Kabanata 8

83 59 43
                                    

Ang bilis

"Ako po? Bakit po ako?" nabibigla kong tanong.

"Bakit naman hindi ikaw?" balik niya ring tanong.

"I mean, pwede naman po si Ivan since siya naman po 'yong team captain," suggest ko.

"Halos lahat sila magka-kaibigan, kaya baka imbes na magpractice ay mas piliin nilang mag chill na lang, though Ivan is a good leader and I can see his motivation para maipanalo ang game. Kitang kita 'yon sa mga pagpapractice nila, but that doesn't enough para iwan ko sila ng sila sila na lang. It is still a better way if may manonood sa kanila at bumabasa ng mga nagiging weakness at improvement nila. At ikaw ang nakikita ko para doon."

"Pero..."

"No more but's Reyes, nakasalalay dito ang grades mo para sa P.E."

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang maglaro o humawak ng team ulit. Hindi na bago sa'kin 'to pero ito na unang beses na maglalaro ako ng hindi ko siya kasama.

Wala ako sa sariling pumasok sa gym at napansin silang naglalaro na. Dumiretso ako sa bench para maglapag ng gamit nang biglang may nagpasa sa'kin ng bola o dapat ko bang sabihin ay nagbato dahil hindi na yata pasa ang tawag do'n. Mabuti na lang at agad  ko 'yon nasalo nang makita ko 'yong papalapit sa pheripheral vision ko. Kay Ivan galing ang bola. Ano bang problema nito? Sinamaan ko siya ng tingin habang papalit sa'kin.

"So, ikaw pala ang tentative coach namin?' tanong niya with a smirk. I just looked at him straight in his eyes. Ano naman kung ako?

"Sa tingin ko, kailangan mo silang pakitaan Alex." Napalingon ako kay Drake na kinukuha na ngayon ang bag ko at nilalapag sa bench.

Three on three daw, si Ivan, Paulo at Lance samantalang kami naman nina Drake at Kean ang magkakampi. Sinusubukan nila ako ah! Mabuti na lang at naka P.E. ako ngayon.

Napag usapan namin nina Drake na nasa akin lang lagi ang bola, since 'yon naman ang objective ng game na 'to. Bago magsimula ay nag warm-up muna ako. Ngayon na lang ulit ako makakapaglaro.

Ginagwardiyahan ni Drake si Paulo at si Kean naman ay kay Lance samantalang si Ivan naman ay nakabantay sa'kin. Nasa kanila ang bola at si Coach Buboy ang nagsisilbing referee namin kasama si Joshua na scorer.

Binabasa ko ang bawat galaw ni Ivan at nakakainis lang dahil straight lang siyang nakatayo habang nagdi-dribble ng bola, kaya di na rin ako nag-aksaya pa ng effort. Minamaliit talaga ako nito! Inirapan ko lang siya at mabilis na inagaw ang bola at nilagpasan siya ng kunti bago i-shoot 'yon. Nakuha ni Kean ang bola na ipinasa kay Drake at shoot agad. Pagkabagsak ng bola ay lagi itong naaagaw ni Ivan na nagiging dahilan para magka-score sila. Pero hindi pa rin 'yon nakatulong para makabawi sila mula sa pagkakatambak.

Muling napunta sa'kin ang bola na akma namang aagawin ni Ivan nang bigla ko itong ipinasa kay Drake na hindi man lang napupugto ang tingin kay Ivan. Mabilis na lumipas ang mga minuto at hingal na hingal na agad sila samantalang ngayon pa lang ako ginaganahan.

Nasa kay Ivan ang bola, hirap na siya sa paghinga at tagaktak ang pawis. Hinayaan ko na lang siyang i-shoot ito dahil siguradong mimintis naman 'yon. Hindi nga ako nagkamali! Muli niyang kinuha ang bola para i-rebound pero agad akong tumalon para agawin 'yon at i-dunk ang bola sa huling segundo ng laro.

Tapos na ang laro. Panalo kami. Agad akong bumitiw sa ring at sumalampak sa sahig. Narinig ko ang malakas na palakpak ni Coach Buboy. Nakaupo silang lahat at hingal na hingal samantalang nakalahad naman ang kamay ni Drake sa'kin na agad ko namang tinanggap at binitawan din.

"Hindi nga ako nagkamali sayo Alex, ikaw na ang bahala sa kanila," sabi ni Coach Buboy na tinapik pa ang balikat ko bago umalis.

Inabutan ako ni Drake ng extra niyang towel at tubig na hindi ko na tinanggihan. Nag-ayos na rin muna ako ng sarili bago umupo sa harap nila.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon