Chapter Twenty-Two

58 1 0
                                    

"Wala ka bang alam sa ganito?" Naiinis na tanong ko. Tinutukoy ko kasi ang pag-ibig para magkaayos na sila.

Kanina pa kasi kami dito sa itaas ng puno at binabantayan ate Mheia. Baka magpatiwakal pa 'to ng wala sa oras tsk.

"Wala ka bang alam sa pag-ibig?" Naiinis na sambit ko.

"I'm passionate about it." Tinitigan ko naman siya.

"Talaga?"

"Do you know what is sarcasm?" Inirapan ko naman siya. Tsk! Maski ako eh walang alam!

"Paano natin ipagbabati 'yan?" Nakatingin lang ako sa ibaba at nagaaalalang nakikita siyang umiiyak, napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang balikat ko.

"Alam mo, kaya na nila yan eh matanda na sila, tara na." Kasabay ng paghila niya saakin ay napunta kami sa ibang lugar.

Ano to dito?

"It's my favorite place. My secret place." Inikot ko lang ang paningin ko, maganda.

"Dito ka lang, kukuha ako ng pagkain.." at nawala na naman siya.

May napansin naman ako sa likod ng kakahuyan kaya sigundo lang ay nakarating na ako doon.

Akala ko ba secret place?

"Magpapakamatay ka?" Kalmadong tanong ko na kinagulat niya. Naghahanda kasi siya ng lubid na sigurado akong magpapatiwakal.

"Oo!"

"Pwes huwag sa harap ko! Doon oh! Doon sa malayo! Baka mapanaginipan pa kita sa pagpapakamatay mo!" Sigaw ko. Nakakainis naman kasi.

Lahat tayo may problema pero hindi naman sagot ang pagpapakamatay! Lahat may sagot, lahat malalagpasan.

"Ano ba ang problema mo? Pera? Pag-ibig? Kaibigan? Anooooo!" Kong pera magpatiwakal na siya dahil wala akong maitutulong! Kong pag-ibig naman MAS lalong wala akong alam! Kaibigan? WALANG WALA AKONG MAITUTULONG! -_-

"Nagtanong ka pa." Napaangat naman ako ng tingin sa itaas ng puno at nakita si Manuel na nakahawak sa lubid at hindi na ito nakatali.

"Hoy ikaw! Magpapakamatay ka? Hali ka dito at ako ang papatay sayo." Nakita ko naman ang takot sa mukha nong lalaki. Kong ako nga ang tumingin kay Manuel mukhang matatakot din ako eh!

"Aaaaaaaaaahhh!!!" Sigaw niya habang tumatakbo.

Ay?

"Sa oras na malaman ko na nagpakamatay ka! E do-doble dead kita!" Pahabol pa na sigaw ni Manuel at sabay kaming naghagalpak ng tawa.

"Anong lugar nga pala 'to?" Nakaupo na kami sa gilid ng puno habang abala na kumakain ng tinapay na dala niya.

"Outside world." Hinintay ko naman na dugtungan niya pero hindi kaya tinignan ko siya at napayuko ako ng makita siyang nakatitig saakin.

"S-salamat nga pala sa pagpigil ng parusa kanina, pinuno.."

"Don't call me that."

"Bakit hindi?"

"I just don't like it." Katahimikan namab ang namayani saamin.

Hindi niya ba ipapaliwanag ang mga bagay na nasa isipan ko? Mga katanungan na hindi pa masagot-sagot?

"Ano ba ang gusto mong malaman?"

Nakalimutan kong naririnig niya pala ang nasa isip ko.

"Lahat?" Dahan dahan naman siyang tumango.

"Don't react, just listen." Huminga naman siya ng malalim at nagsimula ng magsalita.

"Noong limang taong gulang ka pa lang magkakilala na tayo, remember yong nanay mo nagtatrabaho sa isang mansyon? Saamin siya nagtatrabaho. Noon alam ko na ang totoong pagkatao mo, palagi kitang binabantayan ng hindi mo nalalaman, I am your shield, kong hindi mo pa naitatanong I am now nineteen years young."
Panimula niya. Gaya ng sabi niya makinig lang daw kahit may mga tanong na sa isip ko.

"Naalala mo no'ng sinabi kong transferee ako non? Yes transferee ako but the real reason why I trabsfered it's because of you, kailangan kitang malapitan at protektahan dahil nagiging maliit ang mundo at mas nagiging dilikado,pinike ko ang lahat ng documents para makapasok sa public school, akala ko magiging madali ang lahat pero hindi pala..." nakangiting sabi niya sa huling pahayag.

"Bakit naging mahirap?"

"Ang hirap mo kayang kausapin, binabantayan nga kita pero hindi ko naman alam na mailap ka pala..." natawa naman ako ng kaunte.

"But you know why? Mas na cha-challenge ako na maging malapit sa'yo, kaya ginawa ko ang makakaya ko at dumating nga sa punto na nawala na ang nanay mo sa tabi mo, gustong-gusto ko ng sabihin sa'yo kong bakit nangyari 'yon... you did not killed her, it's because of the black wolf, kong hindi niya sinira ang kadina, sana hindi nangyari 'yon.." napayuko naman ako at bumabalik ang mga ala-alang sobrang nagdala ng sakit sa puso ko. Sinisisi ko parin ang sarili ko. Ako ang may kasalanan.

"Stop blaming yourself, would you?" Ngumiti naman ako ng mapait at tinignan siya sa mata.

"Kasalan ko naman talaga hindi ba?" Tinitigan naman niya ako ng puno ng pagaalala.

"You know what, let's just stop talking about this, let's continue some other time..." tatayo na sana siya ng hawakan ko ang palapulsuhan niya.

"H'wag, ipagpatuloy mo." Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Okey. Next thing, dumating si Allan, well he's my bestfriend since then, humingi ako ng tulong sa kanya at hindi naman siya nagdalawang isip na tulungan ako since nililigawan niya ang kapatid ko.."

"Tungkol don? Lobo rin ba ang pamilya mo? Si ate Mheia?" Pamumutol ko.

"Questions will be intertain later."

"So, tinulungan ka niya, naging sila ni ate pero nalaman 'yon ng organisasyon na ipinagbabawal ang umibig sa isang mortal and yes before you asked my sister is not a wolf, wag na nating pahabain to, pagkatapos ay dumating kana sa village, I commanded everyone not to be suspecious, they all know. You're special Mierra, you just don't know..."

Nanatiling nagtitigan kami at hindi ko alam pero lumalapit ng lumalapit ang mukha niya kaya nagsalita ako.

"T-tapos?" Naiilang na sambit ko na nagpatawa sakanya ng mahina.

"Naalala mo ba ang trip natin kasama yong classmates natin? Nakita kitang naging lobo and yes hindi na ako nagulat don, pati narin yong paglapit ng itim na lobo saatin, bakit hindi niya tayo nakita? Kinontrol ko ang isip ng lobong 'yon at buti nalang nagawa ko, also in the library.."

Napatingin naman ako sakanya. Library? Y-yong-

"The kiss And control thingy, alam ko na noon paman na gagamitin mo 'yon saakin but sad to say hindi ako matatablan, ayon.. hindi ka naman galit hindi ba?"

Hindi naman ako sumagot.

"Tinatanong kita."

"Ang sabi mo bawal sumagot.." reklamo ko.

"Ang sabi ko bawal magtanong, hindi ang sumagot."

"Back to the story, nasa village kana, nalaman mo na may nakakausap ka sa isipan mo and it's me, bakit nangyayari 'yon? Dahil sa tadhana.."

"T-tadhana?" Tumango naman siya.

"Only meant to be persons can hear the voices in there minds.."

Meant to be?

"Pero hindi kita peni-pressure, pinapaliwanag ko lang, pwede rin naman na magkadugo sila..."

"Naalala mo nong may nakabangga kang lalaki habang papunta ka sa bahay ni Allan.."

"Ikaw 'yon!" Sabay turo ko pa.

"Aha, and nakita mong nasa state of shock pa si Ate Mheia dahil sinabi kong ako ang pinuno ng lugar kong nasaan siya at dahil ayaw niyang maniwala, I turn into wolf and naging ganon na siya.."

"Tapos- Chil?" Nagtaka naman ako at tumingin sa tinitignan niya.

Bakit nandito ang batang 'to?

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now