Kabanata 20

38 9 5
                                    


Misteryoso

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya at lumabas ng gate.

"Maraming nakapaligid sa'yo na hindi mo dapat pagkatiwalaan. May ilan sa kanila na sadyang mapagpanggap," makahulugan niyang sagot habang nakatingin lang sa kawalan.

"Sino bang tinutukoy mo?"

"Hindi ko sila kilala pero sigurado akong kumikilos na sila ngayon," sagot niya pa nang dumating na ang Taxi na na-book niya.

"Pumasok ka na sa loob," utos niya at pumasok na ng kotse.

Ibinaba pa niya ang bintana no'n at sinenyasan ako na pumasok na. Tumango na lang ako sa kanya at pumasok na nga sa loob.

Pagka-lock ko ng gate ay narinig kong umalis na nga ang taxi na sinasakyan ni Joshua. Tumuloy na ako sa pagpasok sa bahay at ni-lock ang pinto. D-in-ouble check ko pa kung naka-lock lahat ng pinto at bintana bago umakyat sa kwarto ni Ivan dala dala ang isang batya na may lamang tubig at tuwalya.

Habang naglalakad ay di mawala sa isip ko kung anong ibig sabihin ni Joshua at di ko mapigilang isipin kung may alam ba siya sa'kin at bakit siya may alam?

Tatlong tao na ang nagiging misteryoso para sa'kin. Si Mr. Cruz, Ms. Lara, at si Joshua. Dalawa sa kanila ay binantaan akong mag ingat. Sa sobrang gulo ay di ko na maintindihan. May koneksiyon ba sila sa isa't isa? Paano nila nalaman ang tungkol sa'kin?

Sa sobrang dami kong tanong at sa sobrang dami kong hindi pa nalalaman, pakiramdam ko tuloy wala akong alam. Hindi 'to pwede. Kailangan 'kong gumawa ng hakbang.

Pagkarating ko sa kwarto ni Ivan ay naabutan ko siyang nakaboxer shorts na lang. Nilapitan ko siya at nilapag ang batya sa bedside table. Umupo ako sa tabi ng kama at pinunasan na siya. Pagkatapos ay kumuha ako ng T-shirt sa cabinet  para isuot 'yon sa kanya. Medyo nahirapan pa ako sa pag-angat ng katawan niya kaya nagising siya nang bahagya.

"Alex," mahinang daing niya habang nakapikit.

Inayos ko na ang kumot niya at aalis na sana nang bigla niya akong hilahin pahiga.

"Ivan!" pigil kong sigaw. Baka magising pa si Tita at kung ano pa isipin no'n.

"Stay here, please," bulong niya sa tainga ko at kinulong ako sa bisig niya.

"Hindi pwede. I have to go back at my room," saway ko sa kanya. Pero hindi ko na narinig ang pagsagot niya. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa'min. Akala ko tulog na siya kaya gumalaw na ako para makaalis pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa'kin.

"My dad left me with a big responsibility. I am young, living a wild life and free."

Gumalaw ako ng bahagya para umayos sa pagkakahiga. I can hear his broken voice defining how hard these things to him.

"When he left, he told me that I have to take care of the family, as I am the eldest son," dugtong niya habang sinisiksik pa ako lalo sa kanya.

Hinayaan ko lang siya na magsalita at yakapin ako. Sa tuwing ako ang nasasaktan ay lagi lang siyang nandiyan. I found comfort to him so, I hope he'll find his to me.

"There's no problem about that. I love my family and I can protect them with all of my life without him, telling me to do so," huminga siya ng malalim saka nagpatuloy.

"That time I didn't know that we are the second family. After a year bumalik siya, doon ko pa lang nalaman na pangalawa lang pala kami. I was mad, my immature self was very mad at him. Parang sa nalaman ko ay nasagot ang lahat." Sandali siyang tumigil at hindi nagsalita kaya tiningala ko siya para tignan kung nakatulog na ba siya. And from here beside him in his bed, I saw him crying. Gumalaw ako ng bahagya at humarap sa kanya. Inangat ko ang kamay ko para punasan ang mga luha niya.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon