Chapter Twenty Nine

37 0 0
                                    

Pinagbuksan ako ni Vivian sabay nginitian.

"Alam kong darating ka.."

Nginitian ko lang siya ng kaunti.

"Si Jake ba? Nagpapahinga na siya ngayon." Tumango naman ako.

Mayroon saakin na gustong mapalapit doon sa bata, kasi nakikita ko 'yong sarili ko sa kanya at ayaw ko na may batang nagkakaganon.

"Babalik nalang ho ako bukas.." tumayo na ako at tinanguan niya ako.

"Alam kong mahal mo ang nanay mo, kaya hija bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag.."

"Sige po, alis na ako."

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa silid ko. Hindi ko dapat munang isipin ang mga bagay tungkol sa magulang ko dahil may mas malaki pang problema kaysa dito.

Mheia's POV

Napangiti ako ng makita si Mierra na naglalakad papunta sa dereksyon ko. Kumaway ako ng kumaway pero nilagpasan niya lang ako. Inunahan ko siya bale paatras akong lumalakad.

"Mierra."

Napatingin na siya saakin.

"Mabuti naman at napansin muna ako.."

Nanatili parin siyang nakatingin saakin.

"Wala kang kwenta.." mahinahong sabi niya na nagpawala sa ngiti ko.

"M-mierra, h-hindi ako makahinga!" Pagpupumiglas ko. Sinasakal niya ako ng mahigpit at nasa punto na ako ng kamatayan.

Nakalutang na ako sa ere dahil sa sakal niya saakin.

"Mierra!!" Nabitawan niya ako at naghihingalo naman ako.

"*panting* h-hindi *panting* ako m-makahinga!" Habol ko sa hininga ko.

Napansin kong nakahandusay si Mierra at tumatakbong lumapit saamin si Manuel at Allan, habang si Allan tumatakbo palapit saakin.

"Okey kana?" Dahan dahan naman na huminga ako habang makahawak parin sa leeg ko.

Tinignan 'yon ni Allan at nanlaki ang mata niya.

"B-bakit?" Kinakabahang sabi ko at wala akong mabasa sa mata niya kundi nakatingin lang siya saakin.

"Nalalason ka.." Ano?

"May nararamdaman ka bang kakaiba?" Mabilis naman na umiling ako.

"Tara sa pagamutan!" Binitbit niya ako at sa isang iglap lang nasa pagamutan na kami.

"Malala ito...." Sabi ni Vivian.

"H-hindi pwede.." bulong ni Allan.

Manuel's POV

"Kaylangan niya lang ng pahinga.."

Tumango naman ako. Pagkatapos masakal ni Mierra si Mheia ay nawala ito ng malay at agad na dinala ko siya kay Bridget.

"Hindi muna siya maaaring isama sa mga laban nyo dahil may posibilidad na makontrol na naman siya ng kalaban natin at maaaring makapahamak siya.." nakaupo lang ako habang nakahawak sa kanang kamay niya.

"Salamat Bridget,"

"Mahal mo talaga no?" Hindi na ako nag abalang tumingin kay bridget at tumango sabay ngiti.

"Opo." Ilang segundo lang ay nakarinig ako ng hikbi kaya napa angat ako ng tingin.

"S-salamat Lanal, salamat dahil palagi kang nasa tabi niya sa mga panaho'ng wala kami... Alam ko na malaki ang galit saakin ng anak ko, hindi ko siya masisisi. Siguro kailangan ko munang magpakalayo-layo..."

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now