Killian's POV
Naalala ko na. Si Manuel. Nakita niya ako, ang pagbabago ng anyo ko at alam kong magagalit na siya saakin dahil lumapit siya sa isa sa mga kinamumuhian niya.
Hindi na ako magugulat kong sa susunod na pagkikita namin patayin niya ako.
Nasa templo ako at nakatingin sa mga sinaunang gamit ng mga ninonu daw nila.
"Hali ka hija..." sumunod naman ako sa kanya at pumasok kami sa isanh silid kong saan maraming libro.
"Meron akong lumang libro dito at sana naman maliwanagan na ang lahat ng mga katanungan na bumabagabag sayo..." tumango naman ako at lumapit doon sa librong napakalaki at napakaluma narin.
"Sige, magiintay ako sa labas...sigurado naman ako na pagkalabas mo maliwanag na ang lahat sayo...."
Umupo ako at nagsimula ng magbuklat ng libro.
Nandito ang mga dating namamahala sa bayan na'to. At may nagiisang babae ang ang nakaagaw ng atensyon ko.
Britania Sagisag. Ang kaunaunahang babaing pinuno ng itim na lobo at ang babaing nagtaksil sa angkan ng mga lobo.
"Aling Ester, magtatanong po sana ako..." tawag ko sa kanya at pumasok naman siya.
"Ano 'yon?"
"Ito po. Bakit nagtaksil sya? Anong klaseng pagtataksil ang ginawa niya?"
"Siya si Britania, siya ang pinakaunang pinono na babae, nadiskobre siya dahil siya ay isa sa mga nakikipaglaban kontra sa mga kalabang lobo pero ang hindi alam ng lahat kasapi na siya ng kabilang panig, nagtaksil siya palihim siyang gumawa ng sarili niyang hukbo para kalabanin ang puting lobo nalaman pa ng lahat na umiibig siya ng mortal na bawal sa'ting mga lobo. Nagalit ang mga ninono kaya sinumpa nila si Britania kasama ang kasintahan nito, naging lobo ang kasintahan niya at pag nagbabago ang anyo nito ay maari niyang mapatay si Britania, pinaalis din sila sa bayan....."
"Ang sumpa ba nayon pwedeng ipasa?" Nagisip naman siya at tumango.
"Maari. Dahil ang mga pinono nabibigyan lang ng posesyon kapag may kapangyarihan itong kakaiba, gaya nalang ng pagkontrol ng isip ng tao walang ibang nakakagawa non kundi ang mga nakatakdang maging pinono lang..."
Magkontrol ng isip ng tao? Nagawa ko na ba 'yon?
"Bakit merong dalawang blangkong lugar ng mga letrato ng pinono dito? Tsaka sino si Lanal?"
"Wala akong karapatang ekwento 'yan sayo, ikaw dapat ang magtuklas non." Tinapik niya ako sa balikat at umalis na siya.
Mas lalong naging magulo ang isip ko! Akala ko ba meron ng pinono? Sino ba talaga siya?
Mheia's POV
Kasalukoyan akong naglalakad paakyat ng bundok. Nakakapagod!
"Alam kong nadyan ka, wag ka ngang magtago, kahit lobo ka nararamdaman parin kita!" Salita ko habang nakatingin sa ulap.
"Umuwi kana kasi! What are you still doing here?" Aba! Siya pa ang nagagalit? Sinabi ko bang sumunod siya ha!!?
"Ayaw ko nga eh!! Kong gusto mo umuwi ka! Tsaka wag ka ngang sunod ng sunod! Ano ba kita? Eh diba "EX" na kita? Nakakairita!" Bulyaw ko at nagsimula ng umakyat.
"Can you please just listen to me! Dilikado dito ngayong gabi! That's why I'm begging you to go back to your place, now....." tinignan ko naman siya na kong saan nakaharap saakin.
"A.Y.O.K.O! gets muna?" Nilagpasan ko siya at pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"Yung braso ko, bitawan mo..." mahinahong sabi ko at hindi niya parin binitawan.
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
WerewolfShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf