Kabanata 21

30 7 3
                                    


Problema

Sa mga sumunod na araw ay naging malamig sa'kin si Ivan. Nakakapanibago ang lahat. Hindi na niya ako kinakausap o tinitignan man lang. Bumalik kami sa dati na parang hindi kami magkakilala. Kung dati ay hindi niya pinapansin si Chelsea, ngayon ay lagi na silang magkasama. Wala akong nagawa at kasalanan ko rin naman 'to. Ginugol ko na lang ang mga oras ko sa pagre-review para sa finals.

Tinignan ko ang oras at nakitang malapit na nga mag-alas cinco. Niligpit ko ang mga gamit ko at pumunta sa gym para tignan kung tapos na ba sila sa tune up game nila.

Pagdating ko sa gym ay naabutan kong nagliligpit na ng gamit sina Kean at Lance samantalang si Drake ay nakaupo lang sa bench at may kung anong ginagawa sa cellphone niya. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Ivan pero wala siya. Nagbibihis pa siguro. Lumapit ako kay Drake at umupo sa tabi niya.

"Nagbibihis pa si Ivan?" tanong ko sa  kanya.

"Umalis na siya 'Lex." Iniwan niya ako?

"Ah ganoon ba? Sige, uwi na 'ko," sabi ko at tumayo na.

Naglakad lang ako ng dire-diretso kahit na tinatawag ako ni Drake. I knew it. Ito naman ang gusto ko diba? Alam 'kong dito rin naman mauuwi ang lahat, papatagalin ko pa ba? Hinawakan ni Drake ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Ihahatid na kita," sabi niya at inakay ako papunta sa kotse.

Wala akong imik na sumakay sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Hanggang dito na lang ako 'Lex," sabi ni Drake nang makarating na kami sa tapat ng gate.

"Sige, salamat sa paghatid. Pasensiya na sa abala," sagot ko at bumaba na.

Kinawayan 'ko siya nang makapag u-turn na siya pabalik. Inantay ko siyang makaalis muna bago pumasok ng bahay. Pagkapasok ko ng bahay ay nalaman kung wala si Tita at si Lemon. Nakita ko sa kusina ang isang post it na si Tita pa mismo ang nagsulat.

"Alex, nasa isang family gathering kami ni Lemon. Magluto ka ng hapunan para sa inyong dalawa ni Ivan at bukas pa kami makakauwi." -Tita Vangie.

Umakyat ako sa kwarto ko at nadaanan ko ang kwarto ni Ivan na maingay sa loob. Hindi ko na lang 'yon pinansin at dumiretso na sa kwarto ko. Nagbihis lang ako sandali  at bumaba na para magluto.

Hinalughog ko ang ref para tignan kung anong pwedeng lutuin. Karneng manok na lang ang nandoon at ubos na rin ang mga gulay. Limang patatas na lang din ang natira na malapit na ring mabulok.

6:30 na ng matapos kong lutuin ang adobo. Naghain na ako sa lamesa saka umakyat sa kwarto ni Ivan. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang nanonood ng movie habang nakahiga sa kama niya.

"Ivan, kain na," sabi ko at agad sinara ang pinto. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita o tignan man lang ako.

Nagsandok na rin ako ng pagkain ko kahit hindi pa siya bumababa. Hanggang sa natapos na lang ako ay hindi pa rin niya binubuksan ang pintuan niya at bumaba dito para kumain. Niligpit ko ang pinagkainan at naghugas na lang ng plato. Bahala siya diyan! Wag siyang kumain kung ayaw niya. Hindi naman siya pinipilit.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maaga rin ako makaalis. Alas sais pa lang ay umalis na ako sa bahay. Hindi na ako kumain at nagtaxi na lang. Hindi na ako sasabay sa kanya kung ayaw niya. Let's back to the square one, 'yong ako lang mag-isa at ang sarili ko lang ang maaasahan ko.

6:30 pa nagbubukas ang cafeteria sa university kaya dumiretso na lang muna ako sa pinakamalapit na fast food sa campus. Um-order ako ng heavy meal at ng kape para magising sa katotohanang ito na talaga ang buhay ko. Ang mag-isa.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon