Chapter Twenty Four

47 0 0
                                    

Mierra's POV

"T-ta-ma n-na."

Isang linggo. Isang linggo na ako sa impyernong to! Nakagapos,puyat,gutom,walang tulog at higit sa lahat pagod na.

Pagod na pagod na ako, ayoko na sa mga ginagawa nila. May tinuturok sila saakin na kong ano-anu at parang pinupunit ang puso ko ang ipikto non. Umiinit ang buong katawan ko na para bang nag-aapoy.

Dalawa, tatlo,apat o higit pa'ng araw na tinangka nila akong kuntrolin pero hindi sila nagtagumpay. Oo, mahina ako ngayon sa pisikal pero nagagawa kong gamitin ang utak ko kahit hirap na hirap na ako.

Nanghihinang inangat ko ang ulo ko para tignan ang pumasok.

"Kamusta?" Hindi ko makita ang kabuohan niya dahil nakatayo siya sa pinto at hindi ko makita ang mukha niya.

"Nahihirapan ka na?"

Hindi ako sumagit bagkos ay yumuko nalang. Ayokong nakikita ng iba na mahina ako.

"Pasensya kana sa ginagawa nila sa'yo, hindi ko gusto na ginaganyan ka nila, patawad.." sa pagtataka ko ay tumingala ako sakanya. Lumuluha siya.

Nakita ko na siya. Siya ang babaing pumunta sa kaarawan ni Manuel. Si Bridgeat.

"B-bakit k-ka umiiya-k?" Kahit nahihirapan ay nabuo ko ang tanong ko.

"Naaawa lang ako sa'yo, sige, aalis na ako.." kasabay non ay sumara na ang pinto. Pagyuko ko ay may nakita akong susi sa paanan ko. Ginawa ko ang lahat para makuha 'yon at nagtagumpay naman ako.

Minuto na ang nakakalipas at hindi ko parin magawang buksan. Tumigil naman ako ng may nagbukas ng pinto.

"Gising na pala ang prinsesa.." masamang tingin ang pinukol ko sakanya.

"Kawawa ka naman, maghihirap kana pero hindi pa dumadating ang knight in shining armor mo, siguro wala siyang pakialam sayo?"

Asan kana ba Manuel?

"H-hndi k-ko lub-bos a-akal-lain n-na i-ikaw p-ala ang ma-yy p-pakana ng l-lahat ng 'to.." Ginawa ko ang lahat para matapos ang salitang 'yon dahil sobrang wala na akong lakas.

"Nasasaktan kaba? Pasensya na hija, kailangan lang talaga.."

Walang hiya ka talaga! Hanggang ngayon pinapaikot mo parin ang mga tao sa palad ko.

"Kailangan ko ng umalis. Bye..."

"Sandali!"

"B-bakit k-ka n-nagta-k-ksil M-anang E-ster?" Lumingon siya at ngumisi.

"Gaya ng gagawin mo, kong ang taong mahal mo ang mawala gagawin mo ang lahat para bumalik ito, at ikaw ang susi para bumalik ang asawa't anak ko, na noon ay pinatay ni Zandra!" At nilisan na niya ang silid.

Zandra? At sino na naman 'yon?

"AAAAHHH!" ito na naman ang hapdi na nararamdaman ko. Pagkalabas ni Ester ay pumasok ang mga naka lab. mask.

"T-tama n-na.."

Manuel's POV

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang sumikip ang dibdib ko.

"AAAAHHHH!" Wala ng makakarinig saakin dahil nasa gubat na ako at nagsisimulang maghanap kay Mierra.

Napapikit ako sa hapdi at napaupo.

Third Person's POV

Pagdilat ng mata ng binata ay pumula ang kulay nito. Nakita ng pangyayaring 'yon ang nangyayari kay Mierra, ang paghihirap ng babaeng mahal niya.

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now