Dedicated to: JOHANEAH0327
Huminto kami sa harap ng malaking gate, yong gate na sobrang taas.
"Nandito na tayo, just act normal Killian, lahat sila kaori natin kaya malaya tayo dito.." sabi ni Allan habang nakatayo parin kami sa harap ng gate.
"Sana nga malaya na ako." Nakita kong napatingin siya sakin.
"Time will come, matutupad din yang gusto mo.." tinignan ko lang siya at nginitian ng kunti.
"Pumasok na tayo.."
Pagkapasok namin, maraming mga tao na abala sa pakikipagusap sa isat-isa. Yong iba naman abala sa pagdidilig ng maliit nilang harden habang yong ibang bata naglalaro yong iba naglalakad kasama yong mga kaibigan, pamilya nila.
"Ahem!" Napatingin naman ako kay Allan ng tumikhim siya ng malakas at napatingin ang lahat sa kanya, samin.
Bigla silang naghiwahiwalay at natahimik ang lugar. Nagtataka naman na tumingin ako sa mga tao.
" Mga kaibigan, siya si Killian kaibigan ko.. wag nyo siyang tatakotin ha? Bago lang siya kaya maging mabait kayo sa kanya..." sabay-sabay naman na tumango yong mga tao.
"Tara na, ihahatid na kita sa tutuluyan mo.." nagtataka man pero sumunod nalang ako, nakakailang kanto na kami at may nadaanan kaming malaking bahay na sa tingin ko bahay ng pinuno.
"Allan, kaninong bahay yan?" Tanong ko sabay turo ng madaanan namin. Itong lugar kasi para siyang maliit na village.
"Yan ang bahay ng pinuno natin dito.." tumango naman ako at lumiko kami sa isang kanto at tumigil sa harap ng pinto.
"Dito ang kwarto mo, maging komportable ka dahil lahat ng tao dito ay komportable sayo, pantay pantay tayong lahat kaya just feel comfortable..." tumango naman ako at binuksan niya ang pinto.
Maganda. Malaki siya, may flat screen tv may sofa at may kama na sakto lang sakin. Pumasok ako at tinignan ang mga gamit.
"Bakit may mga gamit na?" Tanong ko at pumasok narin si Allan.
" Ganito lang talaga mag welcome ang pinuno natin, wag kang magalala makikilala mo rin siya.."
•°•°•°•
Isang buwan narin simula ng lumipat kami dito ni Allan at kahit ni isa hindi ko pa kilala ang pinuno nila.
Nasa labas ako ngayon ng village at naglalakad-lakad kong hanggang saan dalhin ng mga paa ko.
"Psst!" Tumigil naman ako at pinakiramdaman ang paligid ko. Bakit parang pamilyar ang amoy nayon?
"Mierra, dito.." inangat ko naman ang tingin ko at nakita ko si Manuel na nasa taas ng puno at nahihirapan.
"Anong ginagawa mo diyan?" Para naman siyang siraulo at alanganing tumawa.
"Nagbabakasakali kasi ako na baka lumabas ka sa village, ilang araw narin akong pabalik-balik para makita ka, eh hindi naman pwedeng pumasok kaya nagbabakasakali ako baka lumabas ka at salamat dahil lumabas ka nga.." bumaba naman siya at nahihirapan. Tss.
"Bakit pinapahirapan mo ang sarili mo? Umalis kana!" Sabi ko at humakbang palayo sa kanya.
"Teka teka lang, ito naman, sabi ko nga diba gagawa ako ng paraan para makita ka..." pigil niya sakin.
"Nakita muna ako, makakaalis kana.."
"Sama ka." Hinila naman niya ako at nagpatianod nalang dahil wala naman na akong magagawa pa.
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
Hombres LoboShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf