Kabanata 31

28 4 0
                                    


Katulad ni Xander

Malakas akong sumigaw at bumalikwas ng bangon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang nasa kwarto na ko. Nandoon din sina Joshua, Drake at Ivan. Nakaupo si Drake sa tabi ko at may hawak na tuwalya. Pinupunasan niya yata ako. Si Ivan ay nakaupo lang sa may paahan ko at si Joshua ay nakaupo sa upuan na malapit sa kama ko.

"Bakit Alex?" tanong ni Drake.

"Nightmare," maiksi kong sagot.

"Uminom ka muna," sabi ni Joshua at inabot sa'kin ang isang basong tubig.

Agad ko 'yong tinanggap at inubos sa isang lagukan.

"Kilala ko sila," pag amin ko. 

Tinignan ko si Drake at sunod naman ay si Ivan.

"Alam niya na ang mga nangyari," sabi ni Joshua. Bumuntong hininga lang ako at tumikhim

"Naka-block ang mga alaala ko sa mga nangyari noon kaya hindi ko sila maalala," nanghihina kong sabi.

"Bakit naka-block?" tanong ni Ivan.

"Therapy. Para maalis ang trauma ko," sagot ko. "Pinilit kong alalahanin ang lahat pero sumakit lang ang ulo ko."

"Wag mong pilitin Alex. Makikilala rin natin sila," sabi sa'kin ni Drake at tinapik ako sa balikat.

"Nasa paligid ko lang siya Drake. May tumawag sa'kin kanina na babae at binigyan ako ng babala na may pinaplano na naman silang masama sa'kin."

"Sino 'yong babae?" tanong ni Ivan.

"Hindi ko kilala. Hindi ko kilala ang boses niya," sagot ko at pumikit ng mariin.

"Wag mo ng pilitin Alex. Magpahinga ka na."

Nagring ang cellphone ni Joshua dahilan kung bakit siya nagpaalam na pupunta na sa kwarto niya.

"Tatawagan ko si Pascual para sa update tungkol kay Rose. Magpahinga ka na," paalam rin ni Drake at umalis na kaya kaming dalawa ni Ivan na lang  ang naiwan.

"Hey, are you okay?" tanong ni Ivan at lumapit sa'kin.

Tumango lang ako sa kanya at hindi na nakapagsalita pa. Tinulungan at inalalayan niya ako sa paghiga at siya na rin ang nagkumot sa'kin hanggang dibdib. Hinawi niya rin ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyong masama. Don't forget that," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Niyakap ko ang katabi kong unan at pumikit na. Agad naman akong nakatulog sa sobrang pagod. Hindi lang sa pisikal kundi pati na rin sa mental.

Kinabukasan ay balik kami sa training na parang walang nangyari kagabi. Nag-jogging lang sa umaga at routines sa gym. Sa hapon naman ay tune up game lang. Gano'n din ang nangyari ngayong huling araw na namin. Bukas ay babiyahe na kami pauwi dahil next week ay may pasok na.

Pinag-jogging ko sila sa perimeter, pahinga ng 10 minutes at dumiretso sa gym para sa mga routines. Nang matapos silang lahat ay pinag-line up ko sila at sinipa isa isa lang mga paa nila para malaman kung gaano na ito katatag. Sunod naman ang kanilang abdomen at braso. Ayos na!

"Para naman kaming sasabak sa giyera nito Alex," reklamo na naman ni Paulo habang nagpapahinga sa lounger.

"Parang 'yon na nga rin 'yon Pau," sagot ko.

"May alam ka talaga sa kanila," singit ni Lance habang nanonood ng laro ni Sam.

"After one hour, pumunta kayong lahat sa function room. Lahat kayo."

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon