Kabanata 28

27 4 0
                                    


Duwag

Pinanood ko lang siyang naglalakad palayo. Ibang klase talaga 'to si Coach. Tinali ko ang buhok ko at inurong ang sleeves ng jacket ko hanggang siko. Pumito ako ng isang beses at lahat naman sila ay nagsitigil sa pagwa-warm up. Isa pang pito at nag-line up naman sila. Humarap ako kay Ivan at tinignan silang lahat.

"Anong oras pa kayo dito?" tanong ko.

"Exactly 5:00 am," pormal na sagot ni Ivan.

Tinignan ko ang relo ko at 5:15 na.

"100 push ups now," sabi ko at umupo naman sa malapit na lounger.

"Ang dami naman no'n," reklamo ni Kean at ng iba pa.

Pumito ako ng dalawang beses at nagsitahimik naman sila at sumunod na lang bukod kay Ivan. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay pero di pa rin siya gumagalaw.

"Including you," malamig kong sabi.

Umiling lang siya ng ilang ulit at wala na ring nagawa kundi sumunod na lang. Tinignan ko sila isa-isa na nag-umpisa ng magpush up. Pumasok ako ng mansion para kumuha ng tubig at towel sa kwarto ko. Pagdating ko doon ay nakita ko ang cellphone ko na nagri-ring. Isa 'yong unknown number na agad kong sinagot.

"Alexandrea," sabi ng isang boses na may katandaan na mula sa kabilang linya.

"Sino 'to?" sagot ko at pinindot ang record button para marecord ang tawag.

"Miss me?" tanong niya na humalakhak pa.

"Hindi pa ako tapos sa'yo," dugtong pa niya.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong.

"Hindi ako titigil hangga't di ko nasisira ang buhay mo." Sa sinabi niya ay ako naman ang humalakhak ng pagkalakas lakas.

"Sira na. Kaya wag ka ng mag-abala pa," sagot ko at ibinaba na ang tawag.

Preoccupied ang isip ko habang pababa at pabalik sa dalampasigan. Sino 'yong tumawag? Imposible namang si Mr. Cruz 'yon dahil masiyadong matanda ang boses na 'yon para sa kanya. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa dalampasigan at nakaupo sa lounger habang hawak hawak ang tumbler ko.

"Alex may problema ba?" Nagulat na lang ako ng biglang naupo si Drake sa tabi ko.

"Wala, may iniisip lang ako," sabi ko at tumayo na.

Wala kaming ibang ginawa kundi mag-exercise at mag-tune up. After lunch ay naisipan kong magpalit ng damit. Hinubad ko 'yong jacket ko at pinalitan 'yon ng maluwag na sleeveless. Ayos lang naman dahil naka sports bra naman ako.

Pagbaba ko ay nagpapahinga na ang team sa mga duyan at lounger na nandoon. Ang volleyball team naman ang nag-invade sa tapat ng dalampasigan. Naglalaro sila ngayon at nagpa-practice na rin.

Lumapit ako sa lounger kung saan nakaupo sina Drake at Joshua. Umupo ako sa tabi ni Drake at kumapit sa braso niya saka sumandal sa kanyang balikat.

"Anong problema Alex?" tanong niya at mas humilig pa sa'kin para maging mas kumportable para sa'kin ang pagsandal.

"I'm sleepy," pag-amin ko.

"Then sleep," he said and chuckle a bit.

"I'm scared," nakapikit kong sabi saka lumunok.

"Wow! Natatakot ka pala 'Lex."

"Akala ko rin hindi na pero sa mga nangyayari ngayon pakiramdam ko lagi may masamang mangyayari. I always have a nightmare day and night, whether I am sleeping or not. That was so scary."

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon