Kabanata 44

19 4 0
                                    

You'll be in pain

"So we were gathered here to celebrate the partnership of VGC and our beloved university. So, the partnership is a great opportunity for the students that will stand as  future of our country. So, let me have this toss to Ms. Erlinda Velasquez, the CEO of VGC.

Marahang tumayo si Ms. Velasquez at nakipag toss kay Mr. Reyes. Pumunta siya sa harap at hiningi ang mic.

"Thank you for the celebration and acknowledgement. We are very grateful sa partnership na nangyari. We are very lucky dahil ang future faces ng company ay magmumula sa isang exclusive university. I am just the Chief Executive Officer or the CEO of the group of companies. And there is a very successful woman behind the success of the company. VGC means Vergara Group of Companies na dating VCC or Vergara Construction Company na mas lalong napalago at naging VGC na nga." mahabang speech ni Ms. Velasquez at sumusulyap sulyap kay Mr. Reyes.

"Let's give also a round of applause, the Director and the owner of 50% share of the group of companies. Let's all welcome, Ms. Cassandra Gomez Vergara together with his son Kris Andrew Vergara Reyes." Pagkasabi no'n ay parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa loob ng puso ko. Agad tumayo si Tita at pumalakpak.

Tinignan ko si Mr. Reyes na napatayo rin sa kinauupuan niya at pinanood ang paglalakad ng isang babae paakyat ng stage. Suot niya ang isang eleganteng vintage dress na nagbigay sa kanya ng pinaka eleganteng mukha dito sa party na may escort na isang matikas na lalaki.

Pati si Mrs. Silvia ay nagulat sa nakita at di man lang magawang tumayo. Naramdaman kong may humawak sa baywang ko. Tinignan ko ito at tumingin kay Ivan.

"Nandito na sila Alex. I'm happy for you," sabi niya at ngumiti sa'kin pero hindi ko magawang suklian 'yon dahil sa pagkagulat sa mga nangyayari.

"Thank you for the beautiful introduction for me Ms. Velasquez. Well, before I begin my speech, I just want to call my only daughter to come here with us in stage. Let's give her also a round of applause, Alexandrea Vergara Reyes," sabi niya at tumingin sa direksiyon ko.

"Halika na," sabi ni Ivan na nakatayo na pala sa gilid ko at nakalahad ang kamay sa'kin. Tinanggap ko 'yon at kumuha ng lakas do'n.

I cling to him as we headed in front of all the people. Pagdating ko sa harap ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala si Ivan. Sumunod na yumakap sa'kin ay si Andrew.

"I missed you 'Deng," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"I'm sorry." sabi ni Mama sa mic.

"This is our reunion since it's been a long time from the day we saw each other. Naiwan namin dito si Alexandrea na pinagsisihan ko ng mahabang panahon." I clenched my jaw as I heard that statement. Naiwan o iniwan? I don't know what to feel.

"You heard it right. Reyes ang apelyido ng mga anak ko because Mr. Alejandro Reyes, the owner of the university we partnered with, is their father. My ex husband." sabi niya at bahagya pang tumawa.

Tinignan ko si Ivan na nakangiting nakatingin lang sa'kin.

"Why?" he mouthed. Napalunok ako ng ilang beses at halos hindi na marinig  ang sinasabi ni Mama sa mic. Sumasakit na naman ang ulo ko at paulit ulit na nagpa-flash sa isip ko kung paano nila ako iniwan.

"Are you okay?" tanong sa'kin ni Andrew at inalalayan na ako pababa ng hagdan.

Katabi lang ng table nina Ivan ang table nila mama at doon na rin nila ako pinaupo. Nilingon ko si Ivan na nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"May problema ba Alex?" tanong ni mama at binigyan ako ng tubig. "You look constipated.

"I'm fine. I'm sorry. Medyo nagulat lang ako sa pag-uwi niyo," pag-amin ko.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon