Kabanata 2

145 89 166
                                    

Classified

Nasanay na yata ako na magising ng maaga kaya maaga na naman akong nagising ngayon. Kung ang araw na ito ay katulad lang ng dati ay baka nag-jog na ko sa buong vicinity. Kaso nasa ibang bahay na 'ko at kailangan ko pang mag-adjust.

Basa pa ang buhok ko nang bumaba ako sa kusina. Nagbihis lang ako ng T-shirt at maong shorts na above-the-knee ang haba.

"Alex! Ang aga mo naman nagising," sabi ni Tita habang nagluluto.

"Nasanay po kasi ako."

Dumungaw ako sa niluluto niya para tignan kung ano 'yon at kung anong maitutulong ko.

"Nagluluto ako ng egg and ham. Tinapay lang kasi si Ivan sa umaga at si Lemon naman, cereals," nakangiti niyang sabi habang sinasalin sa plato ang luto na itlog.

"May kanin po ba?" tanong ko sabay tingin sa rice cooker.

"Bahaw 'yan. Gusto mo bang ipainit ko?" alok niya na agad ko namang tinanggihan.

"Hindi na po, ako na lang."

Sinimulan ko na sa pagluluto at paghahanda ng mga kailangan. Mabilis lang naman 'tong maluto e, kaya kunting tiis na lang mahal kong tiyan!

"Alex, paggising ni Ivan pakisabi nasa dining table na ang breakfast niya. Aalis muna kami, ie-enroll ko lang si Lemon sa isang daycare center."

"Sige po."

Nilingon ko si Lemon at nakita ko kung ano ang mga resemblance niya sa kuya niya. Natural na mapupula ang labi nito at brown ang kulay ng mga mata lalo na kapag natatamaan ng araw. Mahaba ang pilikmata at makapal na kilay. Lahat 'yon gayang gaya niya sa kuya niya. Pwede na siyang minime ng kuya niya, kahit porma at aura ay nakuha niya rin dito.

Nakatitig lang din siya sa'kin habang hinahalo-halo ko ang kanin sa kawali. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Mukhang namana niya rin yata sa kuya niya ang intensity sa mga titig nito.

Hindi talaga ako mahilig sa bata o mas tamang sabihin na hindi ako lumalapit sa kanila. Pakiramdam ko kasi hindi ko mapagkakatiwalaan ang sarili ko pagdating sa kanila. Pakiramdam ko kasi mapapahamak ko lang sila anytime.

Kakaalis lang nila ng bumaba si Ivan galing sa kwarto niya at dumiretso sa kusina.

"Si Mama?" tanong niya.

"Umalis," maikli kong sagot habang sinasalin ang napakasarap kong sinangag sa plato.

"Hindi ako nagkakanin sa almusal." Naabutan ko siyang umirap paglingon ko.

"Walang nagtatanong," sarcastic kong sagot.

"Eh, ano 'yan?' nakakunot-noo niyang tanong.

" Sinangag ko," mabilis kong sagot. Akala ba niya kanya 'to?

"Asan ba 'yong pagkain ko?" iritado na siya.

"Nasa dining table," sagot ko habang nagtitimpla ng kape.

Pagkatapos ko magtimpla ay dala ko na sa magkabilaan kong kamay ang plato at ang kape ko papunta sa dining table.

"Bakit ka nandito?" tanong niya na naman.

"Kakain," maiksi kong sagot at umupo na. Tumusok ako ng ham at kumuha ng itlog.

Susubo na sana ako nang bigla siyang nagtanong ulit.

"Asan 'yong kape ko?" binalingan ko siya at ibinaba ang kutsara.

"Nagtimpla ka ba? Asan mo ba nilagay?" tanong ko rin at nilibot ang mata sa paligid. Kunwaring hinahanap ang kape niya. If I know, nag a-assume na naman siya na ipinagtimpla ko siya ng kape.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon