Kabanata 37

20 3 0
                                    


Attention Seeker

"No, of course! Dalawang beses na 'tong nangyari Ms. Reyes. Natatandaan mo kung anong ginawa mo noon? Napatawag kita sa office ko dahil may na-violate kang rules, hindi ba?" sagot niya.

"Wala akong nilabag na kahit na anong batas. At natatandaan ko ang araw na 'yon at hindi ko makakalimutan na sinabi mo sa'king gagawin mo ang lahat para mapaalis ako sa university na 'to. Hindi ako magtataka kung ikaw pala ang may pakana sa lahat ng ito," diretso kong sagot na ikinatigil niya.

"Totoo ba 'yon Ma'am Silvia?" galit na tanong ni Ma'am Wright.

"No, of course not. Papaniwalaan niyo ba ang babaing 'yan kaysa sa'kin. Oh God! I can't help this-"

"Enough!" sigaw ni Coach Buboy na pumutol kay Ma'am Silvia. "Walang expulsion na mangyayari and that is final!"

"And who are you to say that?" sigaw din ni Ma'am Silvia.

"I am her coach who treat her as my child. Kung tatanggalin niyo siya ay ipu-pull out ko ang investment ko dito. That was the least thing I can do as her father, na mukhang hindi kayang gawin ng Papa niya," sabi ni Coach Buboy at tumayo na. Hindi ko mapigilan ang mga  luha ko sa mga sinabi niya.

"Maybe I am not her father pero nasubaybayan ko ang paglaki niya and I treat her as my own." Napalingon ako sa kanya at naguguluhan sa mga naririnig.

"Ako ang pulis na nagligtas sa'yo Andrea at iniwan kita sa kumbento kung saan din ako lumaki," baling niya sa'kin at tinapik ang balikat ko saka lumabas ng pinto.

"I can't believe this," devastated na sabi ni Ma'am Silvia at sumunod na rin sa paglabas ng pinto at sunod na nagsilabasan na ang iba.

"Una na kami Alex," sabi ni Drake at niyaya na si Ivan at si Joshua na lumabas.

"Hihintayin kita sa labas," sabi sa'kin ni Ivan at lumabas na rin.

Kaming dalawa na lang ngayon ni Papa ang nandito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong itatawag ko sa kanya, Mr. Reyes o Papa.

Tumayo na siya at lalabas na rin sana nang magsalita ako.

"Bakit hindi mo ko ipinagtanggol?" Halos mabasag ang boses ko nang itanong ko 'yon.

"Bakit hindi ipinagtanggol ng hari ang prinsesa? Anong nangyari? Anong nangyari 'Pa?"

Wala akong narinig na kahit na anong sagot. Ang bumasag lang sa katahimikan ay ang pagbukas sara ng pinto.

Ako na lang mag isa.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Ganito lagi ang nangyayari. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Sa sobrang lungkot ko hindi ko na matandaan kung paano ngumiti. Hindi ko na matandaan kung paano ngumiti kapag humaharap ka sa camera. Dapat 'yong ngiti daw na makikitang masaya ka kahit naka-develope na 'yan. Pero hindi ko 'yon magawa.

Kung hindi ako pinasok ni Ivan ay hindi ako makakaalis do'n at patuloy lang sa pag-iyak. Unti unti na yata akong nilalamon ng sakit. Binigyan ko ang sarili ko ng ilang minuto para mag-ayos bago lumabas at nagpakita sa mga tao.

I know I'm weak but that's not for show.

Kinabukasan ay balik sa dati ang schedule. Hindi katulad ng mga naunang issue, ang isang ito ay hindi nakalimutan agad. Marami pa rin akong naririnig na bulong-bulungan pero wala na talaga akong pakialam. Naubusan na yata.

Pagpasok ko ng gym ay diretso agad sa practice. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa huwisyo dahil sa nangyari kahapon.  Dagdagan mo pa ng babaeng sobrang lalakas tumili.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon