Naagaw naman ang atensyon ko sa waiter na naglapag ng tubig. Pagangat ko ng tingin ulit, nawala na siya.
Humanda ka saakin pag nakita kita.
"Killian, sinong tinitignan mo dyan?" Napatingin naman ako kay ate Mheia na nakatingin sa tinitignan ko kanina.
"Ah wala, may butiki akong nakita." Mukhang naniwala naman siya kaya naghintay kami hanggang sa magsimula na ang kasiyahan.
Hoy!-ako
Itatanong ko sana ko sana kong nasaan na siya, dahil sa pagkakaalam ko magpapakita na siya saakin.
Makikita mo ako promise! Nakikita mo ba yang mga lalaki nayan?
Tumingin naman ako sa harapan kong saan may limang lalaki ang nakatayo, naka tuxedo at syempre nakamaskara.
Oo. Bakit?-ako
Isa ako sa mga yan.
Naalarma naman ako.
"Anyari sayo? Bigla kang natuod dyan." Sabi naman ni Ate Mheia habang nasa tabi ko.
"Kailan ba lalabas ang Lanal nayon?" Nakita ko namang kinulbit niya si Allan.
"Nandyan na siya, kailangan mo lang hulaan kong saan siya dyan." Sabi nan ni Allan.
Hoy! Ang sabi nila nandyan na yong Lanal. Bakit kasama mo ang hari?-ako
Hahaha! Basta, malalaman mo rin, ako ang pinakapogi dyan.
Umirap naman ako sa kayabangan niya. Kahit hindi ko pa siya nakikita alam kong hindi kami magkakasudo panigurado.
Sumayaw yong limang lalaki yong sayaw na slowmo. Pero gentleman tignan.
(Hindi ko alam anong tawag do'n haha)
Naghiwahiwalay silang lima at pinatayo ang ibang babae para isayaw nila. Kinilig naman yong mga babae.
"Sinayaw lang para ng bulate, pano pa kaya pag nagsalita nayan.." salita naman ni Ate habang nakatingin doon sa babaeng sinasayaw.
"Magbabanyo lang ako." Tumayo ako at hinanap ang banyo.
Saan ka pupunta?
Hindi ko siya sinagot.
Ooy! Ano na? Saan ka pupunta? Ikaw pa naman sana ang lalapitan ko eh.
"Tumigil ka nga, wag mo akong pinaglalaruan.. alam ko namang wala kang balak na magpakita. Dahil kong meron man kanina sana nagpakita kana.." walang emosyon kong sabi. Kunti lang ang pagbuka ko ng hibig ng sa ganon hindi ako masabihan na baliw.
Nagpakita na kaya ako kanina, remember?
Papalabas ako ng pintuan ng may humawak sa balikat ko. Ibabalibag ko sana siya kaso nahawakan niya ang isang kamay. Hindi ko napansin yon dahil sa bilis niya. Nakasandal ako ngayon sa kanya patalikod habang hawak niya ang dalawang kamay ko at pinipigilan akong makawala.
Inuntog ko siya sa ulo ko at nabitawan niya ako kaya agad na hinarap ko siya at dumistansya sa kanya.
"I never thought na sadista ka pala.." natigilan ako. Yong boses nayon..
"Yeah. It's me..." may pagmamayabang niyang sabi. Pinantaasan ko naman siya ng kilay.
"Kapal."
Narinig ko naman siya'ng tumawa. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka maskara din siya.
"So?" Tinignan ko lang siya.
"Wala ka bang sasabihin? Nakita muna ako.." nakangiting sabi niya kaya pinagkrus ko ang kamay ko.
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
LobisomemShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf