Chapter Four

109 2 0
                                    

Killian's POV

Umaga na at hinanda ko na yung mga gamit ko para sa field trip mamaya. Pagkatapos kong maghanda binuksan ko naman ng kaunti ang pinto tsaka sinilip kong nasa sala ba si Allan.

Wala.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at naglakad palayo.

Sa school..

Papasok na ako ng room ng makita ko ang mga classmate ko na handa na at ako nalang yata ang hinihintay.

"glad your here Ms killian, so now! Para sa section nato meron kayong bus number twenty one, kada section may bus kaya ikaw ms president take care of your classmates, dahil iba ang bus ng mga teacher so now! President, take over." Tumayo ako sa labasan at umalis na si Sir.

"Labas."sabi ko lang at nagsitayuan na sila. At napapikit nalang ako sa sobrang ingay kaya hinarangan ko yong daanan.

"Tahimik!" Walang emosyon kung sabi at tumahimik naman sila. Napansin kong wala sila Patricia at ang mga alipores niya. Hhhm?

Nang makalabas na sila at isa nalang ang naiwan na lalaki at natutulog pa sa upuan niya. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

Sinipa ko ang desk niya sabay sabing "Hoy! Gising! Aalis na lahat." At tinignan niya naman ako sabay unat.

"Thank you sa pag gising sakin Mierra," at tumayo na siya at patakbong lumabas ng silid.

Sinabi ng wag mo akong tawagin sa pangalang nayan!!

Napailing nalang ako at lumabas narin at pumunta sa bus na sasakyan namin.

Kinuha ko yong class record para e check kong nandito naba lahat ng classmate ko.

"Patricia Felener." Napaangat naman ako ng tingin ng walang sumagot.

"Asan sila?" Tanong ko sa lahat at may tumayo.

"President, huling nakita ko nasa Cr sila kanina," at umupo na siya, nag tiim bagang naman ako.

"Manong, walang aalis hanggat hindi pa ako nakakabalik." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at bumaba na ako sa bus. Kailangan ko ng bilisan dahil kami nalang ang naiwan na bus at ayaw kong maabutin ni Allan dito.

Hindi ako nagpaalam sa kanya kaya alam kong magagalit sya. Hindi naman to masama dahil kakatapos lang ng full moon at sa susunod na buwan pa ulit yon kaya sigurado akong walang mangyayari.

Kinatok ko ang pinto ng banyo dahil naka lock ito. Walang sumasagot kaya kumatok lang ako.

Asar!

Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang loob ng banyo.

Wag kayong maingay!
Mahuhuli tayo niyang sa ginagawa nyo eh!
Hayaan nyo syang mapagalitan ni sir dahil kulang tayo, dahil WALA TAY-

Sinipa ko ang pinto at nasira ito.

"OH MY GOSH!"

Sabay na sigaw nila sa gulat.

"Sasama kayo o hihintayin nyong magaya ang mukha nyo sa pinto nato?" Seryosong sabi ko at inirapan ako ni Patricia.

"Tara na girls," naglakad na sila at binangga nila ako sa pagdaan nila sa gilid ko. Pinikit ko nalang ang mata ko dahil ayaw kong magalit sa sobrang BABAW na bagay.

Nasa bus na ako ulit at nag aattendance.

"Manuel kyl-"

"Present Mierra," tinignan ko lang siya at pinagpatuloy ang pag attendance hanggang sa matapos.

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now