Kabanata 50

43 4 0
                                    

Alas

"Boss."

Makakalimutan ko ba siya? Siyempre, hindi. Ibababa ko na sana ang baril ko nang may makitang anino na paparating.

"Ibaba mo ang baril mo," malamig na sabi ni Joshua.

Nice one!

Mabilis kong kinasa ang baril ko at gano'n din ang nasa likod ko. Umiwas ako agad at nang kalabitin niya ang gatilyo ng hawak niyang baril ay sa lalaking nasa harap ko 'yon tumama.

Agad ko siyang tinutukan at kinuha ang baril niya.

"Bakit mo naman binaril ang tao mo Boss?" mapang-asar kong sabi sa kanya.

"Buhay ka pa pala Andrea. Malaki rin ang pinagbago mo." sabi niya habang itinataas ang dalawang kamay.

"Oo kaya lumakad ka na at dalhin mo kami kay Senior," utos ko sa kanya at hindi pa rin inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kanya.

Umakyat kami sa pinakadulong floor. Pagpasok pa lang namin ay pinaulanan na agad kami ng bala. Ginawa kong human shield si boss at nagtago sa pader. Agad bumulagta si Boss na ikinagulat nila. Tinignan ko si Joshua na nasa kabilang pader at nagtatago.

Sinilip ko kung anong mayroon sa loob at nakita si Senior at Mr. Cruz na nakaupo sa couch. Nakaabang naman ang mga tauhan niya sa paglabas namin.  Nanlaki ang mata ko nang makita si Ivan na nakaluhod paharap sa'min at may tama ng baril.

Fuck! Fuck! Fuck!

Wag naman sanang maulit ulit 'yong nangyari noon kasi hindi ko na alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko.

"Senior!" malakas kong tawag sa kanya.

"Andrea! Narito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" maligayang sagot niya.

"Dinadalaw ka Senior. Pero mukhang may bisita ka yata," sabi ko at sinilip si Ivan. May isa siyang tama sa balikat at napaatras ako nang makitang nakatingin din siya sa'kin.

"Hindi mo ba kasama 'to?" tanong niya at lumapit kay Ivan.

Fuck!

Tinignan ako ni Ivan na para bang sinasabi niyang okay lang siya at gawin ko lang kung anong kailangan kong gawin. Napakakampante niya kung tumingin na para bang sinasabi niyang kumalma lang ako dito at magiging maayos lang ang lahat katulad ng kung anong lagi niyang ginagawa.

Sumandal ako sa pader at napapikit. Kailangan kong mag isip ng plano. Nilingon ko si Joshua at nakitang may isinisenyas siya sa taas.

Tumingala ako sa bubong at nakitang nakapatong sa bakal si Drake na kahit anumang oras ay handa ng magpaulan ng bala.

"Mukhang hindi mo pa nakikilala ang bisita mo Senior," mapaglaro kong sabi.

Sinilip ko si Ivan na ngayon ay tinututukan ng baril ni Senior.

"Bakit hindi mo siya ipakilala sa'kin Andrea?" sabi niya at bahagya pang tumawa. "Gaano ba siya kahalaga sa'yo nang maisunod ko na siya sa pinakamamahal mong si Xander."

Nag-igting ang panga ko sa narinig.

"Tangina! Iputok mo na," malakas kong sigaw at nakatingin kay Drake. Umiling siya at tinignan si Ivan. Alam kong nag-aalangan siya dahil baka matamaan si Ivan sa gagawin niya pero wala na akong magagawa.

"Anong sinabi mo?" gulat na tanong ni Senior.

"Sayang naman at hindi pala alas ang hawak ko," sabi niya at itinayo si Ivan saka ikinulong sa bisig niya habang tinututukan pa rin ng baril.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon