Kabanata 6

98 66 48
                                    

Reyes

Hindi ko na natanong pa si Joshua tungkol sa sinabi niya dahil dumating na ang prof. Pinanood ko na lang ito na nagbabasa ng attendance sheet.

"Oh, dalawa pala ang Reyes dito." Napatalon ako ng bahagya nang marinig ko 'yon.

"So, Where's Alexandrea Reyes?"

"Maam?" sagot ko sabay taas ng kamay.

"And, Chelsea Reyes."

"Yes, Ma'am" sagot ng isang matinis na boses na nangagaling doon sa leader ng C.R. girls. Kung sinusuwerte ka nga naman.

"Magkapatid ba kayo?" tanong ni Ma'am.

"No way," mabilis niyang sagot kaya di na ko nagsalita.

Natapos ang buong klase ko sa hapon at nalaman kong may mga klase rin pala akong kaklase ko sina Ivan and friends at 'yong C.R. girls. Ang sabi ni Ivan dito na lang daw kami sa parking lot magkita. Dim na ang lights habang naglalakad ako at hinahanap ang kotse ni Ivan. Nagulat na lang ako ng biglang may humarang sa dinadaanan ko. Sino pa ba? No other than... The C.R. Girls.

"Hey, Alexandrea Reyes. What the hell? Kaapelyido pa talaga kita."  I just rolled my eyes.

Yes, she's right. It is a hell. Hindi ko mapigilang paalalahanan ang sarili ko na adult na pala ang isang 'to at hindi na bata. She, with her childish act, is so annoying. Para siyang batang nagwawala dahil magkaparehas kami ng bag pero ginigiit niyang mas branded ang kanya at akin ay imitation lang. God! I don't have time for this.

Hindi ko na lang siya pinansin at didiretso na sana nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Huwag mo 'kong tatalikuran 'pag kinakausap kita!" sigaw niya. Again, ayoko ng gulo. Gusto ko lang 'yan ipaalala sa sarili ko dahil nag-uumpisa ng mag-init ang ulo ko.

"Kung nakukulangan ka sa atensiyon, mali ka ng taong nilapitan. Hindi ko mabibigay sa'yo 'yon," kalmado kong sagot.

"Hindi ako ang attention seeker dito, kundi ikaw! Ikaw 'yon! Nilalandi mo nga 'yong mga varsity players diba? Iniisa-isa mo sila!" sinabi niya 'yon habang damang dama niya ang pagturo sa'kin na may kasama pang tulak kaya napapaatras tuloy ako.

Imbes na mag-init 'yong ulo ko lalo ay hindi ko na mapigilan ang matawa. Langhiya! Tawa ako ng tawa at rinig na rinig ang alingawngaw no'n sa tahimik na parking lot. Hinawakan ko pa ang tiyan ko sa sakit sa kakatawa.

"What's funny?" Kinalma ko muna ang sarili ko bago humarap sa kanya. Nakakabaliw 'to.

"Naiinggit ka!" Hindi 'yon tanong, isa 'yang pangungusap na may tandang padamdam para madama niya.

"How dare you?" nanggagalaiti niyang tanong saka akma akong sasampalin pero mabilis ko 'tong napigilan.

"I am daring you! You better stop your stupidity and immaturity. But it will be the best if you stop your craziness to me." seryoso kong sabi.

"And why should I?" naging pirmi at mataas pa rin ang tono niya kahit nababahidan na ito ng panginginig.

"You should! Kung ayaw mong iparetoke ulit 'yang retokada mong mukha." Binangga ko na sila para makaalis.

Pagkarating ko ng kotse ay naabutan ko si Kean at Paulo na namimilipit sa kakatawa samantalang si Drake naman ay mahinang pumalakpak habang napapailing-iling pa. At si Ivan naman, seryoso lang.

Pumasok na lang ako sa backseat kung saan nakaupo doon sina Kean at Paulo na nababaliw pa rin. Sa harap naman ay sina Drake at si Ivan na nagda-drive.

"Grabe ka Alex! Alam mo bang ikaw pa lang ang nakakagawa no'n kay Chelsea. Tingnan mo naman siya, tulala pa rin," sabi ni Paulo na tumatawa pa rin. Napailing na lang ako sa pagkakatuwa nila.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon