"Bridget!" Sigaw ko at lahat napatingin saakin. Kanina ay abala sila sa pag samba kay Bridget na nakaupo sa trono nito.
"Anak! Masaya ako at napagdisisyonan mo nang-" tumigil siya sa pagsasalita ng itaas ko ang kanang kamay ko. Pinalibutan ako ng mga alagad niya habang siya naglakad palapit saakin.
"Tama na!"
"Sobra na'to Bridget! Sobra na! Akala ko...akala ko-"
"Nagbago na ako? Hhm, siguro? Ginawa ko lang naman 'yon para makuha ko ang loob ng lahat. Para bumalik kana saakin.. anak..." Napaatras ako ng subukan niya akong hawakan.
"Sino ba ang bubuhayin mo at kailangan mo pa ang dugo ko?" Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at inikutan ako.
"Anak... Syempre ang Ama mo..." Ama ko?
Naglakad siya pabalik doon sa trono niya. Lumayo na ang mga alagad niya saakin at tinitigan ko siya. Handa na akong patawarin siya pero- hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari, na ang sarili kong ina ang makakalaban ko.
"Sige." Nagtatanong naman na nakatingin siya saakin at parang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.
"Sige, pumapayag ako na buhayin ang asawa mo at iba pang namatay sa lahi nyo pero..." Ngumisi naman siya sa sinabi ko at tumango-tango. Napansin ko naman ang mga tauhan niya sa gilid na nakangisi lahat, nagandahan siguro sa sinabi ko.
"Gusto kong itigil nyo na ang pagsalakay sa mundo ng mga tao at lubayan nyo na ang lahat ng kasamahan ko, lahat.." ilang segundo ay katahimikan lang ang namagitan sa lahat. Ayoko lang na may madamay at mawala pa sa mga kasamahan ko lalong-lalo na sa mga taong mahal ko. Sapat na saakin na makita silang ligtas at malayo sa kapahamakan.
"Sige." Sagot niya lang. Hindi ko akalaing wala siyang kontra sa mga kondisyon na sinabi ko.
"Ikulong siya. Siguraduhin nyong mahigpit ang pagkakadena sakanya." Agad na hinawakan naman ako ng tauhan niya.
"Hm, natatakot ka ba na makawala ako at hindi matupad ang mga plano mo? Wag kang mag-alala, dito lang ako." Kong saan maliligtas ko ang kasamahan at mga mahal ko.
"Naninigurado lang ako anak, alam ko rin na sabik na sabik kanang makilala ang 'yong ama."
Nasa isang selda ako kong saan nakakadena ako. Ulo,leeg,kamay at paa ang nakakadena. Imposible nga na makawala ako alam ko at wala naman akong balak tumakas o umalis. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang kalagayan ng mga kasamahan ko.
Wala na ang mga kalaban,maraming sugatan,may namatay, umiiyak ang iba, ang iba galit. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko sa kanila. Hindi ko sila masisi dahil mayroo'ng nagbuwis ng buhay para sa lahat,kaya dapat tapusin ko na 'to para wala nang masaktan at mawala.
Sana lang maintindihan ni Manuel ang ginagawa ko.
Sana lang...
Manuel's POV
"Nakakausap mo ba si Mierra?" Tanong saakin ni Allan. Nakarating sila ni Ate Mheia ng sabihin kong tapos na ang labanan.
"Hindi. Merong isang humaharang na nararamdaman ko kaya hindi ko siya makausap sa isipan ko." Lahat sila nakatingin saakin na nagaalala. Sana lang hindi niya ginagawa ang bagay na kinakatakutan namin,
Kinakatakutan ko..
"Kailangan nating humanap ng paraan para mahanap siya pero kailangan muna nating dalhin ang mga sugatang 'to sa pagamutan at bigyan ng tamang libing ang mga kasamahan nating nagbuwis ng buhay." Tumango naman ako sa sinabi ni Vivian at sumangayon ang iba.
"Sige. Mauna na kayo at may gagawin pa ako."
Allan's POV
Umalis si Lanal at naiwan kaming kabado.
"Sa tingin mo? Ano ang gagawin niya?" Bulong naman saakin ni Mheia kaya tinignan ko siya.
"Yan ang hindi ko masasagot." Sabay naman kaming naoabuntong hininga. Alam kong natatakot siya sa gagawin ng kapatid niya. Ako din. Pari-pariho lang naman kami ng hangarin lahat, ang matapos na 'to.
Bumalik na kaming lahat sa village at dinala sa pagamutan ang mga sugatan. At gaya ng sinabi ni Vivian ay binigyan ng tamang libing ang mga namatay.
"Paano na ito ngayon? Pariho ng wala ang malalakas nating kasama,paano pag bumalik ang mga itim na lobo at tapusin tayong lahat?" Naagaw naman ang atensyon ng lahat sa sinabi ng isa sa mga kasamahan namin.
Walang nagsalita at patuloy lang ang kanilang pananahimik.
"Hindi. Hindi mangyayari ang iniisip mo,alam ko na may plano si Mierra at hindi mangyayaring matapos tayong lahat." Ngumiti ako ng kaunti sa sinagot mi Mheia.
"Paano mo naman nasasabi iyan? Ikaw ay hamak na tao lamang at walang dugong lobo." Humigpit ang kamao ni Mheia at tinignan ulit ito.
"Alam ko. Ikaw ba na isang lobo ay alam mo ba kong anong kayang gawin ng pinuno mo? Atleast may isang bagay akong hinihawakan, ililigtas tayo ni Mierra at Manuel,tayong lahat." Umalis siya at naiwan kaming nakatulala.
Alam ko. Hindi makapaniwala ang mga ito dahil isang simpleng tao si Mheia pero nagawa niyang isipin ang ganoong bagay,nagawa niyang palakasin ang loob ng mga 'to.
"Wag mo nang pakawalan 'yan."napangiti naman ako sa pahayag ni Venice. Tama siya..
Mheia's POV
Nakakainis! Ayan tuloy! Pasalamat ang lobong 'yon at napigilan ko ang sarili ko.
"Mheia..."
"Pasensya na Allan,hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina." Nginitian naman niya ako at inalis ang buhok na nakatakip sa mukha ko.
"It's okey, I'm just proud of you, hindi mo lang alam na nabigyan mo ng tapang at lakas ng loob ang kasamahan natin." Ngumiti din ako sakanya.
"Matatapos din 'tong lahat."
Mierra's POV
"Gising!!" Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang pag kalampag ng selda ko.
"Kumain ka! Kailangang may lakas ka bago ialay ang dugo mo." May pinasok naman siyang isang pinggan na may lamang tao na nakalagay. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ngumisi siya.
"Shane.."
"Hindi ka kumakain niyan? Ba't di mo subukan, you'll love it." Tumawa ako ng mahina at nawala ang nakangisi niyang mga labi.
"Akala ko mabait ka, akala lang pala. Alam mo kong ano yong nakakatawa? Yong mali ang pinanigan mo,pumanig ka pa sa hindi sigurado." Nakita ko naman ang inis sa mukha niya at malakas na kinalabag niya ang selda. Ang magalit talo!
"Tama ang pinanigan ko." Sige, kong 'yan ang gusto mong sabihin, ikaw ang bahala.
"Ihanda na ang bihag! Oras na..."
Manuel's POV
Parating na ako Mierra, hintayin mo sana ako..
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
WerewolfShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf