Chapter Eigteen

59 2 0
                                    

"Hi there." Baling niya ng tingin sa'kin.

"Welcome to the world."
Nasaakin lahat ng atensyon ngayon.

Umalis na kayo.

Napatingin naman ako kay Kyle slash Lanal na nakatingin na saakin.

Tanga ka ba? Hindi nga kami makalabas diba? -ako

Lilibangin ko siya, pumunta kayo sa rooftop. Ngayon na!

Umikot na ako at nilapitan si Allan at Mheia.

"Anong nangyari? Bakit hinimatay siya?"

"Dahil yon sa ginawa ni Bridgeat, hindi nakakaya ng kahit na sinong mortal ang ganoong kapangyarihan..."

"Umalis na tayo." Tinitigan niya ako na sinasabing paano?

"Basta. Sumunod ka saakin, si Kyle ang nagsabi kaya tara na..." mabilis na tumango siya at kinarga na niya si Mheia.

Tumingin ako ulit kay Kyle.

Sandali!

Yong ngiti nayon, parang ngiting Manue-

"Tara na Killian.." nagpatuloy na kami sa paglalakad. Magandang tyempo 'to dahil abala ang tao sa pakikinig kina Kyle.

Nagpatiuna ako sa pagakyat sa hagdanan at binuksan ang isa sa pinto doon.

Nandito na kami. Paano na? -ako

Jump.

"Ano!!" Sigaw ko kaya napatingin saakin si Allan.

"Kailangan nating tumalon, yun lang ang paraan."

Habang karga niya si ate Mheia ay nakikita kong kabado siya. Tinanguan lang niya ako at tumalon na siya. Tumingin naman ako sa ilalim at malalim nga ang tatalunan ko.

"Tatakas?" Natigilan naman ako sa pagtalon ko at dahang dahang umikot.

"Anong kailangan mo saaki-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng saksakin niya ako gamit ang kamay niya na bumutas sa tiyan ko.

"A-a-ah.." daing ko.

Nakataas lang ang gilid ng labi niya habang nakatingin saakin.

"Inosente ka parin Mierra, akala ko pa naman sa tinagal mo dito natoto kana. Pero nagkamali pala ako... mukhang hindi naman maganda ang pagturo nila dito sa'yo..."

"Sa tagal tagal na panahon nakaharap narin kita, nagsasawa na ako sa pagmamasid pero kailangan para malaman ang kahinaan mo..."

"A-ano b-ba ang k-kailangan mo...?" Nahihirapang tanong ko at napadaing ng igalaw niya ang kamay niya na nasa tyan ko nakatusok.

"Kailangan? Hhhmmm. Ang patayin ka!" Binalibag niya ako at nabangga sa pader.

Tatayo na sana ako pero nasa leeg ko na ang kamay niya. Pilit ko naman na inaalis ang kamay niya pero hindi ko kaya dahil nakabitin na ako.

"Akala ko pa naman malakas kana, akala ko lang pala..."

Ito na ba? Katapusan na ba? Hindi ko na naman ba maipagtatanggol ang mga taong importante saakin? Palagi nalang bang... ako ang naiiwan at nasasaktan?

Si Ate Mheia.. kailangan siya iligtas, nadamay  siya sa gulong hindi siya kabilang dahil 'yon saakin.

Si Allan na tumulong saakin simula nong nawala si Nanay, naging sandalan, naging kapatid at nagturo saakin kong paano makipaglaban.

Si nanay na palaging nasa tabi ko, simula pagkabata nasa tabi ko na, pero dumating sa punto na ako pa mismo ang tumapos sa buhay niya.

At si Manuel na kahit tinataboy ko na, pilit parin na lumalapit makuha lang ang atensyon ko kahit pilit na binabaliwala ko, gumagawa ng paraan makausap at makita lang ako. Pero, katulad ko parin ang tumapos sa buhay ng mahal niya. Katulad ko... Si Manuel na pinagkaitan ko ng alaala, sana mapatawad niya ako.

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now