Chapter Twenty

65 1 0
                                    

Dedicated to: ElaizelDiapolet

Dalawang araw na ang nakakalipas at nakakuling lang ako sa kwarto ko. Hindi ako nagbalak na lumabas, ni hindi ko kinakausap ng sino mang kumakatok sa pintuan.

Nilinlang nila ako. Niloko. Akala ko mapagkakatiwalaan ko sila. Hindi pala.

Napaangat naman ang tingin ko ng may marinig akong ingay sa kusina. Naglakad ako dahan dahan papunta doon at nadatnan ang taong ayaw na ayaw kong makita.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Kahit sabihin ko namang hindi, kakausapin mo parin naman ako kaya sabihin muna ang gusto mong sabihin." Walang emosyong sabi ko.

"I-m sorr--"

"Tigil."

Nakatitig lang siya sa mata ko at nagsusumamong makausap ako.

"Hindi mo ako masisi. Maling tao pala ang pinagkatiwalaan ko. Maling mali." Seryosong sambit ko.

"I want to explain everything Mierra, please.." umiwas ako ng tingin sakanya at ngumisi.

"Mahirap makuha ang tiwala ko, lalo na't sinira mo.." Tss.

Yong akala kong taong inosente, hindi pala! Kong sino pa ang mabait sila pa ang manloloko!

"Umalis kana... at wag ka ng magpakita pa," tumalikod ako at naglakad papuntang kwarto pero may naalala ako.

"Ay, hindi pala. Ako ang aalis, tutal sa'yo naman ang lugar na'to..." at tuluyan na akong tumalikod.

"Mierra."

Napahinto naman ako.

"Someday.....I will make you definitely.....mine."

Paglingon ko ay wala na siya. Napabuntong hininga nalang ako.

Alam kong nag-aalala na si Ate Mheia at Allan. Tsk! Pagkatapos ng pagpapakilala niya kay Manuel na si Kyle pala at Lanal. Tss! Naglihim sila, SIMULA pa lang! At wag nilang sabihing lobo din si Ate Mheia? Tss. Ang daming katanungan sa isipan ko!

Bakit iba ang Manuel na kilala ko?Lahat ba ng pinakita niya totoo? Hindi bat sinabi niyang galit siya sa lobo dahil pinatay ang dadt niya? O baka namaa palabas lang yon! Ang pag hypnotize ko sa kanya? Yong pagkontrol ko sa kanya nong nasa library kami? Wala bang epekto 'yon? Pero bakit parang totoong nakontol ko siya? Palabas lang....

Bakit hindi ko naisip 'yon? Nakakatawang isipin na sa maikling panahon maraming tao ang pinagkatiwalaan ko. Mga taong akala ko totoong nagmamalasakit!

Please talk to Ate Mheia at kay Allan, I won't bugged you anymore. Please... wag mo silang iwasan. Ako nalang..

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni.. niya. Tss.

Nagdesisisyon ako na magpakita na. Naglakad ako palabas ng bahay at abala lang ang mga ito sa ginagawa nila. Ano naman ang pinagkakaabalahan ng mga tao ngayon?

May babaeng biglang humila saakin at dinala ako sa isang kwartong napakadilim.

"Sino ka?" Walang ekspresyong sambit ko.

Biglang lumiwanag at napapikit ako sa ipikto ng liwanag na nanggagaling sa bombilya.

"May dapat kang malaman?" Dinilat ko ang mata ko. Hindi siya pamilyar saakin, nakatingin siya na para bang huling minuto nalang niya.

"Ano?"

"Isa ako sa mga tagapaglingkod kay ginoong Lanal, hindi ko na kayang matago 'to... Ang grupo namin ay ma--"

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now