Chapter Nine

86 1 0
                                    

"Nagseselos ako." Napaatras naman ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.

"S-sige, uwi na ako." At mabilis na naglakad palayo. Ano yon? Bakit merong Dugdug.?

Hindi pwede.

"Oh! Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo" sabi ni Allan ng mapasinghap ako ng sumulpot siya sa likod ko.

"W-wala, napagod lang sa pagtakbo." Sabi ko at umakyat na sa taas. Pero bago ako makaalis, nakita ko si Allan na pangiti-ngiti habang nakaharap sa cellphone niya. Hhm.

Nag-insayo kami ni Allan pero panay naman ang tigil niya para tignan ang phone niya. Naiinis na ako ah!

"Dyan ka na nga Allan," at naglakad na ako paalis, mukhang hindi naman yata niya ako narinig. Dumeretso ako ng kwarto ko at umupo sa couch. Napatingin naman ako sa labas ng bintana at kanina pa bumabagsak ang napakalakas na ulan. Tatayo na sana ako ng may boses akong narinig.

Malas naman oh! Ngayon pa nasira! Asar!

Napalinga-linga naman ako at hinanap ang boses nayon.

"sino yan?" Tanong ko at wala namang sumagot. Sino yon?

Manuel's POV

Sino yon?

Napalinga-linga naman ako. Sino yong nag-salita? Wala naman akong kasama dito at ako lang mag-isa. Nasiraan kasi ako ng kotse, tss. May narinig talaga akong boses kanina eh. Baka guni-guni ko lang yon siguro.

Killian's POV

"Hoy Killian! Okey ka lang? Ang lalim ng iniisip no dyan." Napatigil naman ako sa pag-iisip at tumingin kay Allan, nandito ako sa sala habang nakaupo sa couch at nasa kaharap na couch ko naman siya.

"Naranasan mo na bang yong para bang may naririnig ka na boses?" Natigilan naman siya sa pag type sa cellphone niya at napatingin sakin.

"Sino ang lalaking kadalasan mong kasama?" Anong klasing tanong yan!

"Wala!" Sagot ko at pinanlisikan niya ako ng mata.

"May nagpapatibok na ng puso mo Killian." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit? Kailan pa hindi tumibog ang puso ko Allan ha?" Alanganing natawa naman siya.

"What I mean is, yong ibang tibok, tibok na pinapadama sayo ng isang tao." sumandal naman ako sa couch at tumingin sa bubong.

"Wala, hindi ko yan iniisip, tsaka bukas na bukas aalamin ko ang hide out ng itim na lobo, susudan ko si Shane. Ano? Sama ka?" Sabi ko.

"Pass muna ako, may lakad ako bukas." Ha? Hhm. Parang may pinagkakaabalahan tong si Allan.

Kinaumagahan, maaga akong nagising at pumasok sa paaralan.

Wala paring sumalubong at nang-aasar sakin hanggang sa nakarating ako sa classroom. Hay!

Buong araw hindi ko nakita si Manuel at lalong lalo na si Shane hindi niya ako pinapansin. Tss.

"Hi Killian, wala yata ang Manuel ko, natakot na ba sayo?" Tinignan ko naman siya ng walang emosyon at naglakad na palayo.

"Manuel is Mine! Hindi mo siya maaagaw sakin." Tumigil naman ako at hinarap siya.

"Sayo na! LAMUNIN MO NG MABILAOKAN KA,!" At tuluyan na akong umalis. Baka hindi ko na ma amoy si Shane at makalayo.

Habang sinusundan ko siya wala naman siyang ka malay-malay na nada likod niya ako. Madami naman ang tao at hindi niya ako mapapansin hanggang sa lumiko siya sa isang lugar at siya nalang ang naglalakad.

Napatigil naman ako ng tumigul siya sa harap ng isang malaking bahay na sobrang pangmamahalin. Dito siya nakatira?

"Killian?" Natigilan naman ako ng napatingin siya sakin, tatakbo sana ako pero pinigilan niya ako.

"Sandali!" Hinarap ko naman siya at tinignan.

"Alam mo bang dilikado yang ginagawa mo killian,ha?" Parang concern na sinasabi niya.

"Alam kong gusto mo akong makilala kaya nga sinundan mo ako hindi ba? Pinapahamak mo ang sarili mo." Hindi ko siya maintindihan, sabi niya nong isang gabi isa ako sa kanila pero bakit ngayon ayaw na niya akong palapitin sa kanya.

"Panong naging dilikado?" Tanong ko.

"Alam na niya na-"

"Oh Shane! May kasama ka pala, tuloy ka dito hija." Nakita ko namang natigilan si Shane at tinignan ko yong magandang babae na nasa gate nakatingin samin. Bat parang iba ang pakiramdam ko?

"A-ah, hindi na. Aalis na kasi siya." Sabi naman ni shane at parang sinasabihan ako na umalis na.

"a-ah Opo aalis na ako. Sige." At naglakad na ako palayo, paglingon ko naman nakapasok na si Shane at nakatingin parin sakin yong babae.

Habang naglalakad ako napapaisip naman ako kay Shane. Nanay niya yon kanina? Kasi pakiramdam ko sa babaing yon kakaiba eh! Yong para bang nakita ko na siya, hindi kaya lobo din siya?

"Aaaahh!" Sigaw ko ng gulatin ako ni.... Manuel?

"Oh! Parang nakakita ka ng gwapo? Ay sorry nandito nga pala ako!" Agad na binatokan ko naman siya.

"Sira!" Sabi ko at naglakad na.

"Aminin na miss mo'ko no?" Inirapan ko naman siya.

"Mamatay na nagtanong." Natawa naman siya.

"Hali ka, sama ka sakin." At hinila naman niya ako.

Tumigil naman kami sa isang malaking puno at tinignan ko siya.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at napangiti naman siya sabay tingin sakin.

"Sa likod ng punong yan, makikita mo ang bagong pag-asa." Ha? Pag-asa?

"Come on." Hinila niya ako papunta sa likod ng punong yon at nanlaki ang mata ko dahil sobrang ganda ng tanawin.

"Pag pumupunta ako dito nasasabi ko na this place is giving me a new hope, dito ako pumupunta tuwing nawawalan na ako ng pag-asa." Sabi niya habang nakatingin sa malayo na tanaw ang buong kabundukan.

"Bakit? May problema ka ba?" Tanong ko na nakatingin sa kanya at bigla nnmaa siyang lumungon sakin at nginitian ako.

"Ahhm, hindi siguro halata kasi masayahin ako no? Well, wala naman akong masyadong problema, mild problem lang." Sabi niya at tumingin ulit sa view.

"Alam mo ba yong magandang view?"

"Ano?"

"I Love View." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Gaya-gaya talaga!

"Oh? Bakit ka tumatawa dyan?" Tanong niya pa at tumigil agad ako sa pag tawa.

"Ang badoy mo, eh advertisement yan ni Joshua at Julia eh!" Sabi ko at tumawa naman siya ng kaunti.

"Ganon ba? Hahaha sige magiisip muna ako ng ibang pick-up lines." Tatawa-tawang sabi niya at napangiti nalang ako.

Ngayon lang ako nakatawa ulit na ganito, huling naalala ko ng mawala si nanay. Hay...

Napatigil naman ako ng may nakita ako sa di kalayuan na may nakatingin samin at biglang umalis ito kaya mapatakbo agad ako para habulin yon, pero napatigil ako ng maalalang kasama ko pala si Manuel at baka mahduda siya na bigla nalang akong mawala dahil sa bilis ng takbo ko.

"What's the problem?" Napatingin naman ako sa malayo habang nakatingin sa daan kong saan tumakbo ang nakita ko kanina.

"W-wala, uwi na ako." Sabi ko at tumalikod.

"Teka, hindi naman dyan ang daan ng bahay mo ah." Napatigil namaa aoo sa kanya, bakit niya alam?

"Bakit mo alam?" Alanganing napangiti namaa siya sabay kamut ng ulo niya.

"Kasi... ano... ahm... kasi..." -_-

"Sinundan kita nong isang araw? Hehe..." alanganing sabi niya at nanlaki namaa ang mata ko.

Nagamit ko ba yong bilis ng pagtakbo ko nong sinundan niya ako? Pero bakit niya ako nasundan?









The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now