Chapter Fifteen

82 1 0
                                    

Killian's POV

"Hindi ka pwedeng pumasok!" Pigil ng bantay.

"Gusto ko siyang makausap." Ulit ko.

"Wala siya ngayon dito, may ginagawa siya sa ibang lugar.." napabuga nalang ako ng hangin at tumalikod na para umalis.

Nandito ako sa malaking bahay kong saan nakatira ang pinuno o si Lanal.

Asan na ba yong si Allan? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita.

Mierra?

Napalinga-linga naman ako. May tumawag saakin? May narinig akong boses eh.

Mierra!

"Sino yan?" Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang paligid ko.

Ako lang 'to, sasabihin ko lang sana na miss na miss na kita..

"Ano? Magpakita ka!" Naghintay ako ng ilang sigundo pero wala. May may nakakausap ako pero hindi ko naman nakikita?

Dapat makausap ko si Allan. Patakbo akong pumunta sa kwarto niya at nanlaki naman ang mata ko sa nadatnan at nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"H-hi?" Napatingin naman ako sa likoran niya kong nasaan nakasilip si Allan.

"Pasok ka muna?" Sabi ni Mheia.

Nalilito man pero tumuloy na ako.

"Baki-"

"No choice." Putol niya saakin.

"Wow grabe! Nahiya naman ako sa sinabi mong 'sumama ka nalang saakin'."

"Eh kailangan nga dib-"

"Edi sana hindi mo nalang ako sinama kong NO CHOICE KA NAMAN!"

"mapapahamak ka at pag nagkataon balika-"

"Pinabayaan muna lang sana ako!!"

"HINDI NGA PWEDE-"

"AH SO NANINIGAW KA?"

"EH SUMISIGAW KARIN EH-"

"BAHALA KA NGA DYAN!"

Sabay sabay silang nagtalikoran habang magkatabi na nakaupo. Tinignan ko naman silang dalawa na walang emosyon pero may kunting inis.

Paalala lang sana sa kanila na nandito pa ako tapos pagnakaalis na ako saka na sila mayrumble!

"Okey na?" Walang emosyon ko paring sabi. Napatingin naman sila saakin tapos nagtinginan silang dalawa tapos sabay nagsamaan ng tingin.

"Sige take your time."

Lumabas ka nalang dyan, mamaya mo pa yan makakausap.

Napatingin na naman ako sa paligid.

"Wag mo nga akong kausapin!" Biglang sigaw ko kaya napatingin yong dalawa.

"Sino'ng kausap mo?" Tanong ni Kuya Allan.

"W-wala, sige alis na ako. Babalik nalang ako mamaya." Agad na lumabas na ako at naglakad-lakad. Ito na naman at wala na naman akong magawa. Ayaw ko namang lumabas dahip baka makita ko si Manuel, mahirap na. Hindi sa iniiwasan ko siya pero parang ganon narin!

Mierra, punta ka sa batis.

Bakit naman?- ako

Basta.

Naglakad ako papuntang batis at lumanghap ng hangin.

Pumunta ka sa may puno.

"Hello! Ipaalala ko lang, halos puno ang meron dito.." hindi ko na napigilan at nasabi ko na. Wala naman sigurong tao dito para sabihan akong nababaliw dahil kinakausap ko ang sarili ko.

The Curse and LOVEWhere stories live. Discover now