Kabanata 38

23 2 0
                                    


Pagkawala ng isang bagay

"I know, iniwan kita at pinagsisisihan ko 'yon. Pero bakit kay Chelsea ka gumaganti? Kapatid mo siya Andrea."

"Oh God!" frustrated kong sigaw habang nakatingala sa taas at nakapamaywang. Napapagod sa mga nangyayari.

"Kung sino man ang attention seeker dito, hindi ako 'yon!" may diin kong sabi.

"No'ng nalaman ko na sila pala ang ipinagpalit mo sa'min. No'ng nakilala ko ang bago mong asawa at ang pinakamamahal mong anak, wala akong ginawa. Kasi alam ko naman na walang magbabago. I didn't even seek for your attention," malamig kong sabi at mas lumapit pa sa kanila.

"Umpisa pa lang, hindi pa niya nalalaman ang pangalan ko at kung sino ba talaga ako, inuumpisahan niya na akong saktan. Hindi mo alam, hindi ba? E kasi wala ka namang alam tungkol sa'kin."

"Andrea-"

"No, don't call me Andrea!" putol ko sa kanya habang umiiling pa.

"Ni hindi mo nga ako hinanap e. Kasi kung hinanap mo ko edi sana nakita mo na ko, matagal na. Pero wala kang ginawa."

Wala talaga siyang ginawa. Sa kanya pa nga yata ako nagmana. Ang walang magawa.

"Hindi 'yan totoo. Tama na Andrea. Itigil mo na 'to," awat niya sa'kin at pilit na inaabot ang braso ko na patuloy ko namang iniiwas sa kanya.

"No! Makinig ka sa'kin. For once, makinig ka naman sa'kin. Hindi 'yong palaging si Chelsea na lang ang pinapakinggan mo," sabi ko at binalingan si Chelsea.

"Ikaw Chelsea. Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo? Diba ikaw ang naglabas ng mga pictures na 'yon. Ikaw ang dumungis sa pangalan ng university pero bakit nasa akin pa rin ang sisi?

"Andrea, please! Stop it," awat sa'kin ni papa at humaharang sa paglapit ko kay Chelsea.

"Stop protecting her. I am not yet done!" malamig kong sabi.

"Chelsea, what are you waiting for? Tell them, what you did? Tell them what happened! For the first time, tell the fucking truth!!" sigaw ko sa kanya na mas lalo pang yumakap sa mama niya.

"Sinasabi mong attention seeker ako? Sinasabi mong sinasaktan ko ang anak mo? Tangina!" nanghihina kong sabi.

"Oo. Ako ang naiwan. Pero si Chelsea ang laging may ginagawa laban sa'kin. At ngayong gumaganti ako, ako na naman ang may kasalanan?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang hindi ko mabasang ekspresyon niya.

"I am done and so tired of it!" sabi ko at sinapo ang ulong sumasakit na naman.

"Chelsea, punong puno na ako sa'yo." nanghihina kong pag-amin at hinarap si Chelsea.

"Naiinggit ka ba sa'kin? Kung naiinggit ka man, anong ikinaiinggit mo?" Inintay ko ang sagot niya pero wala siyang sinabi at umiyak lang lalo.

"Ako nga ang dapat maiinggit sa'yo e. Kasi tama ka! Iniwan kami ni Papa para sa inyo. Nawala ang lahat ng sa'kin at napunta sa'yo. Pero wala akong  ginawa hindi ba? Dahil alam kong wala na akong magagawa do'n. Dahil kung akin ang mga bagay na 'yon ay hindi sila mawawala sa'kin. Alam kong wala kang kasalanan kaya wala akong maling iniisip sa'yo. Pero bakit ikaw? Anong nagawa ko sa'yo? I have nothing. Anong ikinaiinggit mo?" nanghihina kong tanong.

Gusto kong malaman kung anong mga sagot sa tanong ko. Para mas maintindihan ko ang lahat. Para malaman ko kung anong pinanggagalingan niya. Pero kung palagi nila 'tong gagawin, hindi ko alam kung saan ako aabot.

"I never take the chances to have a revenge. Kasi kung gusto kong gawin 'yon, isang pitik ko lang lumuluha na kayo ng dugo. But I never did, right? Wag niyo ng umpisahan ang matagal ng tapos. Nanalo na kayo, hindi pa ba sapat?" sabi ko at tinignan si Chelsea at si Ma'am Silvia.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon