Kabanata 27

27 6 2
                                    


Senior

Pagkatapos ng sigaw na 'yon ni Ivan ay wala ng nasabi pa si Chelsea at nanahimik na lang. Hindi ko alam kung ano pang pinuputok ng butchi nitong si Chelsea, e katabi niya na nga si Ivan.

"Oh!" sabi ni Drake habang nakalahad ang supot ng pinanggalingan naming fast food.

"Ano 'yan?" iritado ko pa ring tanong sa kanya.

"Buksan mo." Tinanggap ko ang supot na 'yon at binuksan. Isang mabangong large fries ang bumungad sa'kin.

"Wow!" malakas kong sabi na nagpalingon sa kanilang lahat.

"Oh! Wag ka ng bumusangot diyan," sabi niya at pinisil ang ilong ko.

"Woy! Anong nangyayari sa inyo diyan?" malakas na tanong ni Paulo at sinipa sipa pa 'yong upuan namin.

"Stop it," saway ko sa kanya. Sunod naman ay si Kean na dumungaw pa talaga sa'min mula sa likod.

"Wow! Ang dami niyan ah! Kanino galing? Kay fafa Drake?" tanong niya in a gay tone.

"The one and only," sagot ni Drake at nakipag apir pa kay Kean.

"Umamin nga kayong dalawa. Kayo na ba?" galit na tanong ni Paulo na nakadungaw na rin sa'min.

"Hindi ah!" maagap 'kong sagot.

"Hindi magiging sila," singit ni Joshua na nasa unahan lang namin.

"Ano Joshua? May sinasabi ka?" tanong ni Kean.

"I said, hindi magiging sila. Can't hear it?" iritado niyang sagot.

"And why do you say so? Selos ka?" sabat naman ni Chelsea.

"Oh come on! Hindi ka kasali sa usapan," masungit na sagot ni Joshua na nagpatawa sa dalawang ugok na nasa likod namin.

"Ano bang problema mo sa'kin Josh? Are you jealous na katabi ko si Ivan?" malandi niyang sagot.

"Dream on," supladong sagot ni Joshua. "By the way, don't call me Josh. We're not friends."

Sa pangalawang pagkakataon ay natahimik na naman si Chelsea sa supalpal naman ngayon ni Joshua.

Hindi ko makuhang maawa sa kanya dahil dapat lang 'yong mangyari. She's so proud of herself to the point that her confidence is up to it's limit. She's acting like she's so important and valuable and no one will dare to break her. Joshua is just stating the truth by being rude. And truth is rude. It can hurt you like a hell.

Dumating kami sa private resort ng magdidilim na. At dahil private resort 'to at kami lang ang tao ay tag-iisa na kami ng kwarto. Nasa iisang floor lang ang basketball team kasama ako at nasa susunod na floor naman sa ibaba ang women's volleyball team.

Isasali rin kasi sila sa tournament kaya sumama na sila sa training dito. Magkatapat lang kami ng kwarto ni Ivan at nasa magkabilang gilid ko naman si Drake at Joshua. Ang order sa'min ni Coach ay pagkatapos naming mag-ayos at magpahinga saglit at bumaba na para makapaghapunan.

Pagkapasok ko ng kwarto ay nilabas ko lang at inayos 'yong mga damit ko sa closet tapos iniwan ko na sa bag 'yong mga personal kong gamit. Puro shorts lang ang dala ko gaya ng sport shorts, board shorts at denim short. Sa damit naman ay sweater, T-shirt, sport shirt, rash guard at sports bra.

Nagshower lang ako sandali at nagbihis ng T-shirt at denim shorts saka bumaba na. Pagbaba ko sa mini resto ng resort ay nandoon na sa mahabang lamesa ang team at ang volleyball players.

"Sexy mo boss ah!" bungad sa'kin ni Paulo at sumipol pa.

Napalingon ako sa kanya nang marinig na naputol ang pagsipol niya at naabutan na lang siya na nagkakamot ng batok at nakatingin ng masama sa katabi niyang si Ivan. Nabatukan na naman siguro.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon