Chapter Seven

102 1 0
                                    

"Aray Mierra, ang ouch mo namang magsalita!" OA!

"Tss, wag mo nga akong kausapin." Sabi ko at nakinig na kay prof.

Oras na para sa PE subject kaya nagpalit ako ng PE uniform tapos nilagay sa locker ang uniform na sinuot ko kanina.

"Everyone bilisan nyo na! We're running out of time!!" Sigaw ni coach kaya nagmadali na ako at hindi naisara ang locker ko. Mamaya nalang!

"Ihahati ko kayo sa dalawang grupo para sa volleyball!" Sabi ni couch at hinati niya na nga ang section namin.

"Where is Patricia and his friends?"

"We're here maam!" Sabi ni Patricia habang papalakad galing sa locker. Ngumisi sila sa akin pero tinapunan ko lang sila ng walang paki look.

"Hi Mierra," tss -_-

"Tantanan mo nga ako!" Sabi ko at umupo sa bench dahil taga sub lang ako.

"Hi killian, pwedeng umupo dito?" Ngumiti ako kay Shane at umupo na siya.

"Mas gwapo parin ako sa kanya." -_-

"Tinatanong ko ba?" Ewan ko lang ha pero napapadalas ang kausap ko sa bugok nato!

"Alam mo, nagpahula ako kahapon at ang sabi ng manghuhula na Mierra daw ang pangalan ng babaing mapapakasalan ko! Tapos pag e Flames pa ang pangalan natin MARRIED ang lalabas." Sabi ng Manuel nato!

"Sabihin ko sa bwesit na manghuhula mo na galit ako sa MANUEL na pangalan at pag e FLAMES yong pangalan natin FRIENDS ANG LALABAS!" Maydiing sabi ko at napapout naman siya.

"Don naman lahat nagsisimula eh, sa FRIENDS diba?" Aaarg! Hindi nalang ako nagsalita at tumingin na sa laro!

Hangos na hangos ako pagkatapos ng laro at agad na uminom ng tubig at upo sa bench.

"Towel? I didn't use it yet." Napatingin naman ako kay Shane.

"Salamat." At kinuha ko tsaka pinunas sa pawis ko.

"I'm just new here kaya hindi pa pamilyar sakin ang lugar, pwede mo ba akong ipasyal?" Tumingin naman ako sa kanya at puno ng pag-asa ang mata niya.

"Ahm, hindi ako pwede, hindi ako pinapayagang lumabaslabas, sorry." Sabi ko at bumusangot naman siya.

"Sayang naman, but if you have time or kong pwede ka na sabihan mo lang ako at anytime pwede ako." Ngumiti ako ng kunti at tumingin sa court kong saan nagbabasketball yong ibang boys. Nakita ko naman si Manuel na masamang nakatingin sa dereksyon ko. Tss.

"Mierra!!" Walang emosyong tumingin naman ako sa kanya.

"Para sayo to' " at kumindat  sabay shot ng bola.

"Wwooooh! Ayos Tol! Score!"

"Three points!"

"Kyyyaaaah!"

Tumingin naman siya sakin kaya inirapan ko siya at tumayo na para magbihis.

"Hi Killian," sabi ni Patricia habang nakangiti ng dumaan ako sa harap nila. Dumiretso lang ako at pumasok sa locker.

Napapikit naman ako at napatiim bagang ng makita ang uniform ko na nasa sahig at halatang tinapaktapakan.

"Oh my gosh! What happen to your uniform?" Singit ni Patricia na nasa pinto kasama ng alipores niya.

"Anong meron dito?" Rinig kong boses ni Manuel. Pinulot ko ang uniform ko at tinupi saka nilagay sa bag.

"Let's go girls, bye Killian." Hindi ba sila napapagod! Kasi KUNTI NALANG PAPATOLAN KO NA SILA!

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now