Chapter Twenty-One

58 1 0
                                    

Happy New year guys!! Lovelots:*

Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang sigundo.

"Inlove kana nyan." Binawi ko naman ang tingin ko at tumalikod na.

Narinig ko pa siya tinawag ako pero hindi ko na siya pinakinggan.

Hapon na at naglalakad lakad ako ng masalubong ko si Pam.

"Tignan mo nga naman, pinagtagpo tayo ng tadhana..."

"Hey, ganon lang? Iiwan mo ako? Princess?" Natigilan naman ako sa huling sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo?" Inirapan niya ako at nagkibit balikat tsaka umalis na.

"Ay Tao!"

"Sorry?"

Nakatayo siya sa harap ko at malawak ang ngiti.

"Ano na naman?" Tinatamad na tanong ko at nagsimula ng maglakad.

"Basta." At hinila niya ako. Uso yata ang hilahan ngayon.

~~

"Bahay mo?" Tumango naman siya.

"Ma.. nandito na siya." Lumabas naman ang isang babae, at may tatlo pang kasama.

"Magandang hapon binibini." At yumuko sila saakin?

"B-bakit po kayo yumuyuko saakin?" Sabay sabay naman na umiling sila.

"Siya nga pala ang mama ko, papa ko at mga kapatid ko si Jas at Jes." Nakipagkamay naman ako sa kanila.

"Kamusta po binibini." Naiilang na ngumiti lang ako.

"Mabuti at naimbitahan ka ng anak ko, kaarawan nya kasi ngayon.." napatingin naman ako kay Reib na naiilang na tumingin saaain habang hinahainan ako ng pagkain.

"A-ah, Opo."

"Kamusta naman ang pagiging pinon-"

"Ma." Napatingin naman ako kay Reib na nakatingin sa mama niya.

"Ah, sige kukunin ko muna ang tubig.. kumain na kayo..."

Madilim na at hinahatid na ako ni Reib pauwi.

"Nakakatuwa ang pamilya mo no?" Natatawang tanong ko. Nagtawanan lang kasi kami kanina habang kumakain.

"Mabuti at nagustuhan mo sila, ang hirap mo pa namang kausapin dahil alam mo na..." sinamaan ko naman siya ng tingin na kinatawa lang niya.

"Hindi kasi ako mahilig makisalamuha sa iba." Sagot ko nalang.

"Salamat sa paghatid." Nakatayo na kami sa harap ng pinto.

"Welcome binibini, sige pumasok kana.." ngumiti naman ako.

Bakit napakabait niya? Matagal na ako dito pero ngayon ko lang nalaman na may gusto palang maging kaibigan ko. Kaibigan? Ang sarap pakinggan. Dahil sa pagiging malayo ko sa tao kaya hindi aki nagkaroon, pero hindi naman sila ordinaryong tao, imortal sila.

"Teka nga pala, may isang tanong lang ako.."

Napatingin naman ako sakanya.

"Sinong mas pogi saamin ni Lanal?"

Anong klasing tanong yan?

"I-ikaw?" Lumawak naman ang ngiti niya at kinindatan ako.

"Goodnight." At naglakas na siya palayo. Tinitigan ko naman ang pigurang papalayo.

Napatingin naman ako sa gilid ng may biglang tumikhim.

"K-kanina ka pa d-dyan?"

"An hour."

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now