Killian's POV
Nasa batis ako ngayon at pilit na iniisip yong mga nangyari nong mga nakaraang araw.
Bakit naman kaya biglang susulong yong bridgeat nayon dito? At sino naman kaya yong sinasabi nilang kailangan niya?
Habang nagtatapon ako ng maliliit na bato sa batis ay may biglang nagsalita.
"Baka magalit ang inang kalikasan niyan?" Napaangat naman ako ng tingin at agad na tumayo.
"L-lanal." Kinakabahang sambit ko.
"No need to be nervous,"
Ang kinataka ko lang sa taong to, bakit nagmamaskara palagi? Dahil ba baka makilala siya ng kalaban niya? O dahil kinakahiya niya ang mukha niya? Base naman sa tindig niya eh may iboboga naman, matitipono ang katawan. Hindi mo naman masasabing pangit dahil kahit nakamaskara masasabi kong good looking siya. Teka nga, kailan pa ako nag describe ng isang tao?
Tinignan ko naman siya ng bigla siyang tumawa. Yong tawang makakaagaw talaga ng atensyon.
"Alam mo bang naririnig ko lahat ng sinasabi mo sa isipan mo?" Nanlaki naman ang mata ko.
Nalintikan na!
"A-ah-ah-"
"No need no explain. Alam ko namang itatanggi mo lang, pero salamat sa complement." Nakangiting sabi niya.
Ang tabil kasi ng isipan kong to!
At mas narinig ko pa siyang tumawa.
"Tuwang-tuwa ka no?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Kahit na pinono 'to papatulan ko talaga 'to.
"Bakit?" Tanong niya ng mapansin niyang kanina ko pa siya tinititigan ng seryoso.
"Bakit ang pamilyar ng mga kinikilos mo? Pwede ko bang makita ang nasa likod ng maskara nayan?"
Nagtitigan kami ng ilang sigundo at wala ni isa saamin ang nagsalita.
"Ahem ahem!" Naagaw naman ang ayensyon namin sa tumikhim.
"Nagkakadevelopan na ba kayo? Kasi kong Oo, MAG PAPARTY TAYO!!" Tapos bigla siyang gumiling giling. May pagkasiraulo din 'tong si Mheia eh!
"Tumigil ka, nandyan si Lanal sa harap mo.."
"Eh ano naman ngayon!!"
Ayan na! Nagsisimula na naman sila.
"Sinasabi ko lang!"
"ALAM KO NAMAN NA NANDYAN SIYA! BAKIT BULAG BA AKO HA!"
"PARA IPAALALA KO PINONO SIYA!"
"ALAM KO! EH NGAYON?"
"WAG KANG SUMIGAW!"
"WALA KANG PAKIALAM! EH SA GUSTO KITANG SIGAWAN EH! MAY ANGAL KA?"
"WALA"
Habang abala sila sa pagsisigawan nila. Dahan dahan na umalis na kami ni Lanal.
"Samahan kita."
"Wag na."
"Hindi naman tanong yon eh, beside pupunta din naman ako do'n." Nagkibit balikat lang ako.
•°•°•
"Aling Ester." Sambit ko ng makasalubong ko siya sa library.
"Hija, Ginoong Lanal." Yumuko siya at tinignan ako ulit.
"Ah kasi po, pwedeng makahiram ng libro."
"Oo naman, halika at ipapakita ko ang mga lumang libro." Tinignan ko naman si Lanal at tinanguan niya lang ako.
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
WerewolfShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf