Kabanata 42

21 2 0
                                    


Prime Suspect

Hindi ko na hinintay ang susunod na tanong at nagsalita ulit.

"Thanks for having me here in the stage and thank you for coming here with us. And together we celebrate the victory of the university. I hope you'll enjoy the night," sabi ko at bumaba na ng stage.

"What's with the question?" tanong ko sa kanila nang makarating sa'min.

"Alex, ni-review namin ang questions na itatanong sa'yo pero wala mga gano'ng lumabas," sabi ni Sam. "I'm sorry Alex."

Umiling lang ako at uminom ng wine.

Ang party ay para magsaya ang lahat. Pero hindi ko magawang magsaya. Saan galing ang mga tanong na 'yon?

"Are you okay?" tanong ni Ivan na humilig pa sa'kin.

"I'm fine."

"Gusto mo bang umuwi na?" tanong niya at nilagay ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Later," sagot ko at uminom ulit ng wine.

"Alex," tawag sa'kin ni Joshua.

"What?" tanong ko.

"Lasing na lasing na si Drake," bulong niya. Nilingon ko si Drake na isang bote na nga ang naubos.

"Drake-"

"Alex!" malakas niyang sabi at tumayo kaya naputol ang pagtawag ko sa kanya.

"Let's talk," sabi niya at hinawakan ang braso ko at hinila ako patayo. Sabay naman na napatayo si Joshua at Ivan. Hawak ni Joshua si Drake at hawak naman ni Ivan ang braso kong hawak ni Drake.

"Mag-uusap lang kami pare," lasing na sabi ni Drake.

"Dre, lasing ka na," sagot ni Ivan at hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"Mag-uusap lang kami," mariing sabi ni Drake pero nakaharap naman sa'kin. Bumuntong hininga ako saka lumingon kay Ivan.

"Sige na Ivan. Mag-uusap lang kami sandali."

Binitawan ako ni Ivan at sumunod na lang ako sa kung saan man ako tangayin ni Drake. Nakarating kami sa isang lugar kung saan walang katao tao. Sa parking lot. Tumingin muna  siya sa paligid bago ako binalingan.

"I'm sorry Alex. Hindi ko lang alam kung paano ako magre-react sa isang bagay na nalaman ko," umpisa niya.

"May sinabi sa'kin si Cyrus tungkol kay  Xander. Hindi ko matanggap 'Lex."

"Anong sinabi niya?" kinakabahan kong tanong.

"Ikaw ang pakay ng mga pumatay kay Xander," mahina niyang sagot.

"Huh? Ano? Paano naman nasabi ni Cyrus-"

"Gabi bago mangyari 'yon, may mga lalaking nagtatanong tungkol sa'yo. 'Yong mga lalaking nahuli na kasamahan ng pumatay kay Xander ay 'yong mga lalaking nagtanong rin tungkol sa'yo. Ikaw dapat 'yon at hindi si Xander. Kahit noon pa man ay marami ng nagtatangka sa'yo pero lagi 'yon hinaharang ni Xander na kahit kailan ay hindi mo nalaman. He even hired a personal bodyguards for you without your knowledge."

"Ikaw dapat ang mamamatay sa araw na 'yon Alex," sabi niya at niyakap ako. Samantalang ako, hindi pa rin makapaniwala at natigilan sa mga narinig.

"I'm sorry kung nagalit ako sa'yo. I'm sorry kung nakalimutan kung kailangan mo 'ko. I'm sorry kung nakalimutan kung ikaw ang biktima dito. I'm sorry."

Ang akala ko, namatay si Xander sa isang tipikal na hostage taking. Akala ko, namatay si Xander na isang bayani sa pagligtas sa mga taong nasa loob ng building na 'yon. Akala ko namatay siya sa isang operasyon. Pero nagkamali ako.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon