Chapter Eight

95 4 0
                                    

Killian's POV

"Goodmorning Moo," tinignan ko lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Sorry nga pala, hindi kita nasabayan kahapon," sabi niya naman habang nakasabay sakin.

"Mabuti nga at walang buwesit sa paningin ko!" Halos pabulong nasabi ko.

"Moo naman, sorry na kasi Alam kong na miss mo tong gwapong mukha ko," at humarang siya sa daanan ko pero nagpatuloy ako sa paglalakad at paatras naman siya na naglakad sa harap ko.

"Umalis ka dyan!" Madiin na sabi ko at walang emosyon.

"Ayoko hanggat hindi mo ako napapatawad." Matigas na sabi niya.

"Tss. Bahala ka!" At lumiko at tsaka narinig nalang siyang napaaray. Ayun nabangga!

"Moo, hintay!"

Nasa loob na ako ng klase at wala pa si Shane.

"Sinong hinahanap mo?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Si Shane." At sumeryoso naman siya.

Uwian na at hindi ko nakita si Shane buong araw. Kailangan ko siyang bantayan dahil bilin yon ni Allan. Baka kasi daw natuntun ako at siya si Shane ang nagmamasid sakin.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid kong mahahanap ko ba siya pero napadilat ako bigla ng may humawak sa balikat ko.

"Moo," tsk!

"Ano na naman?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Wala lang, pero kasi I want to invite you sa bahay kong okey lang sayo don't worry kasama naman natin ang buong classmate natin kasi it's my sister's birthday and sabi niya magsama daw ako kaya lahat nalang ng classmate natin." Mahabang sabi niya at napaisip naman ako.

"Kasama ba si Shane?" Bumaba naman ang balikat niya sa tanong ko.

"Oo." Walang buhay niyang sabi.

"Sige, sasama ako! Kailan ba?" Pagpayag ko at kinangiti niya.

"Mamaya. At ihahatid kita ngayon sa bahay so that I can sundo you later on."

"Mamaya? Tss. Wag mo akong ihatid, kaya ko ang sarili ko."

Si Shane lang naman ang pakay ko! Kokompruntahin ko siya! Straight to the point at wala ng paligoy-ligoy pa.

Nakahoody lang ako tsaka itim na pants. At nag doorbell sa gate nila.

"Sino sila?" Sabi nong babaeng nakadamit pang kasambahay.

"Killian." Sagot ko lang.

"Sandali lang po maam-"

"Moo! Nay Rose, kaibigan ko po siya." At pumasok na ako sa loob, kita ko namang maraming bisita nila.

"Si Shane?" Agad na tanong ko na kinasimangot niya.

"Ewan! Hindi ko naman siya kasama." At bigla niya akong iniwan. -_- ang husay!

"Killian!" Napatingin naman ako sa kaliwang dereksyon ko at nakita ko si ... Shane

"Ooy! Nandito ka pala," nakangiting sabi ko, syempre kailangan ko maging mabuti.

"Yeah, where is Manuel?" Nagkibit balikat naman ako at naglakad kami papunta sa isang bench at umupo.

"Alam kong alam mo kong bakit ako nandito Shane diba?" Agad na tanong ko at hindi na umupo tsaka tinitigan lang siya habang siya walang reaksyin sa sinasabi ko.

"Ha? Ano yon?" Hindi naman ako makapaniwala sa sagot niya.

"Tss. Talaga bang hindi mo alam? Sa bagay, kilala naman kayo sa pagtatago ng katutuhanan hindi ba?" Sa sinabi ko na yon ay napatingin sa akin si Shane.

"Isa ka sa amin Killian alam mo yan," napatawa naman ako ng hindi makapaniwala.

"Hindi ako kabilang sa inyo! Magkaiba tayo! Hindi ba't minamanmanan mo ako? Mabuti pa't sabihin mo sa amo mo na wala siyang makukuha sakin!!" Madiing sabi ko at tumalikod na para sa pagalis pero bigla siyang nagsalita at sinabing.

"I think you should know this, you're not belong in this world Killian, come with me, matutulungan pa kitang maging mas malakas, matutulungan ka namin." Agad na lumingon naman ako sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng tulong NYO O TULONG MO! Kaya kong isa ka sa magiging kalaban ko, sisiguraduhin ko na matatalo kita at maalis ang litcheng sumpang to!"
At matalim na tinignan ko siya.

"That Curse will never leave you, that will live forever, till death." Aminado naman na kinabahan ako.

"Seryoso yata ang pinaguusapan nyo?" Biglang salita ni Manuel sa likod ko kaya napalingon ako.

"Aalis na ako," paalam ko na pinagtaka niya pero naglakad na ako paalis.

Kinabukasan, maaga akong nagising at naghanda na para sa pasok.

"Killian, ano na ang balita sa Shane na sinasabi ko?" Tanong naman ni Allan.

"Kompermado Allan, sabi niya sa akin hindi na daw matatanggal ang sumpa hanggang sa mamatay ako, diba ang sabi mo mawawala ang sumpa kong napatay ko ang nagsumpa sa akin?"

"Oo. Pero may posibilidad na mananatili sayo ang sumpa at maging permanente ito, dahil nasa katawan mo o sa anyong lobo na kong nagustuhan niya ang pamamalagi niya sa katawan mo. Pag nangyari yon, hindi na maiaalis ang sumpa, but nothing to worry Killian, hindi mo naman gusto ang sumpa kaya maaalis yan, maliban nalang kong nagustuhan mo na ito at talagang hindi na ito maaalis sayo kahit anong gawin mo."

Nasa school na ako ng mapansing walang sumalubong o nangasar sakin. Mabuti naman!

Natapos ang lahat ng pangumagang subject pero hindi ko makita si Manuel. -_- wala akong pakialam sa kanya!

Hihingi namaa ako ng patawad dahil hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya kagabi.

Paakyat ako ng rooftop ng masalubong ko siya, nagpatuloy siya sa paglalakad at nilampasan ako. Wtf!

NAPAtingin naman ako sa papalayong pigura niya. Anong nangyari don?

Lumipas ang uwian at napapansin kong iniiwasan ako ni MANUEL! Nakakaasar! Tuwing napapatingin ako sa upuan niya at ganon din siya at bigla siyang umiiwas at oag nagkakasalubong naman kami ay bigla siya babalik sa dinadaanan niya o kaya naman liliko. Ano bang problema niya?

HINdi kaya, sinabi ni SHANE sa kanya ang tunay na pagkatao ko at natakot siya?HINDI PWEDE! Wala dapat makaalam na isang mortal.

Bago makalabas si Manuel sa school ay hinarangan ko siya sa dulo ng hallway na kinagulat niya sa pagsulpot ko sa harap niya. Agad naman siyang nagseryoso ng tingin sakin at tinitigan ko lang siya.

"What?" Tanong niya na para bang nababagot.

"May sinabi ba si Shane sayo?" Agad na tanong ko. At napa Tss lang siya.

"Wala." At nilampasan niya ako. At tinignan ko naman siya.

"Pero bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko na naman na nagpatigil sa kanya.

"Hindi naman kita iniiwasan, I'm just busy." Nakatalikod na sagot niya at naglakad ako papunta sa harap niya.

"Iniiwasan ko ako! Bakit nga?" Naiinis na sabi ko sa kanya at bigla siyang tumawa yong WAGAS!

"Know why?" Tatanongin ko ba kong hindi? -_-

"Kasi..." nilapit niya ang bibig niya sa tinga ko at sinabing.

"Nagseselos ako."






The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now