mabuking ang lahat.

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon