"Tama nayan Reib! Pumalit ka Pam!" Nanlaki naman ang mata ko.
Pagod na ako! Ayoko ng makipaglaban!
"Iindahin mo pa ang pagod mo kaysa sa matutunang kontrolin ang pagiging lobo mo?" Umikot naman ako para tignan ang kanina pa nagpapahirap saakin.
"Wala akong sinabi. At sino ba ang nagsabing kokontrolin ko ang pagiging lobo ko? Ang gusto ko, maging normal! Gusto kong mawala na'to!" Kalmadong sabi ko pero puno ng inis.
"Wala ka ng magagawa! Hindi nayan mawawala sayo!!"
Natigilan naman ako at kasabay tinignan ko si Allan na nasa likod ni Ymir.
"Anong sabi mo?" Nanatiling tahimik ang paligid at walang nagsalita ng ilang segundo.
"Tama na ang pag-iinsayo, magpahinga na kayong lahat." Nagsialisan silang lahat at naiwan kaming dalawa ni Allan.
"Sandali!" Pigil ko sa kanya.
"May hindi ka ba sinasabi saakin Allan?" Huminga naman siya ng malalim at umikot para tignan ako.
"Tanongin mo si Vivian..." yon lang ang sinabi niya at naiwan na akong nakatayo magisa.
Patuloy parin na bumabagabag sa isip ko yong mortal na hinabol nila. Sino naman kaya yun? Wala nama'ng tao ang naligaw sa lugar nato dahil mahigpit ang pagbabantay ng mga bantay.
Imposible namang si Manuel dahil pinaalis ko na siya. Umalis na kaya siya non?
Naalala ko naman yong eksena sa batis, kong saan may kaluskos akong narinig.
Hindi kaya nakita niya ako?
Nasa isang bahay ako at nakatayo sa labas ng pintuan, nagdadalawang isip kong kakatok ba o hindi. Aalis na sana ako..
"Tuloy ka Killian..." umikot naman ako para tignan siya. Medyo may katandaan na rin siya.
"Ikaw po ba si Vivian?" Tumango naman siya at lumakad palapit saakin.
"Ako nga, at alam kong maraming mga tanong ang bumabagabag sa isip mo, pwede mo akong tanungin kong gusto mo..." pumasok kami sa bahay niya at nagtaka naman ako sa itsura ng paligid.
"Bakit marami ang sugatan? May mga kalaban ba at nagkaganito?" nakita ko naman siyang umiling.
Bawat sulok merong mga pasyente.
"Ito ang ospital natin, at kong tinatanong mo kong merong kalaban, wala... wala'ng sumalakay, hindi naman basta-basta napapasukan ang lugar na'to ng kalaban..." ano? So sino ang may gawa nito?
"Sino ba talaga ang may gawa nito?" Nagtataka kong tanong.
"Ikaw."
Natigilan ako at tinignan siya na baka nagbibiro lang siya pero parang hindi.
"Paano? Hindi mo siguro alam kong paano nagkaganito. Killian....... kailangan mong kontrolin ang pagbabago ng anyo mo dahil hindi lang ito ang mangyayari kong magpatuloy kang ganyan..." napatingin naman ako sa lahat ng tao na nandito at kasama ng mga pamilya nila.
"H-hindi ko pinili 'to.."
"Alam ko. Pero wala ng paraan para mawala 'yan sa'yo, pwera nalang kong tanggalin yan mismo ng nagsumpa sayo..."
"Kong may paraan pa pala ano ang mga dapat kong gawin?"
"Magsanay ka, pagaralan mong kontrolin ang pagbabagong anyo mo, kahit hindi mo 'yan ginusto wala kang magagawa dahil hindi mo matatalo ang nagsumpa sa'yo kong ganyan kalang..." hindi naman ako makapagsalita dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga nalaman ko.
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
WerewolfShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf