Kabanata 17

33 14 2
                                    

Hydrophobic

"That's what she gets from slapping me first," buo kong sagot.

"You slapped me first," she lied.

"Wow!" sarcastic kong sagot, di makapaniwala sa kasinungalingan niya. "Sabagay, nasampal ka nga pala ng katotohanang sa'ting dalawa, ikaw ang tunay na makati at gagawa pa ng eksena makakuha lang ng atensiyon, right?"

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya at hinablot ako ng pagkalakas lakas sa buhok.

Katulad nga ng sinabi ko, hindi ako nagpapatalo. Kaya malakas ko ring hinablot ang buhok niya.

Marami ng umaawat pero kahit isa sa'min ay walang gustong bumitaw hanggang sa mahulog kami sa pool. Binitawan ko ang buhok niya at pinikit ang mata ko para di mapasukan ng tubig. Sinubukan 'kong abutin ang sahig para sana makatayo. Tuloy tuloy lang ang pagkahulog ko hanggang sa maabot ko na nga ang sahig pero di naman ako makaahon. Sinubukan 'kong tumalon at lumundag pero di ko na kaya. Nawawalan na ako ng hangin at nanginginig na ang tuhod ko. Hindi sa lamig kundi sa takot.

Bumalik sa akin ang imahe ng isang batang nalulunod pero di ko nagawang tulungan. Unti unti na siyang nilalamon ng tubig pero wala akong nagawa kundi tignan siyang lumubog sa pool na may mantsa ng sarili niyang dugo. 'Yon ang unang beses na napatunayan ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay wala akong magagawa.

Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang mainit na luha mula dito. Naramdaman kong may isang matigas na braso ang pumulupot sa baywang ko bago ako mawalan ng malay.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at bumugad sa'kin ang puting paligid. Lumingon lingon ako para makita kung nasaaan ako nang makita ko si Ivan na nakatungong hawak ang kamay ko. Umangat ako ng bahagya at nakitang naka-hospital dress na pala ako. Bigla namang napabalikwas ng bangon si Ivan at inalalayan ako sa pag-upo.

"How's you're feeling?" tanong niya at umupo sa gilid ng kama paharap sa'kin.

"I'm fine. Anong ginagawa ko dito?"

"You are drowned. Hindi ka na-revive kaagad kaya dinala ka na namin dito," sagot niya gamit ang mapupungay niyang mata na mukhang nagising ko nga sa pagkakatulog.

"I'm so worried, na hindi ka agad umahon sa pagkakahulog mo. Hindi ko alam na hindi ka pala marunong lumangoy."

"I am a hydrophobic since I was 5 years old. Since that accident happened..." I rolled my eyes for the tear that's near to fall.

"I'm sorry for that," alu niya at pinunasan ang takas na luha sa pisngi ko.

"Hindi ko 'yon sinasadya..." Sinubukan 'kong ikwento sa kanya ang mga nangyari pero hindi ko kaya. Wala akong makalap na kahit anong salita para isalaysay ang nangyari noon. Mariin akong pumikit at doon na nga kumawala ang mga luhang pinipigilan ko.

"It's fine. Don't force yourself. I can wait until you're ready," bulong niya at niyakap ako ng mahigpit.

I killied that child. That's the truth! Wala akong nagawa para tulungan siya.

Niyakap lang ako ni Ivan ng ilang sandali hanggang sa ako na lang ang nagkusang kumawala nang biglang bumukas ang pinto.

"Alex, gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?" bungad ni Tita at agad lumapit sa'kin. Tumayo naman si Ivan para bigyan ng space si Tita at si Lemon na umakyat sa kama at umupo sa tabi ko.

"Okay naman na po ako Tita," sagot ko at nilingon si Lemon na niyayakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik at pinaupo sa kandungan ko.

"'Yon ba si Chelsea? 'Yong kapatid mo sa ama? Aba'y napakasama nga naman talaga ng ugali. Nagmana siguro sa nanay."

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon