"Pappyyyyyy" sigundo lang ay nakalapit na si chil kay Manuel at inambahan ito ng halik.
"Hey chil, ang tagal na nating hindi nagkita ah.." natatawang sabi niya sa bata at bigla naman itong bumusangot at pinagkrus ang kamay habang nakakandong kay Manuel.
"Nagkita na kaya tayo pappy, naalala mo nong limang araw natulog si ate Mierra? Nakita niya pa nga tayo eh pero bigla mo akong hatak.." nakabusangot niyang sabi. Nakatingin naman saakin si Manuel.
Sabi na nga ba eh, siya nga yon! Kilalang kilala ko dahil sa buhok niya pero pagkatingin ko wala na silang dalawa, at nilito lang ako ni ate Mheia ng sa ganon hindi ko siya makita.
"Ang bilis mo naman yatang nakababa? Hindi ba't iniwan kita sa kwarto mo?" Kibit balikat lang ang sinagot niya.
"Kachi po, may powerch si pappy kaya ganon.." nakong bata talagang 'to.
"Balik na tayo?"
"Tara."
"Teka lang pappy, guchto kong makalaro ka, eh matagal na tayong hindi nakakapaglaro, chigeee na pappyyyy.." tumingin naman siya saakin na para bang nanghihingi ng permiso.
"Sige." Kasabay non ay hinila na siya ni Chil.
Habang naghahabulan sila sa damuhan ay napapangiti ako dahil sobrang saya nilang dalawa.
"Sana, nay tay nandito pa kayo..."
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit na parang binibiyak na bato.
"A-ah." Mahinang daing ko.
Sigundo pa ang lumipas at parang sasabog na ang ulo ko.
"AAAHHHH!"
Manuel's POV
Mierra?
"MIERRA!" Patakbo akong lumapit sakanya at tumingin siya saakin sabay pinisil ng sobrang lakas ang kamay ko.
"M-m-manu-el." Nahihirapang daing niya.
"Anong nararamdaman mo?" Kinakabahang tanong ko.
"Ate mierra.." bulong ni chil.
Napaatras naman ako ng tumingin siya saakin at pula ang kanyang kaliwang mata.
"U-umal-lis k-k-kayo, n-ngayon na, h-habang ma-aga p-pa.."
"Pappy, anong nangyayari kay ate Mierra?" Naiiyak na tanong ng bata.
"AAAAAHHHHH! UMALIS NA KAYO!!"
Ang huling nakita ko ay tumilapon ako at nakitang tumilapon si chil pero bumangga siya sa puno na kinalalagyan ni Mierra kanina.
Mierra...
"Lanal! Fuck men gumising ka!"
"Where is Chil? Si Mierra?" I asked worriedly.
"Mamaya na ang tanong, ano ba ang nangyari?" Napatingin ako sa piligid at nandito parin kami sa lugar na pinangyarihan.
"Si Mierra...biglang nawalan ng kontrol at....pumula ang kaliwang mata niya, nong pagsigaw niya tumilapon kaming dalawa ni chil at nawalan na ako ng malay..."
"Alam kong alam mo kong ano ang iniisip ko."
Nagkatinginan naman kami.
Hindi pwede....
Someone's POV
"Nangyayari na ang plano natin, dadating ang araw at makokontrol natin ang taong lobong yan, kailangan lang nating maghintay ng kunting oras pa..."
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
Про оборотнейShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf