Kabanata 49

25 3 0
                                    


You look hot

Pumasok ako kinabukasan na parang walang nangyari kagabi. Naglalakad ako papuntang hallway nang makasalubong ko si Mr. Cruz. Hindi niya ako tinitignan o pinapansin man lang kaya gano'n din ang ginawa ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang balikat ko na may sugat para pahintuin ako. Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot no'n. Agad kong hinawi ang kamay niya para maalis 'yon do'n.

"Hindi mo dapat hinahawakan ang hindi dapat hawakan," malamig kong sabi at kinuha ang kamay niya para tignan ang palad niya na may bahid ng dugo.

Tinignan niya ang balikat ko na may dugo do'n na nagmantsa na rin sa uniform. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ang kamay niya na may dugo.

"Hindi dapat mabahidan ang kamay mo ng dugo ko," malamig ko pa ring sabi sa kanya.

Nagtataka niyang binawi ang kamay niya sa'kin. Magsasalita pa lang sana siya nang mag-ring ang cellphone niya. Tinignan niya 'yon saglit bago lumakad palayo sa'kin.

"Hello. Pupunta na ako diyan... Yes," narinig kong sabi niya.

Pinanood ko siyang umakyat sa faculty office niya na nagmamadali. Mabilis naman akong pumunta sa parking lot para hanapin ang kotse niya. Siniguro ko munang walang tao sa paligid bago lumapit nang tuluyan sa kotse niya. Nang wala ng makitang tao ay nilagyan ko ng maliit na GPS device ang rim ng gulong sa kotse niya. Pagkatapos ay tinignan ko muna kung naka-connect na ba ito sa cellphone ko. Napangiti ako nang makitang connected na nga 'yon.

Mabilis akong tumakbo papunta sa gym para hanapin si Ivan do'n. Nakita ko na pababa na sa hagdan si Mr. Cruz at pupunta na ng parking lot.

"Ivan, pahiram ako ng kotse mo," sigaw ko na papasok pa lang sa washroom ng gym.

"Bakit? Teka... Bakit dumudugo 'yan?" tanong niya habang dinudukot sa bulsa niya ang susi ng kotse at itinuro pa ang balikat ko.

"Anong problema Alex?" tanong ni Drake na lumapit sa'kin.

"Susundan ko si Mr. Cruz. Kapag positive ite-text ko sa'yo ang location," sagot ko kay Drake.

"Sasama ako," sabi ni Ivan na hindi pa rin binibigay ang susi at kinuha na ang bag niya.

"Give me the keys!" punong puno ng awtoridad kong sabi.

Wala siyang nagawa at nilapag rin sa kamay ko ang susi.

"Good!" sabi ko at tumakbo sa papuntang parking lot.

Pagkasakay ko sa driver's seat ay siyang pagsakay rin ni Ivan sa front seat.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang ini-start ang sasakyan.

"Sasama sa'yo!" malakas niyang sabi.

"Fuck Ivan! Madadamay ka lang!" madiin kong sabi.

Kinabit ko sa holder ng dashboard ang cellphone ko at binuksan ang GPS.

"Mag-seatbelt ka," utos ko sa kanya at mabilis na pinatakbo ang kotse. Sinundan ko lang kung saan dumaan si Mr. Cruz para matunton kung saan siya pumunta.

"Fuck!" malutong kong mura nang makitang traffic na.

Mabilis kong inatras ang kotse at dumaan sa isang shortcut na lalabasan ay ang daan kung nasaan siya ngayon. At dahil hindi na highway ang dinadaanan namin ay mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo sa kotse.

"Bilisan mo pa," bulong ko.

Nilingon ko si Ivan para makita kung okay lang ba siya at naabutan ko lang din siya na nakatingin sa'kin.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon