Simula

165 95 85
                                    


Paano nagagawa ng toldang matuyo pagkatapos ng ulan?
Paano nagagawa ng araw na sumikat pagkatapos ng bagyo?
Paano nagagawa ng damit na matuyo pagkatapos malabhan?
Pero bakit hindi magawa ng basong mabuo ulit pagkatapos mabasag?
Katulad ng puso niyang hanggang ngayon ay basag pa rin at hindi magawang bumalik sa dati.

May tao pa kayang handang tumulong na mabuo ito,
Kung ito mismo ay pagod ng sumubok.
Dahil sa maraming pagsubok na rumupok sa kabuuan nito.
Paano nito magagawang ngumiti ng totoo kung ang luha'y patuloy pa ring tumutulo?
Paano magagawang humilom ng sugat kung patuloy pa rin sa pagdugo?
Paano magagawang lumaban kung akala niya'y talo na?
Paano nito ipagpapatuloy kung akala niya'y tapos na?
Paano niya magagawang bumangon kung siya'y pagod na?

Sumisikat pa lang ang araw pero pakiramdam niya'y palubog na.
Paano nga ba siya mabibigyan ng pag-asa kung pagod na siyang umasa?
Pagod na siya ngunit ang mga luha ay tila walang kapaguran.
Pilit niya man itong punasan ngunit wala rin itong magagawa.
Mabasa man ang panyo o ang unan sa pagtulog,
Gusto man niyang tapusin ang lahat,
Ngunit paano nga ba kung ang gusto niyang takasan ay bumabalik na at ang gusto niyang balikan ay wala na at hanggang alaala na lang pala.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon