Chapter Thirty

33 0 1
                                    

Manuel's POV

She did escape. I know she can. Ang dapat ko lang gawin ngayon​ ay maghanda dahil ano mang oras ay dadating siy-.

"Manuel..." There she is. Umikot ako at hinarap siya.

"Gising kana. May gusto ka ba? Tubig? Pagkain?" Mabilis na umiling naman siya.

"Nakita mo ba si Bridget? Sinuyod ko na ang buong lugar pero hindi ko siya makita." Lumapit ako sa kanya ang hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Kumain ka muna, hindi pa sapat ang lakas na naiipon mo sa katawan mo, you should take care of yourself.." tinignan niya ako sa mata na para bang binabasa kong ano ang nasa isip ko.

"Iniiwasan mo ang tanong ko." Hindi ito tanong,kundi salita na tama ang iniisip niya.

"Please, save that questions bugging in your mind, we'll talk about it later okey? Have some meal first.." huminga siya ng malalim at tumango din naman kaagad. We headed to my kitchen and prepare something for her to eat.

"Kamusta na si Mheia? Hindi ko rin siya nakita, at tsaka kamusta na yong pag protekta sa mga tao? Okey na ba sila? O sumasalakay parin ang itim na lobo?" Ngumiti ako ng kaunti sa kanya at nilapag ang pagkaing hinanda ko para sa kanya.

"Papayag ka ba kong sasagutin ko yan pagkatapos mong kumain?" And again she nodded. Tinitigan ko lang siya habang kumakain. Nakikita ko na marami siyang katanungan pero pinipigilan niya ang sarili niyang magtanong.

"Tapos na."

"Good. I'll just get to clean this and ikaw, wait at my room." Second pass and she disappeared.

Alam kong mahirap para sa kanya pag nalaman niya, alam ko masasaktan siya pero nandito ako para sa kanya. I won't leave her. Not in any way.

I found her lying on my bed. Huminga ako ng malalim at tumabi sa kanya.

"Kong ano man ang malalaman mo, please be reminded that I am here. Got it?" Tumingin siya saakin at ngumiti sabay tango.

"Now ask."

"Kamusta ang mga tao? Sumasalakay parin ba ang mga itim na lobo?"

"Mabuti na sila. Protektado na ng mga kasama natin ang syudad pero hindi ko pa masisiguro kong talagang ligtas na sila dahil ano mang oras ay babalik ang mga itim na lobo.."

"Nasaan si Ate Mheia? Bakit wala sila?"

"Umalis muna sila ni Allan, masyado nang dilikado ngayon ayoko ng madamay pa si Ate."

Alam kong may isang katanungan ang bumabagabag sa kanya. At alam ko na ito ang magpapagunaw ng mundo niya. Ang tanong na ayokong sagutin ngunit kailangan.

"Nasaan si Bridget? Nasaan ang....nanay ko?" Unti-unti akong gumalaw at niyakap siya, she did hug me back, tightly.

"She... She is.... Bridget is... She is.....gone."

Mierra's POV

"She... She is.... Bridget is... She is.....gone."

Hindi ako nakagalaw. Parang tumigil sa pagikot ang mundo ko. Alam ko sa tono ng boses mi Manuel ay seryoso ito, pero iniisip ko na sana nagbibiro lang siya.Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"Nandito lang ako."

"Kasalanan ko'to, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para makasama ako, b-bakit ngayon pa kong kailan gusto ko na siyang makasama." Nababasa ko na ang damit niya dahil sa luha ko pero hindi siya nagreklamo.

"Hindi mo kasalan, niligtas ka lang niya dahil ayaw niya na naghihirap and anak niya, mahal na mahal ka niya Mierra." Tumango ako habang nakayakap parin sa kanya.

"Alam ko, mahal na mahal ko rin siya. Pero bakit ganon, ang daya. Hindi pa ako nakakabawi sakanya." Naramdaman kong tinatapik niya ang ulo ko.

"Makakabawi karin."

•°•°•°•

"Kailangan na nating lumaban Lanal! Hindi na ito mabuti!"

Naghihintay kami sa sasabihin ni Manuel. Nandito kami sa syudad habang pinapanood ang pagsalakay ng mga itim na lobo. Pinapatay nila ang mga tao, ang iba binibihag nila.

Nanatili akong tahimik. Alam kong may plano siya. Tama siya, ano mang oras sasalakay ang mga itim na lobo, ulit. At mas naging demonyo sila dahil wala kang makikitang awa sa mga mata nila habang ginagawa nila ito. Ang pagpatay.

Ilang minuto pa ang nakalipas hindi parin kumilibo si Manuel. Nakatago kami sa madilim na parti ng daan kong saan hindi kami makikita ng mga kalaban.

Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayaw ko makita ang ginagawa nila sa mga walang kalaban-laban na mga tao. Pero walang silbi ang pagpikit ko dahil rinig na rinig ko naman ang bawat daing at iyak ng tao.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Manuel at alam kong nakatingin na siya saakin ngayon.

"Ngayon na." Hindi ito bulong pero sakto na para marinig ng lahat ang sinabi ni Manuel. Pagkadilat ko lumalaban na sila.

"Nandito na siya. Oras na para lumaban, magiingat ka. Gustihin ko mang ilayo ka dito pero alam kong hindi ka papayag." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Magiingat ka." 'yon na ang huli kong sinabi at nagpalit na kami ng anyo.

May lumapit saakin at hindi ko hinayaang makagat ako,inunahan ko na siya.Para sa pagpatay sa mga tao. Sunod-sunod ang nagbalak na kagatin ako pero hindi ko sila binigyan ng pagkakataon.

Para sa mga kasama ko na pinatay nyo! Para sa pagpatay nyo sa ina ko!

Napasigaw ako ng malakas ng maramdaman kong may kumagat sa paa ko. Agad na gumawa ako ng paraan para mailayo ito.

Bakit hindi sila maubos-ubos?

Nakipagsanib na sa demonyo ang mga itim na lobo, maaaring masaktan natin sila ngunit panandalian lang 'yon. Binibigyan sila ng lakas ng kong sino man -Manuel.

Hindi natin 'to kakayanin.

Trust me. We can. May isang bagay tayo na wala sila. -Manuel.

Nagpatuloy ang labanan, isa, dalawa, lima o higit pa ang napapatumba ko pero nakakabawi ito at nabubuhay ulit.

"Hindi natin 'to kakayanin!" Sabi ng isa sa kasama namin.

"Ipagpatuloy nyo lang!" Hindi ko alam pero nawawalan narin ako ng pagasa. Marami na ang nawala sa mga kasama namin, at yong iba naman malalaki ang natatamong sugat. Matagal pa bago ito gumaling habang ang kabilang panig ay parang wala lang.

"Hindi. Teka. Kailangan ng matigil 'to, ayoko ng marami pa ang magsakripisyo, tama nato!" Pigil ko sa kanilang lahat ng aalis na sana sila. Nagsimula na akong maglakad ng may kamay na pumigil saakin.

"Hindi. Hindi pwede, magkasama tayo sa laban nato, tataposin natin ng sabay-sabay." Kalmadong sabi ni Manuel pero tinignan ko lang siya sa mata at nginitian ng kaunti.

"Alam ko na kong paano taposin 'to. Pakiusap, ayoko ng marami ang mawala. Tama na'to-" hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"-dahil marami na ang nawala, pagbigyan muna ako." Malungkot siyang nakatingin saakin at nababasa ko ang nasa isip niya.

Ayaw niya na mawala ako. Masaktan at....mamatay.

"Pangako ko na mabubuhay ako para sayo.."

"Para sa lahat, magtiwala kalang.." agad na sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap.

"B-bumalik ka..."

Kailangan nang matapos 'to. Pero hindi madali, may posibilidad na mamamatay ako, para sa kanila. Alam kong ako ang kailangan nila. Habang nakikipag laban ako kanina binabasa ko ang bawat nasa isip nila. Nalaman ko na...

Ako ang kailangan nila para mabuhay ang mga taong nawala sa kanila.

Nawalan ng saysay ang dugo ni Manuel dahil naging isa kami at ayoko na siya pa ang mawala.

Ayoko nang mawalan pa ulit ng isa...

Ayoko na.

"Bridget..."


The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now