Killian's POV
Isang buwan na ang nakakalipas simula nong nangyari sa bahay.
"Titigil na ako sa pag-aaral, total wala naman patutunguhan ang pag-aaral ko dahil hindi ako normal..." sabi ko kay Allan habang kumakain kami.
"Talaga bang gusto mo lang magfocus sa kalagayan mo? O may iniiwasan kang iba?" Tumigil naman ako sa pagkain at tumingin sa kanya ng diretso.
"Wala akong iniiwasan," matigas na sabi ko at bumalik na sa pagkain.
"Then okey, mas mabuti natin na umalis tayo sa lugar nato at pumunta sa pinuno natin, mas ligtas tayo don." Sabi niya at hindi nalang ako umimik dahil wala naman akong magagawa.
Nakita kong umalis si Allan gamit ang kotse niya kaya agad na sinundan ko siya.
Papunta to sa bahay ni Mheia ah...
Nasa malayo lang ako habang minamasdan si Allan na tinititigan si Mheia na ngayon ay naglalagay ng bagahi sa kotse niya sa trunk.
"Kung buburahin mo ang alaala niya, wag mo nang ituloy, tinatanggalan mo ng karapan si Mheia na mahalin ka at makalimutan...." sabi ko mula sa likod niya ng lumabas siya sa kotse.
"What are you doing here?" Nagulat na tanong niya.
Tinignan ko siya, na parang sinasabing pumasok siya sa kotse kaya mapabuntong hininga siya at pumasok. Nilapitan ko naman si Mheia.
"Tulungan na kita?" Napatingin naman siya sakin at ngumiti ng pilit.
"Killian, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Wala, napadaan lang, ikaw? Bakit ang dami ng bagahi mo?" Natawa naman siya ng kunti.
"Well, I'm having my vacation, alam mo na para makalimut, ang sakit lang kasi..." ngumiti naman ako ng kunti.
"Mabuti yan, sige aalis na ako, magiingat ka.." sabi ko at naglakad na papalayo.
"Ate! Naiwan mo ang- Mierra?" Napalingon naman ako sa likod ko.
Manuel?
"Sinong Mierra pinagsasabi mo?" Tanong ni Mheia at dahan dahan naman na tinuro ako ni Manuel.
"So? Magkakilala kayo."
"Hindi/Oo" sabay na sabi namin at ako ang nagsabi ng hindi.
"Talaga? Hhhmm.. parang magkakilala kayo eh, anyway pumasok ka nalang kaya muna Killian?" Umiling naman ako agad.
"Hindi na, kailangan na kasi ako ni Allan. Sige alis na ako..." at naglakad na ulit.
Magkapatid sila? At alam ni Mheia na idang immortal si Allan, hindi kaya isipin niya na ganon din ako?
Ulit na tumingin ako kay Mheia at naglalakad na siya papasok sa loob.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa kong saan ako dalhin ng paa ko.
Nandito ako sa gubat na may maraming matataas na puno. Nabigla naman ako ng may humawak sa balikat ko kaya agad na siniko ko ito ng malakas.
"A-aaray." Daing niya. Ni Manuel. Na nakahiga sa damuhan.
"Okey ka lang?" Bigla naman niya akong hinila at napatumba sa harap niya na nakapatong. Nakita ko naman siyang nakipikit na nakangiti.
"Masakit?" Tumango naman siya.
"Ah ganon ha?" Sinuntok ko naman ang tiyan niya at bigla siyang natawa dahil nasalag niya.
"Biro lang ito naman." Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko.
"Bakit ka nandito?" Ngumiti lang siya sakin at namulsa.
"Ewan ko sayo." Naglakad na ako ulit at binilisan ko.
"Wait, teka lang naman Mierra, eh kasi gusto kitang makasama.." napatigil naman ako sa paglalakad at tumigil siya sa gilid ko.
"Huling pagkikita na natin to, ipinagbabawal na akong makipagkaibigan at ayaw ko rin ng may kaibigan. Masasaktan lang ang mga taong malapit sakin..." sabi ko.
"Huling pagkikita? Tss. Gagawa ako ng paraan, makita kalang!" Napatingin naman ako sa kanya at biglang napawi yong ngiti niya at napatingin sa paligid.
"P-parang nakita ko nato dati, may babae akong hinahabol... pero hindi ko maaninag ang mukha niya... isang..... LOBO?" Nanlaki naman ang mata ko.
Wag mong sabihin na naaalala niya? Hindi...
Hindi ako mapakali habang tinitignan siya pero hindi ko ito pinahalata sa kanya.
"Ayos ka lang Manuel?" Nabalik naman siya sa realidad at tuminhin sakin.
"O-oo."huminga ako ng malaaim at tinanong siya.
"Bakit? Ano ba ang naaalala mo? May bumavagabag ba sayo?" Ngumiti naman siya sakin ng pilit at nagsimula na kaming maglakad.
"Naalala ko lang ang dad ko. He died five years ago, my mom was devastated that time, we are. At ako mismo nakita ng mga mata ko kong sino ang pumatay..." pinatay ang dad niya?
"Sino ang pumatay?" Gusto ko lang kasing malaman dahil alam kong sa mga oras nato seryoso siya at totoo ang mga sinasabi niya.
"Hindi ko alam kong maniniwala ka.... pero nakita ng mga mata ko Mierra, isang itim na lobo....." natigilan naman ako.
Itim na lobo
Itim na lobo
Itim na lobo
"Naniniwala ka ba sakin?" Ano ang isasagot ko? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot.
"H-ha? H-hindi naman totoo ang mga lobo, walang lobo..." tumawa naman siya ng mapakla.
"Sabi na eh, alam kong hindi ka maniniwala, mommy ko nga at kapatid hindi naniwala, but I know that it's real nakita ko ang lobo na walang awang ibinalabag ang daddy ko sa kong saan hanggan sa maputulan ito ng hininga..." ramdam ko ang galit sa puso niya! Ang sakit na nawalan ng ama, ang sakit na walang naniniwala at wala kang kakampi.
"Let us just cut that topic, past is past. Anyway uuwi kana ba? Ihahatid na kita." Sabi niya.
Ibig ba sabihin kinamumuhian niya ang lobo? Sino ba naman ang hindi kong pinatay ang tatay mo? Ang mahalagang tao sa buhay mo! Tss.
"Wag mo na akong ihatid." Sabi ko at nakia ko namang ngumiti siya.
"Hindi naman yon tanong para sagutin mo, gusto kitang ihatid, at wag kanang kumontra." Tinitigan ko naman siya ng sobrang tagal na nagpatigil sa pagngiti niya.
"Bakit? Is something wrong with my face?" Kinapakapa niya naman ang mukha niya at nabalik ako sa ulirat.
Dug.dug
Mabilis na tumakbo ako ng matamdaman ko ang tibok ng puso ko. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero nagmadali akong tumakbo para makalayo sa kanya. Nang makalayo na ako ay agad na tumalon ako sa pinakaitaas ng puno at tinignan siya mula sa taas.
"Anong nangyari don?" Pabulong at takang tanong niya sa sarili niya. Naririnig ko kahit sobrang hina na ng boses niya.
Pinanood ko lang siyang umalis palayo. Napasandal naman ako sa puno na kinatatayuan ko.
"Ngayon, dahil alam kong kinamumuhian mo ang isang lobo, dapat na siguro na layuan kita, kaysa umabot pa sa puntong malaman mo ang tunay na pagkatao ko.."
YOU ARE READING
The Curse and LOVE
WerewolfShe's Not ordinary. Different from everybody. - #WereWolf