Chapter three

138 2 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may sasakyan na huminto sa gilid ko at binukas ang bintana.

"Hatid na kita?" Ang kulit. Inirapan ko siya at naglakad na ulit pero sinusundan niya parin ako. Asar!

Huminto ako at tinignan siya.
"Pwede ba, hindi ko kailangan ng maghahatid sakin pauwi!" Sigaw ko sa kanya, nakakabwesit naman kasi marami akong iniisip at wala akong panahon makipagbiruan sa kanya.

Nasa mansyon na ako ni Allan, Oo. Allan yong lalaking nakita ko pagkagising nong isang linggo. Isang linggo narin akong nakatira dito, may pinabasa siyang sulat sakin at sulat kamay yun ni nanay, sinasabi don na wag ko daw sisihin sarili ko dahil talagang mangyayari ang mga bagay nayon. At nalaman ko na isang lobo si Allan, hindi ko alam pero kampanti ako dahil merong magpo-protekta sakin at meron makakaturo sakin kong pano ko kontrolin ang pagiging lobo. Kasi nong nakita ko siya magpalit ng anyo ay nakokontrol niya.

Napatingin naman ako sa pinto ng kumatok si Allan, at hindi ito nakasarado.

"Handa kana?" Tumango naman ako at naglakad na palabas.

Ngayon niya ako tuturuan, dahil don din naman papunta ang usapang to mas maaga mas madali akong matututu.

"Una, kalimutan mo na babae ka, isipin mo ang mga gusto mong maabot, isipin mo lahat-lahat na magpapamotivate sayo, naiintindihan mo!" Tumango ako at sinimulan ko na siyang pagsusuntukin at sipain.

"Lakasan mo pa!! Ano ba!"

"Aaaaaaaaah!" Binigay ko na lahat ng lakas ko pero diko parin siya natatamaan, palagi nalang niyang naiilagan at nasasangga.

"Mahina ka..."

Ayaw ko sa lahat ang sinasabihan ako ng mahina!

"Yaaaaaaah!" Sunod-sunod ko siya na binigyan ng ataki pero hindi parin sapat para masaktan siya.

"Tigil! Kontrolin mo ang galit mo, hindi mo lang alam pag lumabas ang galit mo nagiging pula ang mata mo! Kailangan mong kuntrolin ng hindi magduda ang taong makakakita sayo..." humahangos naman na natigilan ako.

Pumupula ang mata ko pag galit?

"Oo. Kaya kontrolin mo, matutunan mo rin lahat ng dapat mong matutunan, sabihin mo sa akin kong anong mga bagay-bagay naba ang nagagawa mo?" Binaba ko na ang dalawang kamao ko at tumingin sa kanya ng seryoso. Nababasa niya ba isip ko?

"Nagagawa ko? Tss. Wala nama-"

"Sabihin mo na, lahat ng nararanasan mo ngayon naranasan ko narin yan." Napatiim bagang naman ako.

"Nakukuntrol ko ang isip ng tao, napapagawa ko sa kanila ang gusto ko, nakakatalon ako ng matataas.. Sa ngayon yon lang ang nagagawa at alam ko." Nagkibit balikat ako at naglakad papasok ng bahay.

"Kaya kita hinahanda dahil hindi basta-basta ang makakalaban mo! Kailangan mong ingatan ang sarili mo, kailangan mong magmanman sa paligid mo dahil baka di mo alam kalaban mo na pala ang kaharap mo."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at umakyat ng hagdanan.

Minsan naiisip ko bakit naging ganito ako? Kong sana normal nalang ako gaya ng mga normal na tao at hindi katulad ngayon na nagiging lobo na pwede pumatay ng tao. Alam kong pwede kong panigan ang masama, nasa akin nayon kong saan ako pipili, at dahil tinuruan ako ng mabuti ni nanay, papanig ako sa mabuti dahil mabuti ang tinuro niya sa akin.

Kinabukasan, nasa sementeryo ako at dinadalaw ang mama at papa ko. Sabi ni nanay kahit wala ang katawan nila dito gumawa parin sila ng libingan.

"Nay tay, alam nyo ba, malapit na ang kaarawan ko, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa araw nayon, mag didisiotso na ako. Kong sana nandito lang kayo, alam ko namang ginagabayan nyo lang akong tatlo, kahit ngayon lang nay tay, yakapin nyo ako." Umiiyak na kausap ko sa hangin kaharap ang libingan nila.

Bigla namang may hangin na dumampi sa katawan ko at sobrang lamig.

"Salamat sa yakap nyo."

"Kailangan na nating umalis killian, nararamdaman kong nandito lang sa paligid ang kalaban." Agad na tinuyo ko ang mata ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Tara." Sabi ko at pumunta na kami sa kotse niya at sumakay.

"Bukas, hahayaan kitang pumasok sa paaralan, pero sa susunod na araw, kailangan mong maglagi sa bahay.."

"At bakit naman? Kaarawan ko yon, bakit ako maglalagi sa bahay mo?" Kontra ko sa sinabi niya.

"Yun na nga, hindi maganda ang mangyayari." Natigilan naman ako sa pagiisip.

"Anong mangyayari?" Hindi siya sumagot at nagmaniho lang.

Hay.

Maaga akong umalis sa bahay at pumunta ng school, ayaw kong makita si Allan sa paggising ko. Hindi ko maintindihan kong bakit hindi maganda ang mangyayari sa araw nayon! Ano ba talaga?

"Hi Mierra." Seryoso namang tingin ang pinukol ko sa taong nasa harap ko.

"Wag mo akong tawagin sa pangalang yan, hindi tayo malapit." Sabi ko at nagsimula ng maglakad ulit.

"Edi gagawin ko ang lahat para maging malapit sayo, at para matawag nadin kita sa pangalan mo na ipinagbabawal mong banggitin ko." Nakangiti niya pang sabi pero hindi ko na siya pinakinggan at pumasok na sa room.

"Okey goodmorning class, ngayong araw nato, hindi muna tayo mag kaklass dahil kailangan nating paghandaan ang trip ng lahat ng fourth year, para sa hindi pa nakakaalam, kailangan nyong pumunta lahat, walang liliban kong hindi ibabagsak ko sa klase ko, ewan ko nalang kong mapapayag nyo akong ipapasa ko kayo. Okey! Sa classroom na ito merong isa sa inyo ang maging presidente sa trip na gagawin natin, so sino?" Wala naman akong paki dyan dahil hindi ako sasama, kahit ibagsak niya pa ako, kaya kong pasunurin siya na ipasa ako.

"Sir!" Nakayuko lang ako habang nakapikit na nakikinig sa kanila.

"Yes ms Patricia?" Sagot ng prof.

"gusto naming maging president si Killian sir, since siya naman ang pinaka tahimik, tingin ko matino naman siya para e handle ang class nato diba guys?" Napaangat naman ako ng tingin at tinitigan siya habang siya naka ngisi sakin.

Ano na naman ang binabalak mo?

"Ow. Yes! Ikaw Ms killian, great, nakalimutan ko, so it's settled then? Okey ang mga dadalhin nyo lang ay bla blah blah,"

Wala namang masama kong pupunta ako? Tutal kaarawan ko naman, alam kong hindi ako mag eenjoy pero kailangan kong makapag-isip-isip dahil litong-lito na ako.

Allan's POV

Hindi siya pwedeng wala sa tabi ko sa kaarawan niya! Hindi maganda ang mangyayari!

Lalabas ang pagiging totoong lobo niya at ang parting yon ang pimakamahirap sa lahat-lahat.

Sana makinig siya!

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now