Kabanata 5

122 79 141
                                    

Nakakatakot ba sila

Maaga akong nagising katulad ng nakagawian at nag-ayos. Tinali ko lang 'yong buhok ko ng pony at hinayaan na malaglag ang mga bangs ko na hindi na matali. Pagbaba ko ay naabutan 'kong kumakain na sila, nilapag ko ang bag ko sa sofa at sumalo na sa pagkain.

"Ang tagal mo!" masungit niyang bungad.

"Wow! good morning din ah!" Ganda ng morning greeting niya e 'no?

Di ko na siya pinansin at mabilis na kumain. Hindi daw magandang nag-aaway sa harap ng hapagkainan. Umalis din kami agad pagakatapos naming mag-almusal. Pagdating namin sa school ay nakita namin ang mga barkada ni Ivan sa bench. Maaga pa naman kasi kaya nagagawa pa nilang tumambay.

"Hi Alex." bati ni Paulo sa'kin at nginitian ko na lang siya.

Hindi ko na dapat sila pinansin kaso ayoko naman maging snob. Nakipag-fistbomb ako kay Drake at umupo sa tabi niya.

"Ganda mo ngayon ah!" biro ni Drake.

"Pagbigyan mo na, ngayon lang naman e." Nagtawanan sila na ikinangiti ko na lang.

They intoduced theirselves to me that they failed to do in our first meet. Kean Labriano is the smallest of them all. Hindi naman sa literal na maliit pero dahil sa basketball players silang lahat, nagmukha tuloy siyang maliit.

Si Lance Del Fuente naman 'yong tumawag sa'kin ng chicks dati. Mas matangkad lang siya ng kunti kay Kean. May girlfriend na rin siya at 'yon ay si Sam, na inaakbayan niya ngayon. Para silang may sariling mundong dalawa. Agad kong iniwas ang tingin ko at pinagtuunan si Joshua Madrigal. Siya 'yong pinakamatangkad. Siya ang may pinakamature na pangangatawan sa kanilang lahat though, lahat naman sila matured na at naiiba sa mga pangkaraniwan na college boy. Tahimik lang siya at laging may headset sa tainga. Lagi siyang malamig kung tumingin.

Ang sumunod naman sa katangkaran kay Joshua ay si Paulo Buenveno. Siya ang pinakamakulit sa kanila, pinakagreen at pinaka kalog, clown ng barkada. And let's not talk about their looks. I'm not good at complimenting and I admit that they deserve a compliments. May kanya-kanya silang kagwapuhan at appeal na tinitilian ng lahat.

"Ge, una na ko." paalam ko sa kanila.

"Where are you going?" seryosong tanong ni Ivan habang naglalandian sa tabi niya sina Kean at Paulo.

"Library." maiksi kong sagot at umalis na.

Since, mahaba pa naman ang oras at wala pa akong klase ay tatambay muna ako sa library. Kunting basa basa lang ng history at literary books, pampalipas oras lang.

Nasa tahimik na hallway ako papunta sa library nang biglang may humablot sa'kin papunta sa C.R.

"Who the hell you are?"

Naramdaman ko ang malamig na tiles na tumama sa likod ko. Fuck! Umangat ang tingin ko sa babaeng pulang pula ang nguso na nasa harap ko ngayon kasama 'yong dalawang babaing mukhang nginudngod ang mukha sa inidoro. I'm sorry for the words, but I warned you, I'm not good at complimenting people.

Ayaw ko ng gulo at sana naman 'wag antayin ng babaing 'to na gustuhin ko 'yon! Tinulak ko siya ng bahagya para makadaan at makalabas na pero hinablot niya lang ulit ako at iniharap sa kanya.

"Huwag mo 'kong tatalikuran kapag kinakausap kita. Hindi mo ba 'ko kilala?" sabi niya habang pinandidilatan ako ng mata. Nagkaroon tuloy ako ng pagnanasang dukutin 'yon, tutal naman ay kusa na itong lumuluwa.

"Ako? Kilala mo ba?" tanong ko rin habang sinasalubong ang talim ng titig niya.

"No!" sabi niya at iniwasan ang tingin ko.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon