"MAGBABAYAD KAYO!!!!"
Kumulog,kumidlat at bumuhos ang napakalakas na ulan.
Habang tumatakas ang mag-asawa sa kamay ng mangkukulam, hindi na nila alam kong saan sila pupunta basta't tatakbo lang sila.
"Mahal, hindi ko na kaya, masakit na ang tiyan ko.." huminto naman ang mag-asawa at nagtago sa isang malaking puno.
Nagdadalang tao ang babae at kabuwanan na niya.
"Kunting tiis nalang mahal, may nakikita akong bahay sa di kalayuan, kunting tiis nalang..." umiiyak na tumango ang asawa nito at nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makarating sila sa isang maliit na bahay.
"TAO PO! TULONG!" sigaw ng lalaki habang tinitignan ang loob ng bahay.
"Anon--"
"Ang asawa ko po manganganak na.." wala na sa sariling sabi niya kaya nagmadali silang puntahan ang asawa niya ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang nakita.
Nakaupo ang kanyang asawa habang ang mangkukulam na babae ay nakayakap sa likod nito at nakangising inaamoy ang asawa niya.
"m-m-mahal.." umiiyak at kinakabahang sabi ng asawa nito.
"WAG! Maawa ka! Wag! Gagawin ko ang lahat wag mo lang saktan ang mag-ina ko! Nagmamakaawa ako!" nakaluhod at umiiyak na sabi ng mister nito habang dinadaluyan ng mahahabang kuku ng mangkukulam ang leeg patungo sa tiyan ng misis nito.
"Lahat...?" parang nasisiyahang tanong ng mangkukulam.
"Oo lahat. Maawa ka wag mo silang sasaktan!"
"Kong ganon!" bigla nitong sigaw. Mababakas sa mukha ng mag-asawa ang takot at kaba kong anong mangyayari sa kanina at sa magiging anak nila.
Pati ang babaing nagmamayari ng bahay ay hindi makagalaw sa nasasaksihan niya.
"BUHAY NYONG DALAWA!! KAPALIT NG BUHAY NG ANAK NYO!!" sigaw nya at umiling-iling ang misis nito sa gusto ng mangkukulam.
"Kahit ako nalang wag na ang mag-ina k--"
"MAMILI KA! MAMAMATAY KAYONG DALAWA OH ANG ANAK NYONG NAGIISA! PUMILI KA!!" makikita sa kunot at hindi maipaliwanag na mukha ng mangkukulam ang galit na kanyang nararamdaman dahil sa pagkapaslang ng kanyang nagiisang asawa na pinaslang ng lalaking nasa harapan niya ngayon at nagmamakaawa.
Hindi nagsalita ang lalaki at nagiisip kong ano ang isasagot sa gusto ng mangkukulam.
"Buhayin mo ang anak namin..." mahinang sabi ng babae at umiiyak lang na nakatingin sa asawa nito.
"Talaga? Mabuti naman at nakapagdisisyon na kayo..."
Bigla namang humilab ang tiyan ng babae at agad na tumakbo ang asawa nito palapit sa kanya habang ang mangkukulam ang lumulutang sa ere na tinitignan lang sila na nakangisi.
"M-m-manga-ngan-nak na ako!" agad na tumakbo ang babaing may-ari ng bahay at tinulungan siya panganganak.
"Isa pa Iha,"
"AHHHH!!" huling eri nito at narinig nila ang iyak ng babaing sanggol.
"Mierra Killian ang pangalan niya, parang awa nyo na alagaan nyo siya ng mabuti, nagmamakaawa ako.." hinalikan ng mag-asawa ang anak nila.
"WA HA HA! sa tingin nyo hahayaan ko lang kayong mamatay? Hindi! Isusumpa ko, PAGDATING NIYA SA LIMANG TAON! SA KABILUGAN NG BUWAN! MAG-AANYONG LUBO SIYA AT SIYA ANG TATANGGAP NG SUMPA NA SINUMPA SA PINAKAMAMAHAL KONG ASAWA NA PINASLANG NYO!! HINDI SIYA MAGIGING MASAYA!! MAGIGING MISIRABLE ANG BUHAY NIYA!!..."
"h-hindi... H-hiindi.." umiiyak na may pagmamakaawang sabi ng mag-asawa.
"OO! IPAPASA SA ANAK NYO ANG SUMPANG WALANG KATAPUSAN! ANG PAGIGING LUBO SA PAGSAPIT NG KABILUGAN NG BUWAN AT SA TUWING SIYA AY MAGAGALIT. Hindi niya ito makukuntrol!kaya magpaalam na kayo.."
"MANANG! MAPAKALAYO-LAYO KAYO! Ilayo nyo siya sa lugar nato.. Nagmamakaawa ako..."
"Alagaan nyo sana siya ng mabuti.." huling sabi ng mag-asawa at tuluyan ng nawalan ng hininga kasabay non ang malakas na kidlat at tumigil ang ulan at ulit na nakita ang buwan at bituin.. At tumahimik ang paligid na parang walang nangyari.
Naglaho na parang bula ang mag-asawa at naiwan ang sanggol na umiiyak.
"Ssshhh." pagpapatahan ng babaing tumulong sa mag-asawa at kinuha ang bata mula sa lupa.
"Ssshhh tahan na, magiging maayos din ang lahat..." bago ipikit ng bata ang kanyang mga mata ay naging kulay pula ito na ikinaulat ng babae.
Seventeen Years Later...
"Nandito na ako." walang emosyong sabi ng dalagita habang papasok sa bahay.
"Nandito kana pala, mabuti at para matikman mo ang paburito mong pagkain.. Ang pinakbit.." masayang sabi ng babae.
"Akyat lang ako nay.."
-
Ang magcocoment ay e dedicate ko sa mga next chapters ;)
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
WerewolfShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf